CHAPTER [9.2 OF 9.2]

175 5 0
                                    

AUTHORS' NOTE:

Ito na po yung continuation. Please enjoy ^_^.

--------------------------------------------------------------------------------------------

"Something wrong, my princess??" Biglang tanong ni Ron.

Then I realized... Nakatayo na pala ako. Biglang nag-picture out sa isipan ko si Chubby. T-Teka, nasan ang chubby ko? Si Chubby, asan? Lumingon ako. Aalis na sana ako sa table namin kaya lang nahawakan ni Ron ang pulso ko.

"Saan ka pupunta. princess?"

"Sa puso mo ata."

HEEEPPP!! At bakit ko naman sasabihin yan? Eewwww, Nakakadiri naman siguro kung isasagot ko yan. That's impossible. That's never gonna happen.

"Sa banyo, magtatae, bakit? sama ka?" Sarkastikong sagot ko at inalis ang nakahawak niyang kamay.

"P-Princess... sasama nalang ako sayo."

Tumayo na siya't lumapit sa akin. Seryoso ba siya? Sasamahan niya ako sa pagtatae? How disgusting..

"Asan si Chubby ko?" 

Seryoso na ang mukha ko. Siyempre, inaantok eh. I easily get pissed off whenever I'm sleepy. Madali akong maasar. Lumingon-lingon si Ron. Mukhang hindi niya rin alam kung nasaan si Chubby.

"*Deep sigh* Help me find chubby." Halos pabulong ko nalang.

Maglalakad na sana ako nang may biglang nagsalita. I  saw teacher tiffany's husband with chubby in his arms. Gumalaw si Chubby at pinatakbo lang patungo sa akin. Then I hugged chubby.

*Barks*      

"Good boy, chubby ko."    

Nag-yawn ako. Gusto ko nang matulog. T_T Magpapasalamat sana ako sa groom kaso may kausap na naman itong bisita.      

"Kapal kilay, gusto ko nang umuwi." Inaantok kong wika at nag-yawn na naman.        

"Inaantok ka na pala, princess."    

Ay hindi. HINDI. Pabalik-balik na nga akong nag-yawn. Obvious kaya. Tsss.      

"May kl-------"      

Bigla niya akong hinigit palapit sa bride at nagpaalam na rin kami. Hilang hila niya ang isa kong kamay habang hawak at yakap ng isa kong kamay si Chubby. Lumabas na kami ng residente at nakita ko na ang kotse namin. Naghihintay na pala sina yaya Angelina at mang Juan sa amin.      

"Oh princess, Ron! Uuwi na tayo?" Tanong ni Yaya habang pinagbuksan kami ng kotse.    

  "Oo yaya. May pasok pa kase bukas eh." Sagot ko at nag-yawn na naman.

Sumakay na rin kami't umalis na. Yes, pauwi naaaa... Minutes passed... nakatulog na si Chubby sa lap ko. Habang ako,  papikit-pikit na ang mga mata. Para na akong ROCKER. Bakit? Nag heheadbang na ang ulo ko every minute dahil sa antok. Muntik na nga akong mahulog sa kinauupuan ko. Pinilit ko pa ring dumilat. Nakakahiya kasi sa katabi kong KANINA pang nakatingin sa direksyon ko.

"What are you looking at?" Pataray ko habang nakataas ang kilay.

"Inaantok ka na, Princess. Higa ka kaya sa lap ko?" Wika niya habang tinatapik ang may legs niya.

Eewwwww. Anong akala niya sakin? Arghhhh. P-Pero di ko na talaga kaya. Ayy? Ano ba tong pinagsasabi ko? *Yawns* Naluluha na naman ako. Gusto ko nang humiga. Gusto ko nang matulog. Mukhang.... Pagod na ako. Out of my mind, lumapit ako kay KK. Mukhang nagulat rin siya sa ginawa ko. Ipinatong ko ang ulo ko sa balikat niya't ipinikit ang mga mata. Hawak ko parin si Chubby. Habang nakapikit, naramdaman ko ang paghaplos ng kamay ni KK sa buhok ko. Mas lalo akong nagiging komportable at mabilis na nakatulog.

XXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXX

KUYA FOR RENTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon