CHAPTER 13

129 1 0
                                    

AT THE RIGHT => Sunshine and City Lights by Greyson Chance

SERENITY'S P.O.V.

"Hoy bag mo oh"


Lilingon sana ako kay KK kaya lang binato niya sa akin yung bag.

Tumama tuloy yung bag sa may tiyan ko.

Tinitigan ko siya ng masama kaya lang, deadma lang siya. Nagpatuloy lang ito sa paglakad patungo sa building ng department niya hanggang sa nawala na nga ito sa paningin ko.

Lalakad na sana ako pero agad din akong napatigil.

Bigla nalang kasing sumakit yung ano ko..tiyan siguro. Ewan, di ako sure..

Napangiwi nalang ako sa sakit na nadarama at dahan-dahang naglakad. Di pa naman ako malelate ehh. 

Napairap nalang ako.

--------------------------------------------------------------------------------------------

"Oh ba't ganyan itsura mo girl ha?"

Agad kong hinawakan yung mga pisngi ko habang paupo na ng chair ko.

Kararating ko lang dito sa classroom, ito na ang bati ni Berlin sakin -_-

"Bakit, gumaganda ba ako lalo?" Walang buhay na tanong ko din sa kanya.

Bigla niyang pinalo yung desk niya ng malakas.

"Ohhhhmy oh my oh my woooh oh my goodness!" Malakas na wika niya habang may pa paypay effect pa ng mga kamay. Naiinitan ba siya? Tss Ang lakas kaya ng aircon. Baka di lang naligo itong Berlin nato psh

Inirapan ko lang siya't isinandal yung ulo ko sa desk while facing her.

"Grabe ka girl. Ikaw ba talaga yan? Para kaseng iba ka ngayon. You're acting weird. May nangyari sa bahay no? Ano, nahalikan ka na ni kuya K---" 

Agad kong tinakpan yung bibig niyang walang tigil sa pagsasalita ng walang kwenta.

"Pwede ba Berlin. Wala ako sa mood okay? Kaya wag mo ng i-mention pa yung KK na yun ngayon para di naman lalong masira tong araw ko."

KUYA FOR RENTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon