🍒 014 • N

187 7 1
                                    

author's pov

"ano ba yan! ang init init." reklamo ni entice.

kanina pa sila naghihintay kay renjun sa school grounds kasi may binili sa labas ng school. ang bagal kasi mabagal tumakbo dahil maliksi ang legs.

hehe charot, lonjin labyu.

"mainit? sorry hot ko kasi." ang pinakagasgas na linya na sinasabi ng mga mahahangin nating kaibigan.

"ha ha ha kaya ka hindi crush ni renjun kasi ang corny mo." awts sakit non hannah, payag ka non?

"oo, kasi ikaw ang gusto niya." bulong ni hannah sa sarili kaya hindi narinig ni entice.

few minutes passed, they saw renjun running towards them, holding a plastic bag in his arms.

"ano 'yan?" bungad ni entice kay renjun.

"ah band aid 'to para kay chenle. nasugatan eh, naubusan na kasi sa clinic." ani renjun.

aba, walang kwentang clinic. ipasara na 'yan.

"hala, kawawa naman si chenle." hannah said.

"sugat lang 'yon. malayo sa bituka." sabi ni entice na umani ng tawa galing kay renjun. inirapan naman siya ni hannah.

pagtapos ng ilang kwentuhan, dumiretso na sila sa canteen. ingay ng mga estudyante at nagkakalampagan na kubyertos at plato ang unang bumungad sa akin. halos occupied na ang lahat ng upuan ngunit buti na lang nakahanap ng bakanteng upuan si renjun na sakto sa apat na katao.

"ano sa inyo? ako na mag-order." presinta ni hannah.

"burger lang sa akin pati tubig." ani entice. "sayo, renjun?"

"ahm waffles, burger, turon, pati na rin banana cue. apple juice drinks ko."

"i didn't know you have an appetite of a dinosaur." hannah said.

spokening dollars 101

"para kay entice 'yung iba. ayokong mangayayat siya." hinampas siya ni entice dahil doon.

ilang saglit, umalis na si hannah para bumili. nagkwentuhan ang dalawa, nagtatawanan na ikinasimangot ng isa na tahimik na nagmamasid sa kanila.

si haechan.

"bakit ka tumatawa? i will never let my victims laugh."

mark lee, kabahan ka na talaga. oH cAnAdA.

"hindi ka na ba inaabala ni haechan?" tanong ni renjun.

oo, hindi na siya inaabala kasi siya naman ang nangungulit.

"hindi na, buti na 'yun hindi niya ako iniistorbo, madalas kasama ni haechan si caitlyn kaya siguro kinalimutan ako." nangangamoy selos dito. tumango lang si renjun bilang sagot.

"narinig ko pangalan?"

aba sinong--

"haechan?" sabay sabi ng dalawa. haechan grinned.

"pasabay maglunch ha." sabi ni haechan. hindi pa nga pumapayag si entice ay umupo na siya sa bakanteng upuan sa tabi nito na supposed to be dapat si hannah ang uupo.

entice's pov

awkward, 'yan ang masasabi ko ngayon.

grabeh yung mga titig na binibigay ni hannah sa akin. kung nakakamatay lang ang pagtitig niya sa akin, malamang kanina pa ako pinaglalamayan dito.

may pa taas baba pa siya ng kilay.

sus, kung hindi lang dumating si haechan, hindi niya makakatabi ang crush niyang si renjun.

"ito, entice. masarap ang burger nila." binigyan ni renjun yung in-order niya sa akin. "ikaw, haechan? gusto mo burger?"

nginitian lang ni haechan si renjun at binaling ang atensyon sa akin. "mas masarap ang sandwich nila. ito entice try mo." tatanggapin ko sana yung sandwich na nasa kamay niya nang bigla niya itong sinalpak sa bunganga ko.

bas2s ka, haechan.

pinandilatan niya ako ng mata kaya imbis na umangal ay tinawanan ko lang siya at nginuya ang sandwich na nasa bibig ko.

ano ba tingin nila sa akin?

pasalamat na lang sila gutom ako ngayon.

nilingon ko si hannah na ganoon pa rin ang titig sa akin. papatayin mo ba ako, hannah banana?

puta hu hu hu hu hu

alam kong may deep meaning yung mga titig niya sa akin. sa lagay ko ba naman na 'to, dalawang lalaki na tila nagpapaligsahan sa pagpapakain sa akin.

masarap na sana 'yung kain ko nang masamid ako sa pagnguya ng burger.

bakit ngayon pa ako sinumpong ng katangahan? huhubels

"ito uminom ka ng apple juice!"

"entice, ito orange juice."

sabay silang nagsalita.

tiningnan ko ang apple juice ni renjun at ang orange juice ni haechan.

teka---

"allergic si entice sa orange." ani renjun kaya biglang binawi ni haechan 'yung kamay niya na may hawak na orange juice.

"oh ito tubig, inumin mo sis." binigyan ni hannah ang isang bottled water sa harapan ko at dali ko naman itong ininom.

nagpasalamat ako kay hannah at isang nakakalokong ngisi lang ang sinukli nito sa akin. kanina pa 'tong bruha na 'to.

"ito pa oh, banana cue." inabot ni renjun sa akin ang isang stick ng banana cue.

"hindi masarap 'yan, entice. ito oh kamote cue." ani haechan at nilapag ang kamote cue sa harapan ko na hindi ko alam kung saan galing kasi hindi ko siya nakitang um-order nito.

muhkang tataba ako nito ah. goodluck sa akin.

"tumigil nga kayong dalawa! oh sis, ito tikoy!"

binigyan naman ako ni hannah ng tikoy.

"teka, saan mo nakuha 'yan?" tanong ko.

"kay lucas. sarap nga eh."



























---

comment para ganahan ako mag-update HAHAHAHA

bully | haechan.Where stories live. Discover now