entice's pov
"bwisit, pagod na ako!" i cursed at myself while running up the stairs.
malapit na ako. maghintay ka lang, haechan. 'wag kang tatalon please.
sinipa ko ang pinto ng rooftop nang napakalakas, wala na akong pake kung masira 'to. kailangan ko makita si haechan. hindi siya pwedeng tumalon jusko huhu.
"lee fcking haechan!" sigaw ko nang bumukas ang pinto. "wag kang magpapakamatay, please!"
i saw haechan sitting in the edge while hugging his knees, dahan dahan siyang lumingon.
"e-entice?" naluha na ako nang makita ko ang itsura niya. yung ilalim ng mata niya ay nangingitim na, marahil puyat kakabantay sa mommy niya. ang gulo ng buhok pero bakit ganon, ang gwapo pa rin tingnan? parang ginulo ng isang magaling hair stylist.
ang unfair ng bohai.
wala na, umiyak na ako. "please haechan, wag ka magpapakamatay. wag kang tatalon. hindi ko kakayanin mawala ka!"
pagkasabi ko noon ay lumabas ang dreamies ft. lucas na 'di ko alam kung saan nanggaling.
si jisung na may hawak na rosas.
si jaemin at renjun na may hawak na lobo.
si mark na may hawak na gitara, sa tabi naman niya si jeno na may hawak na mic.
si lucas at chenle na may hawak na tarpaulin na may nakalagay na 'i like you so much, entice."
nagsimula magstrum si mark ng gitara at kumanta si jeno.
"i'll be your morning star and you are my angel, you are my angel."
bwisit ano 'to?
"hoy! ano ba 'to?!" asik ko sa kanilang lahat.
mga punyeta dami nilang time para paghandaan 'to.
"entice, i'm sorry for all the things i've done to you. i know marami akong ginawang masama sayo and now, nagsisisi na ako...." panimula ni haechan. unting unti siyang lumapit sa akin. hinawakan niya ang kamay ko.
hOW TO PIGIL KILIG PO HUHUHU?
"and then huli na noong na-realize ko na gusto rin pala kita. na-traffic sa edsa."
pinaghahampas ko siya sa dibdib pero ako pa ata ang nasaktan, ang tigas ng dibdib niya!
"bwisit ka! akala ko magpapakamatay ka na. pagod na pagod akong tumakbo dito."
"sorry." he said, "entice, gusto kita, ay mali- mahal na mahal kita." ikinulong niya ako sa kanyang mga bisig. binalot ako ng init ng katawan niya. i hugged him back.
"mahal na mahal din kita, haechan!"
nagpatuloy ang paggitara ni mark at pagkanta ni jeno.
si jisung naman lumapit sa akin, binigay 'yung bulaklak.
"galing kay boss haechan." tinanggap ko naman 'to.
"omg! bessywap! i'm so happy for you!"
teka, saan nanggaling 'to?
"nandito ka rin?!" tanong ko kay hannah.
"aba syempre! hindi ako pwedeng mawala dito!" sagot niya. agad din siyang tumabi para makalapit ulit sa akin si haechan.
"so tayo na?" tanong niya.
"nanligaw ka ba?" tanong ko pabalik.
"hindi pa." sagot niya sabay kamot sa batok, hehe cute. "liligawan kita at once na maging tayo na, liligawan pa rin kita."
nginitian ko siya, magsasalita na sana ako nang hawakan niya ang pisngi ko at nilapat niya ang labi niya sa akin.
"jisung! bawal mo makita ang mga ganito. bata ka pa."
"eh bakit pati bibig tinatakpan mo?!"
"ay sori."
"tara, uwi na nga tayo!"
ilang segundo lang nagtagal pero talagang nasulit ko. ang lambot ng lips huhubels. isa pa nga.
paglingon, wala ng tao sa paligid. kaming dalawa na lang ni haechan.
bwisit, iniwan kami.
"i will take care and love you forever."
"hoy! tama na 'yan! hindi natin ni-rentahan ang rooftop woi!" hay nako, lucas.

YOU ARE READING
bully | haechan.
Humor"haechan, kamag-anak mo ba si jose marie chan?" © 2020 kokojjungs © to all the media and pictures i used ーlowercase intended ーtagalog epistolary all rights reserved