🍒040 • N

119 4 0
                                    

author's pov

"labas na! awardings na raw ng competition. required manood ang lahat. pumila by height ha!" sigaw ni mark, ang president ng class 1-A.

"may problema tayo sa height?" asik ni renjun kay mark. tinawanan niya lang ito.

isa isa lumabas ang mga kaklase nito at nagform ng line sa labas ng room. ang dreamies nagkumpulan sa likod at hindi sumunod sa sinabi ni mark dahil nasa pinakadulo pa talaga si renjun.

"si entice mananalo d'yan! ganda magdrawing no'n." pagmamalaki ni chenle sa klase.

"hoy! si caitlyn pambato natin pero kabilang section chine-cheer mo. taksil ka sa section." sabi ng isang kaibigan ni caitlyn na nasa unahan ng pila, inirapan na lang ni chenle ito. attitude ang dolphin.

"pupusta ako. si caitlyn mananalo d'yan!"

"sige sige, oh ito singkwenta. pusta ko si entice."

at ayon na nga, nagpustahan na sila kung sino mananalo.

"mga monggoloid, si janelle ng class 127 ang mananalo!" sigaw ng isa nilang kaklase. muli, inirapan ito ni chenle.

sa kabilang classroom naman na katabi lang ng room ng class 1-A ay nagkakagulo.

"hoy! labas na raw! ako presidente n'yo dito kaya sumunod kayo sa akin!" sigaw ni lucas. akalain mo nga naman, class president ang isang 'to.

"akala ko si papa duts ang presidente?"

"tangina mo, hannah! pumila ka na lang ng maayos kung ayaw mo mabatukan." ani lucas.

puno ng tawanan ang silid dahil sa pamamaraan ni lucas nang pagpila. imbis na kumilos at papilahin ang mga kaklase ay sinisigawan niya 'to.

mas lalong umingay sa corridor nang lumabas na ang section nila lucas. few minutes passed, dumiretso na sila sa gymasium kung saan gaganapin ang awarding ceremony.

bumungad sa kanila ang lamig na ng silid at umayos na umupo.

"huwag kayo maingay ha. lagot tayo kay principal lee soo man." sermon ni mark sa mga kaklase.

ilang sandali lang, nagsimula na. bumati ang officers at moderators ng mapeh club at isa isa tinanggal ang mga tela na nakatakip sa mga iginuhit ng participants.

napuno ng pagkamangha ang mga estudyante. their lips formed into a big circle, halatang suprised kung gaano kagaling ang mga taong nagdrawing non.

"yung nasa gitna ba yung kay entice?" tanong ni lucas kay jisung.

"oo ata, hyung. pero bakit parang may kamuhka?"

"parang kamuhka ni..." sabi ni lucas at tumingin kay haechan na hindi man lang siya tinapunan ng tingin. nakuha naman ni jisung ang gustong ipahiwatig ni lucas kaya tahimik siyang napahagikgik.

"ah si haechan.*

umakyat na sa stage ang mga participants at napuno ng hiyawan ang silid. they cheered for their section representatives.

bully | haechan.Where stories live. Discover now