🍒 55 • N

119 5 0
                                    

author's pov (aq ulet hehi)

"en-entice...."

"hindi ako si entice. ako si jaemin, na jaemin. bobo ba u." galit na sambit ni jaemin sa natutulog na renjun.

bagsak na bagsak ito. dumiretso agad siya sa bahay ni jaemin pagtapos siya i-reject ni entice dahil ang bahay nito ang pinakamalapit sa subdivision ni entice.

he's wasted and lost, not only physically but emotionally too.

tila ba naligo ang pisngi niya dahil sa rumaragasang mga luha na akala mo waterfalls. kahit ilang pahid at tanggal niya rito, hindi pa rin tumitigil.

"anyare ba sayo?" tanong ni jaemin pero walang sumagot. "sige sige, nice talking."

inayos ni jaemin ang pagkakahiga ni renjun sa kama, nilagyan niya ng unan ang ulo nito. ulo sa taas ha.

tinaas din niya ang comforter at binuksan ang aircon ng kwarto para hindi maiinitan si renjun.

yie renmin is sailing.

pasalamat na lang niya nasa business trip ang mga magulang niya kaya malaya niyang napatuloy si renjun sa bahay.

umiinom siya ng tubig nang makarinig siya ng malakas na katok na galing sa pinto. alangan naman sa bintana.

dahil sa gulat, nasamid si jaemin.

"yan natapon tuloy 'yung tubig. kasalanan mo 'to kung sinuman ka man kumakatok ka."

tuloy tuloy lang ang malakas na pagkatok sa pinto.

"may balak ka ba sirain ang pinto namin? wait lang!"

nang bukas niya ang pinto, nanlaki ang mata niya na makita na iniluwa nito si haechan na umiiyak.

anong ginagawa ng araw rito ng dis oras ng gabi?

ok, alam ko di nakakatawa 'yon.

anyway, balik tayo HAHAHA

"ha-haechan?"

"ay hindi, si jeno 'to." tumawa siya ng sarkastiko.

"sige, jeno, pasok ka." sumakay na lang si jaemin sa kaniya. "so bakit ka umiiyak?"

"kasi may mata ako." sagot nito. jaemin wanted to smack his head pero pinigilan niya ang sarili dahil naaawa siya sa itsura ng kaibigan.

ikaw ba naman salubungin na kusot kusot ang damit, magulo ang buhok at umiiyak.

"bahala ka nga d'yan. parehas kayo ni renjun. bwisit. hindi tambayan ng iyakin ang bahay ko."

"pumunta rito si renjun?" tanong ni haechan.

tumango si jaemin, "nasa kwarto ko natutulog." kaswal na sagot nito.

agad na napatayo si haechan at mabilis na sinugod ang kwarto ni jaemin.

natatarantang sumunod sa kaniya si jaemin. huli na siya nang maabutan niya si haechan na kinuwelyuhan si renjun.

gising na gising na si renjun, mulat na mulat ang mata. bakas sa kaniya ang pagkagulat at pagtataka.

"hoy! ano ba 'yang ginagawa n'yo? haechan, bitawan mo nga si renjun." suway ni jaemin at pilit na pumapagitna sa dalawa pero si haechan ay hindi nagpapaawat. "ano ba, haechan!"

"ano? gusto ka rin ni entice? bakit ka umiiyak? 'di ba yun na yung gusto mo?" renjun chuckled at haechan's words.

kawawang haechan, hindi alam ang buong pag-uusap ng dalawa.

lesson learned, kapag mag eavesdrop, dapat tapusin at sulitin mo na.

char, bad 'yon.

akmang susugod ulit si haechan nang magsalita si renjun. "haha oo gusto niya nga ako.."

nanlisik ang mata ni haechan, his hand formed into a fist. "bilang kaibigan."

"kasi ikaw eh! ikaw pa rin ang gusto niya kahit binubully mo siya. ilan taon na ba? aahh.." sinadya ni renjun na bugahan ng hininga ang pagmumuhka ni haechan para malanghap nito ang bibig niyang amoy alak.

bas2s

"aahh, three years mo siyang pinagtitripan. three years din siya nagtitiis." dagdag nito na ikinanganga ni haechan.

pasukan ng langaw 'yan.

"pero narinig ko gusto ka niya." saad ni haechan.

"bilang kaibigan! hindi mo ba narinig yung sinabi ko kanina? bingi ka ba?"

"kalma lang, boi. cum down." awat ni jaemin. "calm ba o cum? 'di bale, parehas lang 'yun."

"kaya ang swerte swerte mo, pre. ingatan mo si entice kasi kung makita ko siyang umiiyak, hindi ako magdadalawang isip na agawin siya mula sayo. tandaan mo 'to!" sigaw ni renjun.

"wag ka mag-alala renjun, boi. ni-record ko yung sinabi mo para matandaan ni haechan." sabi ni jaemin at iwinagayway ang cellphone niyang nakabukas ang voice recorder.

mautak na jaemin, dapat tularan.

natahimik na ang silid, tanging mabigat na paghingi at hikbi lang ang maririnig. kahit gustong gusto na bumuka ng bunganga ni jaemin ay itinikom na lang niya ito.

"renjun, sala-"

naputol ang sasabihin ni haechan nang marinig na may tumatawag sa cellphone niya. it was his cousin, taeyong.

he quickly press the answer button at inilapat sa tenga ang telepono. ngunit bago pa siya magsalita ay isang natataranta at nanginginig na boses ni taeyong ang sumalubong sa tenga niya.

"haechan, si tita! ang mommy mo! gising na!"

bully | haechan.Where stories live. Discover now