🍒050 • N

111 6 2
                                    

author's pov

"renjun, anong ginagawa mo rito?" tanong ni entice nang makita niya sa labas ng bahay nila si renjun.

"e-entice, m-may gusto akong sabihin sayo." ani renjun. pasuray suray ito lumakad at lumapit kay entice kaya nalanghap niya ang amoy alak sa bibig nito.

"hindi ba pwede ipagpabukas 'yan? gabi na oh saka lasing ka." saad ni entice at hinawakan ang braso ni renjun upang alalayan ito.

muntikan nang matumba ang binata ngunit naalalayan ni entice. napasubsob ang muhka niya sa balikat ng babae.

"lagi ako nandyan para sayo, entice. hindi ako pumapalya na samahan ka sa lahat..." panimula ni renjun.

tahimik lang na nakikinig si entice sa kaniya, naghihintay ng susunod niyang sasabihin.

"pinaramdam ko sayo kung gaano ka kahalaga sa akin. 'yung nasasaktan ka dahil kay haechan, nandyan ako para sayo. hindi kita iniwan noong umiyak ka. pinakita kong malakas ako pagdating sayo." pagpapatuloy nito.

nang ini-angat ni renjun ang kanyang muhka, nakita ni entice na may tumutulo ng luha mula sa kaniyang mata.

alangan naman sa tenga manggaling 'di ba?

nanlaki ang mata ni entice dahil sa biglaan pag-iyak nito sa harapan niya. never niya pang nakita umiyak si renjun nang ganito. puno ng pangungulila at sakit ang makikita sa mata niya. nasasaktan siya para sa kaibigan. nasasaktan siya na makita si renjun na ganyan ang kalagayan.

"pero ito, hindi ko na kaya...." isang hikbi ang lumabas mula sa bibig niya. "gusto ko na ilabas lahat ng 'to. mula noon, gusto na kita. nasasaktan ako tuwing sinasabi mo kung gaano mo kagusto si haechan."

"kinaya ko 'yon kasi ayoko lumayo ka sa akin, tinago ko lahat ng nararamdaman ko kasi ayoko maging hadlang sainyo." he continued.

"ngayon, hayaan mo lang ako sabihin ang mga 'to. gusto ko lang ilabas kasi maaari pagtapos nito, susubukan ko na kalimutan 'yung nararamdaman ko para sayo."

"gusto kita, entice. matagal na." he added.

nang matapos magsalita si renjun, doon na bumuhos ang mga luha na kanina pa gustong bumagsak. nag-uunahan ang mga 'to na animo'y may karera. entice touched renjun's wet cheeks and wiped his tears using her thumbs.

wala siyang masabi sa lahat ng ibinunyag ni renjun. nasasaktan din siya. shock is visible in her face kasi hindi siya alam na may ganoong nararamdaman ang kaibigan niya sa akin.

manhid siya.

sa kabilang dako naman, takbo ng takbo si haechan. ngayon na niya balak umamin sa taong gusto niya. ang tagal bago niya ma-realize na may nararamdaman pala siya. naging indenial lang siya.

indenial nga ba o torpe lang?

kanina, kumuha siya ng taxi ngunit nadaanan nila ang traffic kaya napilitan siya bumaba at tumakbo na lang.

nang makarating na siya sa subdivision nila entice ay dinaig niya pa si flash sa sobrang bilis niya tumakbo. nagdahan dahan na lang siya nung narating na niya ang street nila entice.

binilisan niya ang paglalakad at isang ngiti ang sumilay sa kanyang labi ngunit bigla itong napawi nang makita niya si renjun na nakayakap kay entice.

kay entice na gusto niya.

ang tagal niya itong pinagmasdan. parang sinag ng araw ang nakikita niya ngayon. ang sakit sa mata.

nanigas at natigilan siya dahil sa sunod na sinabi ni renjun.

"gusto kita, entice. matagal na. sobrang tagal na. bago mo pa magustuhan si haechan, ikaw na ang nandito." ani sabay turo sa kanyang puso.

matagal na niyang alam na may gusto ang kaibigan niya rito. nagkaroon pa nga sila ng ilang tampuhan dahil sa babae.

ngunit sa isip isip niya, kayang kaya niya agawin si entice kay renjun dahil ngayon na same feelings na sila.

"gusto kita, renjun..."

nanlaki ang mata ni haechan. natigilan siya, hindi niya inaasahan na sasabihin 'yun ni entice. buong akala niya siya ang gusto ng dalaga.

dali dali siyang tumakbo upang makalayo sa dalawa. hindi alintana sa kaniya ang lamig ng simoy ng hangin. patuloy lang siya sa pagtakbo na hindi niya alam kung saan siya papunta. sa ngayon, wala na siyang pakealam. nasasaktan siya.

dahil doon, hindi niya narinig ang susunod na sinabi ni entice.

"bilang kaibigan..."

bully | haechan.Where stories live. Discover now