PROLOGUE:

417 23 6
                                    

July 02, 2020, 5:02 AM

Mataman akong naghihintay ng mga babati sa'kin. Ito ang araw ko. Araw na dapat ay masaya ako pero bakit parang ordinaryong araw lang din ngayon? Hindi ko ramdam na kaarawan ko.

Kanina pa mulat ang mga mata ko. Hindi ako makatulog sa dami ng iniisip. Birthday ko kaya dapat may gawin naman akong bagay na makabuluhan ngayon.

Hindi 'yong puro surf na lang ako sa Internet.

Napakamot na lang ako sa ulo ko nang wala akong maisip na magandang gawin. Bakit nga ba ako namomroblema ngayon? Parang hindi naman ako sanay na sa tuwing sasapit ang kaarawan ko ay parang simpleng araw lang din na lumipas.

Naisipan ko na lang kunin ang cellphone ko. Tumayo ako saka ako naglakad papunta sa cabinet para makuha ko na ang cellphone ko. Pagkatapos ay dali-dali ko itong in-on at saka ko na binuksan ang facebook account ko kung saan hindi 'yon ang RA ko or Real Account dahil for WP 'yon or Writing Purposes.

In-update ko ang status ko.

POST

SIGRID

•PUBLIC       •ALBUM

IT'S MY DAY!

Pinindot ko na ang POST button. Pagkaraan ng ilang segundo ay posted na ito. Nang wala na akong gagawin ay nag-exit na ako sa facebook saka ko naman in-open ang messenger ko.

Inayos ko ang upo ko at saka ako napahikab dala ng antok.

• • •
NOTE:

Date Started : July 16, 2020
Date Finish: July 29, 2020

Tagalog-English story.

Aloeverafa © 2020. All Rights Reserved.

This is a work of fiction. Names, businesses, places, events are either the product of the author's imagination. Any resemblance to an actual person, living or dead, or actual event are purely coincidental.

Grammatical and typographical errors may occur.


Maraming salamat po sa pagbabasa! Mwah!

Message niyo rin po ako @Aloeverafa Guedacillo sa Facebook. Kapal ko 'di ba? Ayos lang 'yan. Hindi naman sobra, eh.

Chika chika po tayo, mga ka-baliw.

Isang Linggong Harutan (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon