EPILOGUE:

87 3 1
                                    

COMET MORI

Sana okay ka, Sigrid.

I know I've caused you too much pain to handle but please, don't forget me. If I'm being selfish, sorry. I don't want you to forget me.

Ayaw kong makalimutan mo ko, Sigrid. We're friends, di ba?

Ako pa rin naman yung Ephraim o yung Comet na nakilala mo kahit minsan lang sa buhay mo.

Sigrid, alam kong hindi mo ako mapapatawad sa nagawa ko but please huwag mo kong kalimutan.

Please, Sigrid, for the last time please, don't forget about me...

Napaka selfish ko para sabihin to pero hindi ko kaya kapag nakalimutan mo ko.

Nakakabakla man pero handa kong gawin lahat para hindi mo ako makalimutan. Ayaw kong makalimutan mo ko kaya please, ipangako mo na hindi mo ako tuluyang kakalimutan, please, Sigrid?

Sigrid, kung nababasa mo man ito ngayon sana okay ka na.

Hindi ko alam ang dapat kong gawin para hindi mo ako makalimutan. Hindi ko na alam.

Alam kong katapos nito, tuluyan mo na akong kakalimutan na ayaw kong mangyari.

Sigrid, naging mabuti ka sakin at wala kang ibang ginawa kundi ang pasayahin ako sa loob ng isang linggo. Sorry kasi napaka gago ko.

Sorry kasi hindi ako yung Comet na una mong nakilala. Yung Comet na astig? Hindi ako yon. Ang tunay na Comet o Ephraim ay isang duwag. Isang malaking gago.

Sigrid, you're the reason of my euphoria. You're the lightest star that I could ever see with my naked eyes.

You're the light and the hope in my dark room.

I've been reaching you because I miss your voice pero hindi mo man lang sinagot. I'm not mad, never ever will be.

Mamimiss ko yung Sigrid na attitude. Mamimiss ko lahat sayo, Sigrid. Ikaw yung taong nagpasaya sa buhay ko sa loob lang ng ilang sandali.

I don't know what to say anymore. Ang daming tumatakbo sa isipan ko ngayon and that includes you.

Hindi ako ang tamang tao para sayo kaya ayaw kong mahulog ka sakin, sobrang mali ako para sayo, Sigrid.

Masyado kang perpekto para sa isang katulad ko na isang hamak na tao lang.

Nasa tamang panahon na para magmahal ka pero sa maling tao ka pa ba mahuhulog? Ayaw ko no'n, Sigrid.

Hindi lang sa katulad ko mapupunta ang isang kagaya mo, Sig.

You're too precious just to be with me.

Ghoster ako. Aminado ako do'n. Hindi ako marunong magstay. Mabilis akong mawala bilang jowa pero maaasahan mo ako kapag usapang kaibigan kaya gusto kong maging magkaibigan lang tayo.

Gusto kita mas alagaan bilang kaibigan ko. Gusto kitang mas mahalin bilang kaibigan ko.

Gusto kong iparanas sayo lahat ng deserve mo bilang kaibigan mo. Bilang kaibigan mo, hindi ako aalis pero hindi rin ako mananatili pa. Ayaw ko lang na makalimutan mo ako dahil...mahihirapan akong bumalik kapag ginawa mo yon.

Mahal kita, Sig Madrid. As a friend.

Lagi kang kumain ha? Huwag mong kakalimutan ang nag-iisang Ephraim o Comet ng buhay mo. Mamimiss kitang landiin. Jk. Pero mamimiss talaga kita.

Gusto ko kapag nakahanap ka ng ibang katulad ko, gusto ko maging deserving mo siya.

Hayaan mong ang time ang mag guide sating dalawa para magkita tayo. Time will tell kung kailan. I will wait for you, Sigrid, until you can't forget me. Don't forget me so I can come back anytime soon in your arms.

I, Ephraim a.k.a Comet Mori, is now signing off as your kalandian online.

PS. this message is intended only for you, Sigrid. You don't have to  reply back. I don't have anything to say anyway.

PPS. deactivated din RA ko, matagal na. Skl haha

I HOPE FOR YOUR HAPPINESS! 💗 I love you, Sigrid!

I will let our destiny cross our paths. And time will tell when. Only time knows when will it be but I am willing to wait for you even it takes forever for you not to forget me.

-Yours truly☄️

This person is unavailable on Messenger.

This person is unavailable on Messenger

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Isang Linggong Harutan (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon