ILH: 087

15 3 0
                                    

NAY JONELYN GANDA

NAYYYY!
Wala na!
Hahahaha.
Sinabi na niya yong mga words na makakapag pa give up sakin
Hahhaahaha

Tangina

Hala nak
Teka
Masesend mo ba sakin?

Wala akong load nay pero i-forward ko na lang sayo teka


> You forwarded a message.

Lovable ka, Sigrid

Hindi mo deserve 'di ma-crushback pero hindi ako 'yong taong nakatadhanang mag crushback sayo.

> You forwarded a message.

Mahal kita pero hindi sa paraang gusto mo. Hindi sa paraang katulad ng iyo.

Mahal kita bilang kaibigan ko. Kahit kakakilala ko pa lang sayo, alam kong magiging part ka na ng buhay ko

Pero we're friends kasi and may iba akong gusto pati taken ako

Ayan nay nanajaajajajaa
Meron pa kaso wag na
Hahahahahahh sakit na masyado

Nagpaalam lang ako na magpapahinga saglit pero di ko kaya
Hahahahaha sakit tainis

Grabe nakkkk
😭😿😿
Hindi mo talaga deserved!

Hindi ko na alam ang dapat mong gawin sa karupukan mo pero magdesisyon ka na habang maaga pa kung ipaglalaban mo ba siya o hindi

Tingnan mo ang advantages kapag ipinaglaban mo siya.

May chance na magustuhan ka niya. May chance na magka-label kayo. May chance na maging mas masaya kayo pareho

Ngayon, gusto kong isipin mo naman ang disadvantages kapag ipinaglaban mo pa rin siya

Disadvantages? Hmm

Hindi kami magiging masaya, hindi na kami friends, ewan hindi ko na alam pa ang iba pero alam kong hindi siya sasaya sakin bilang jowa niya kung sakali

Nak, isipin mo ang sarili mo. Unahin mo ang sarili mo

Alam kong masakit pero dapat mong piliin ang kung ano sa tingin mo ang tama at mabuti para sa sarili mo

Minsan akala natin nakakabuti yong bagay na yon satin pero hindi natin alam na patibong lang pala yon para maturuan tayo ng leksyon

Tulad ng sabi ko, nasa iyo yan kung ipaglalaban mo pa ba siya.

Pero kung ako ang nasa kalagayan mo, magpapakatanga pa rin ako pero ayaw kong tularan mo ko dahil maling mali ang desisyon na piliin ang iba kaysa sarili.


Nay huhu I'm literally crying right now
Bwisit
Ubos na tissue ko!
Kaasar huhuhu

Hindi ko alam nay pero maraming salamat talaga sa mga advice mo nay

Sana maging okay na ko


Magiging okay ka pero syempre, hindi ngayon. Namnamin mo muna yong lesson mo, lesson na magiging daan para mas tumibay ka, Sigrid.

Tiwala ako sayo, nak! Kaya mo yan! Nandito lang ako bilang nanay-nanayan at ate sayo

Huhuhu nanay naman eh
Lalo mo pa kong pinapaiyak😭😭

Isang Linggong Harutan (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon