ILH: 082

11 3 0
                                    

NAY JONELYN GANDA

Nay, ang sakit no?

Yong tipong parang dinudurog yong puso mo sa sakit. Parang pinupukpok ng martilyo

Magrarant lang ako nay hahahahaaha kahit hindi ka online

Saglit lang to! Hahaaha
Masyado lang masakit sa dibdib

Ayaw ko namang pagsabi pa sa iba kasi mas sasakit lang dibdib ko kung ikukwento ko pa lahat

Nayyy, huhuhu
Lagi na lang ba akong masasaktan ng dahil lang sa isang tao? Sa isang taong hindi naman permanente.
Hahhahahahaa

Grabe ha
Hindi ko alam na ganito na pala ako kasama para parusahan ako ng ganito

Pero naisip ko na baka binigay talaga to ni God kasi alam Niyang kaya ko.

Siguro nga dumating lang si Comet sa buhay ko kahit saglit lang para pasayahin ako

Siguro si Comet na yong lesson na hinihintay ko. Lesson na nakakatakot matutunan

Hahahahahaha ang daming doubts pero hindi ako nakinig

Bakit parang niloloko niya lang ako? Parang pinagtitripan niya lang yong feelings na mayroon ako para sa kanya?

Hirap nay
Sobra

Hindi ko alam ang gagawin

Ayaw kong sumuko kasi alam kong pagod lang siya tapos magpapahinga rin tapos no'n okay na lahat

Pero sana gano'n lang kadali kaso hindi eh

Hahahahahahaahah. Sinong tanga ang iiyak kapag nasaktan nang dahil sa sariling katangahan? Sino pa ba, e'di ako.

Hahaahaha hirap talagang umasa nay pero mas masakit kapag inabuso yong kabaitan mo

Gusto kong magsisi na nakilala ko siya kasi simula nong nakilala ko siya hindi na ako masyadong nakakapag-isip nang maayos

Puro siya na lang pero parang nakalimutan ko yong sarili ko

Hindi ko alam kung nakalimutan o kinalimutan ko talaga ang sarili ko para lang sa iba? Hahaha.

Tangina

Sorry talaga nay kung ano ano yata pinagsasabi ko

Hahahahahaha

Hindi ko na kaya!!!!
Tangina niya
Hahhhahahaahahaha binabaliw niya ko lalo

Wala ng peace of mind ang utak ko simula noong dumating siya
Wala pang one week ah pero grabe na yong atake

Naiisip ko na ngayon pa lang nasasaktan na ko nang dahil sa kanya, paano pa kapag nagtagal pa?

Shet
Noong una, pinaramdam niyang reyna niya ko tapos ngayon ipaparamdam niyang istorbo lang ako, gano'n. Wow.

Teka nay, huhuhu wala ng tissue

Tekaaa iyak ko lang to saglit ajujujuju

Sorry talaga nay
Tanga talaga ko hays

Isang Linggong Harutan (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon