III

10 0 0
                                    

ITS been one week simula nung magenroll kami at bukas start na ng school. Sa one week na yun sinulit namin talagang tatlo. Wala atang araw na di kami magkakasama. Hahaha. Kung hindi tatambay dito samin. Nakila Kaiden o Samantha naman kami. Talagang sinulit namin yung mga panahon na nasayang nung nagpuntang states si kaiden.

Tulad na lang ngayon magkakasama nanaman kami. Mamimili kasi kami ng mga gagamitin namin para bukas.

"Oy! Nakuha niyo na ba schedules niyo?" Tanong ni sam saming dalawa ni kaiden.

Tumango naman kami at sa kinasamaang palad, hindi kami magkasectiong tatlo. Kahit na magkakayear level lang kami. Pare-parehong grade 12. Graduating student.

"Sabay sabay parin tayo maglulunch at break huh?" Dagdag pa niya. Tumango naman kami ni kaiden.

Nagpatuloy na kami sa pamimili ng mga gagamitin namin. As usual, pingtitinginan parin. Sino ba namang hindi? Eh parang mga modelo itong mga kasama ko.

Maganda kasi si Sam, para ka lang nakakita ng manika sa ganda. Maputi,matangos ang ilong,mapupungay na mga mata na kulay tsokolate,matangkad,may hubog ang katawan,pula at manipis na mga labi, katamtamang kapal ng kilay at paheart shape ang kanyang maamong mukha. Sinong hindi lilingon jan? Mabait din yan sobra.
Swerte nga ng magiging nobyo niyan eh.

Si Kaiden naman sobrang gwapo as in. Para kang nakakita ng isang Greek God. Talagang lingunin at di ka makakapaniwala na totoong tao siya. Matangkad, pantay na pantay ang kulay ng balat, perpektong hugis ng panga,matangos na ilong,mapula at manipis na labi,makakapal na kilay,mapungay na malamlam ang mga matang kulay abo,katamtamang laki ng katawan at ang mukha mala-diyos talaga.

Kumbaga, pagtingnan ka lang eh makalaglag panga na. At may walong abs yan. Sama mo pa yung V-line at biceps at triceps niya. Oh diba? Living Greek God. Hahahaha. Ang problema nga lang suplado ang lolo niyo. Hahahaha. Di pa palasalita. Sa amin lang lumalabas ang kakulitan niyan. Hahahaha. Ang alam ko din wala pang nagiging girlfriend yan eh. Kaya ang swerte ng babaeng mamahalin niyan. Mabait, maalaga at malambing naman yang si kaiden eh.

Idagdag mo pa na parehong matalino yang dalawa. Oh diba? Saan ka pa? Hahahaha.

Kaya di na ko nagtataka kung bakit kada dadaan kami may lumilingon at impit na kinikilig. Hahaha. Wag lang talaga akong tatabi sa kanila makikita kasi kung sino na iba. Charot. Hahaha

Maganda naman daw ako sabi nila sadyang manang lang talaga ako pumorma at kumilos. Pero di ako naniniwala don. I'm just simple. A nobody. Hindi din ako gaanong katalino. Masipag lang talaga. May pagkaclumsy pa minsan. Hahaha.

Sa kakadaldal ko sa isip ko, natapos na kaming mamili at papunta na kami sa isang fastfood para kumain.

"Anong gusto niyo? My treat.." Tanong samin ni kaiden.

"Hmm... Ikaw na bahala pumili. Libre mo naman eh.." sagot ko na sinangayunan naman ni sam.

Umalis na si kaiden para umorder. Naiwan naman kami ni sam.

"Aria,Bat kasi nagsasalamin ka pa? Diba di naman malabo talaga mata mo?" Tanong ni sam sakin. Totoo naman yung sinabi niya hindi naman talaga malabo ang mga mata ko. Sadyang nasanay lang talaga akong laging nagsasalamin.

"Eh nasanay na ko sam eh. Atsaka hayaan mo na. Wala din naman pumapansin sakin. Kaya okay na to.." Sagot ko naman sakanya.

"Maganda ka naman kasi, bat kasi di ka nagaayos eh.." Bugtong hiningang sabi ni sam.

Hindi nalang ako sumagot hanggang sa dumating na si kaiden dala yung order namin at kumain na kami ng tahimik.

Habang kumakain kami, may iilan parin talagang napapalingon sa pwesto namin. Pero binalewala ko nalang yun. Mukha namang wala ding pakealam itong dalawang kasama ko eh.

Pero yung sinabi ni sam, napaisip din ako. Bakit nga ba kasi ganito ako? Aish. Wag ko na nga lang isipin yun. Mas better na yung ganito atleast walang pumapansin sakin. Tahimik pa buhay estudyante ko.

"First day of school na nga pala bukas no. Balita ko marami daw bagong estudyante ngayong year.." basag ni sam sa katahimikan namin.

"Hmm.. Oo nga. Katulad nalang nitong si kaiden. At mukhang madami na agad fans sa school tong tropa natin. Hahahaha." Biro ko na ikinasama ng tingin at simangot ni kaiden.

Natatawang sumang-ayon naman si sam sakin at ginulo buhok ni kaiden na mas lalong nagpasimangot sa mukha nito.

"Tss.." sabay irap saming dalawa ni sam. Nagtawanna naman kami sa inasta ni kaiden.

Bading talaga eh. Amp. Hahahaha.

"What's with the face baby kai?" Natatawang tanong ni sam. Mas lalong nagsalubong ang kilay ni kaiden.

"Tigilan niyo nga ako! Kapag ako nangasar, iiyak kayo!" Suway niya saming dalawa at nagtawanan kami. Kahit kailan talaga pikon to. Hahahaha.

Pagkatapos naming kumain ay nagkayayaan na kaming umuwi dahil maaga pa kami bukas. As usual, sabay sabay nanaman kami. Tahimik lang ang biyahe hanggang sa makarating na ako sa bahay namin.

Nagpaalam na ako sa kanilang dalawa at pumasok na sa gate namin. Pagdating sa sala naabutan ko si mommy at daddy na may ginagawa sa laptop nila. Work siguro. Bumeso ako sa kanila at umakyat na sa kwarto ko.

Binaba ko na yung mga pinamili ko at inayos tsaka ako dumiretso sa cr para maglinis ng katawan at magpalit ng damit.

Nagsuot lang ako ng isang malaking blue na tshirt at panjama. Ginagawa ko na ang skin routine ko tsaka ako nagpatuyo ng buhok habang nagiiscroll sa mga social media accounts ko.

Pagkatuyo ng buhok ko ay nilapag ko na sa side table ko yung cellphone at salamin ko. Pinatay ko na ang ilaw at iniwang bukas yung lampshade ko. Tsaka ako humiga sa kama. At dahil na rin sa pagod namalayan ko nalang na nakatulog na ako..

=========================
Hope you like my update!❤ Don't forget to comment and vote💜 Godbless us all. Love a lots❤ Keep safe everyone💕 Mwa. xoxo.

Kung sino gustong magpadedicate just comment
Godbless❤

It all started with a kissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon