WEEKS passed by, since the first day of school started. Sa loob ng ilang linggo na yun, maraming nangyari. As usual, school works,projects,exams etc. Sobrang busy nung mga nagdaan na weeks na yun. Halos hindi na nga kami magkita kita nila sam at kaiden. Thought sabay sabay parin naman kaming kumakain,pumapasok at umuuwi.

Sa nakalipas din na mga linggo na yun, ay hindi nawala sa isip ko yung kaklase kong transfer na gwapo lalo na yung nangyari. Simula nung sa cafeteria hanggang nung uwian na yun.

Di ko maipaliwanag ang naramdaman ko nung nangyari yun. May kung ano akong naramdaman sa dibdib ko na nagpapabilis ng tibok ng puso ko. Hindi ko alam kung kaba o iba na. Naging lutang din ako nang magdaan ang mga araw na yun.

"Aria! We're here na. See you nalang later huh?" nagsalita si sam na napabalik sa realidad sakin. Di ko namalayan na nakarating na kami sa classroom ko.

"Are you okay Ari?" nag-aalalang tanong ni kio sakin sabay hawak sa balikat ko.

"Yeah, I'm okay. See you nalang later ha?" sagot ko sabay halik sa pisngi ni sam at yakap. Ganon din kay kio na kunot parin ang noo.

"Are sure your okay huh?" Tanong pa ulit ni kio na nakakunot padin ako noo.

"Yeah yeah! Don't worry. I'm fine. See you later. Okay? Take care." sagot ko at ngumiti sakanya.

Napabugtong-hininga nalang siya at tumango. Sabay yakap sakin at halik sa noo ko. Pumasok na ko sa room pagkatalikod nila. Buti nalang at maaga pa. Hindi pa ganon kadami ang tao sa room namin.

Dumiretso na ako sa upuan ko na lutang parin. Dahil sa pagiisip, hindi ko namalayan na dumating na pala ang lecturer namin ngayong umaga at nagsimula ng magturo.

Ngunit natapos ang buong pang-umangang klase na wala akong naintindihan sa mga tinuro. Inayos ko na ang mga gamit ko at dumiretso na palabas ng room.

Naabutan ko sila sam at kaiden na iniintay ako as usual pinagtitingnan nanaman kami. Dahil nanaman sa mga kasamahan ko. Nakauniform na nga pala si kaiden na talaga namang bumagay sa kanya. Mas lalo siyang gumuwapo.

Habang naglalakad ay sari-saring bulugan at impit na kilig ang mga naririnig namin, hindi naman pinagtuunan ng pansin ng dalawa. Pagkadating namin sa cafeteria ay dumiretso na kami sa table namin at umorder na si kaiden para samin ni sam.

Habang iniintay namin si kaiden ay muli nanaman nangibabaw ang mga tili at impit na kilig mapababae man o bading. At iisang pangalan lang ang kanilang sinisigaw.

Ang pangalan ng lalaking gumugulo sa isip ko ilang linggo na. Ang gwapo ngunit supladong si Lysander Ace Ezekiel Montemayor. Napayuko nalang ako at di na nagabala na tumingin kung nasaan man siya.

Ito nanaman kasi yung kakaibang bilis ng tibok ng puso ko. Marinig lang ang pangalan niya ay ayan na at parang kabayo sa sobrang bilis ng tibok ng puso ko.

Dumating na si kaiden dala ang pagkain namin at nagkwentuhan kami. Naging maingay ang pananghalian namin na iyon dahil sa kwento ng dalawa. Hindi pa man natatapos sa pagkain ay bigla nalang natahimik ang dalawa kong kaibigan at may kung anong pilit na inaaninag sa likod ko.

Bigla ay ito nanaman ang mabilis na pagtibok ng puso ko. Pumaibabaw ang bango ng kung sino mang tao sa likudan ko. Pamilyar na pamilyar ang bango nito.

Natahimik din ang mga tao sa cafeteria na parang bang may dumaan na anghel sa tahimik. Lumingon ako sa paligid at halos lahat sila ay nakatingin sakin at sa tao na nasa likuran ko.

"Tharia.." ang tinig na yun. Hindi ako pwedeng magkamali. Bigla ay mas bumilis pa ang tibok ng puso ko dahil sa pagtawag na yun.

Kilalang kilala ko ang tinig na yun. Ang tinig ng lalaking nagpapagulo sa isip ko.

Lysander Ace Ezekiel Montemayor...

Dahan-dahan kong nilingon si lysander at nanlalaki ang mga mata dahil sa sobrang lapit na nito sakin. Titig na titig ang pares ng mga berdeng mata nito sakin. Ang pagkakakunot ng kanyang noo ay hindi pa din naalis. Bahagya siyang tumikhim at ngumiti.

Shet! Those smiles. Ang ganda ng pagkakangiti niya. Ang puti at pantay-pantay ng kanyang mga ngipin.

"B-bakit?" usal ko. Tharia! Umayos ka wag kang mautal. Shet. Nababaliw na ata ako dahil sa lalaking to.

"Pwede ba akong makishare ng table sainyo?" Tanong niya na di pa din inaalis ang paningin sakin.

Lumingon ako sa paligid, wala na ngang bakanteng lamesa. Tumingin ako kila sam at kio na may nagtatanong na mga tingin, ngumiti at tumango lang ang dalawa.

"S-sure. Have a sit.." sagot ko. Shet Tharia. Bakit ka ba nauutal? Dahil nga magkatabi si sam at kio. Yung puwesto nalang sa tabi ko ang available.

Pagkaupo ni Lysander sa tabi ko ay mas lalo akong nailang at mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko ngayong sobrang lapit na niya sakin. Shet! Ambango bango niya.

"Ehem!" Tumikhim si sam na nagpaangat ng tingin ko sakanya at binigyan naman niya ako na nagtatanong na tingin.

"Ah, Lysander, This is my bestfriends. Samantha and Kaiden. Sam and kio this is Lysander kablockmate ko.." Pagpapakilala ko sakanila.

"Ahm. Hey!" Bati ni sam kay lysander pero hindi man lang siya pinansin nito. Tila napapahiyang nagyuko at nagpatuloy nalang sa pagkain si Sam.

Kung kaninang maingay na table namin ngayon ay sumobra sa tahimik. Nang matapos kumain ay nauna ng umakyat si Lysander sa room. Naiwan naman ako kasama ang dalawang to.

Hindi nakaligtas sakin ang sama ng tingin at pagtaas ng kilay ni kio sakin. Sa paraan ng pagtitig niya ay parang kailangan kong magpaliwanag agad agad.

"Hey! We we're just blockmates. So please? Chill?" Tarantang paliwanag ko habang naglalakad kami papunta sa kanya kanya room namin. Hindi nakaligtas sakin ang simpleng pagsama ng tingin ng ilang babaeng nakakasalubong namin. Lalo na sakin.

"Blockmates huh?" naghihinalang tanong ni kaiden na nakataas padin ang kilay.

"Hey, you two. Chill! Sumabay lang naman yung tao eh kasi walang available na table kanina. Infairness, Aria ha? Ang gwapo. Kaso mukhang suplado. Tss.." Awat ni sam na di malaman kung ngingiti o sisimangot.

"Alright. See you later Aria. Take care!" Paalam ni sam sabag hug at kiss sa forehead ko ng makarating na kami sa room nila.

Maya maya lang ay nakarating din kami sa classroom ko ni kaiden ng hindi parin siya umiimik. Nagtatampo to panigurado. Humalik lang siya sa noo ko at tumalikod na.

"Are you two are in a relationship?"

Biglang kumabog sa kaba ang puso ko dahil sa britonong boses na yun. Unti-unti papalapit ang pamilyar na amoy ng pabango ng lalaking nagpapagulo sa isip ko.

Kahit hindi na ako lumingon. Alam na alam ko na kung sino iyon.

Lysander Ace Ezekiel Montemayor...

==========================
Sorry for the late update!❤ Hope u like this update!🖤 Stay safe! Don't forget to wash your hands and sanitize. Don't go outside. Hope this pandemic crisis stops. Godbless us all❤ love a lots mwa. xoxo.

Don't forget to Support. Vote and Comment.

Godbless❤

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 09, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

It all started with a kissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon