IV

5 0 0
                                    

MAAGA akong bumangon para makapaghanda na. Today is our first day of school! Ayoko namang malate. Nakakahiya kaya yun. Tsaka maya maya lang niyan nanjan na yung dalawa eh.

Pumasok na ako sa banyo at naligo. After 30 minutes natapos na din ako. Nagbihis na ako ng uniform namin. Sinuot ko na yung glasses ko at kinuha yung mga gamit ko pagkatapos kong patuyuin at ayusin ang buhok ko.

Bumaba na ako para makapagbreakfast. Naabutan ko sila mommy at daddy na kumakain na ng breakfast.

"Goodmorning mommy, Goodmorning daddy!" Bati ko at bumeso sa kanila.

"Goodmorning baby, come and join us here! Maya maya lang ay nanjan na sila kaiden.." Tumango naman ako at umupo na sa tabi nila at nagsimula na kumain.

Tahimik kaming kumain ng almusal at ilang minuto lang ay natapos na din ako at sakto namang dumating si kaiden kasama na si samantha.

At dahil nga transfer si kai, nakacivillian pa siya. Nakalongsleeves dress shirt siya na kulay white na nakatupi hanggang siko at nakabukas ang dalawang butones sa taas, nakapants naman siyang faded na kulay white and blue na may belt, at leather shoes na black naman. May sout rin siyang necklace na manipis lang na kulay silver at nakasout din siya ng specs niya. Habang nakasukbit yung bag niya sa likod niya.

Si Samantha naman nakauniform din siya katulad ko. Nakacurl yung buhok niyang hanggang balikat na may headband na kulay light pink at nakalagay na din sa balikat niya yung bag niya. In short kabaliktaran ko. Kikay kasi siya ako naman manang. Hahahaha.

"Goodmorning tita, Goodmorning tito.." Bati ni sam at kio kila mommy sabay beso.

"Goodmorning din ihjo at ihja, kay gaganda at gwapo niyo naman.." Puri ni mommy sakanila. Ngumiti naman yung dalawa.

"Kumain na ba kayo?" Tanong ni daddy. Tumango naman sila pareho at nagpaalam na kaming papasok na.

Bumeso muna kami kila mommy at saka lumabas na at sumakay na sa kotse ni kio. At bumiyahe na papuntang school. Tahimik ang naging biyahe namin hanggang sa makarating na kami sa school.

Naunang bumaba si sam, sumunod ako ganon din si kio. At as usual, pinagtinginan nanaman kami dahil sa mga kasama ko. Bulungan at impit na kilig ang maririnig mo sa paligid.

Binalewala ko nalang iyon dahil parang wala lang naman sa mga kasamahan ko yun. Naglalakad na kami papunta sa mga rooms namin. Nauna naming nadaanan ang classroom ni sam kaya naman inihatid na namin siya at nagpaalam na siya samin.

Sumunod naman ay inihatid na ako ni kio sa room namin. Nagpaalam na ko sakanya at bumeso. Umalis na din naman siya pagkatapos. Humanap na ako ng pupwestuhan ko. Ayoko naman kasi sa harap. Masyadong pansinin. May nakita akong bakanteng upuan bandang likuran at malapit sa bintana kaya naman doon ako pumuwesto.

Habang iniintay namin yung lecturer namin ay pumaibabaw nanaman ang mga impit na kilig at bulungan sa paligid. Ngumit di ko nalang pinansin yun at tinuloy ang binabasa ko. Hanggang sa dumating na yung lecturer namin.

At as usual, pakilala part muna dahil marami ngang bago. Nagpakilala na ang mga kaklase ko hanggang sa tawagin ang isang lalaking di ko kilala at di pamilyar sakin at nagsimula nanaman ang mga bulungan at impit na kilig habang tumatayo yung lalaki at pumunta sa harapan.

Mukhang suplado. Matangkad, hindi nalalayo ang kagwapuhan nito kay kio. Sabihin ng mas gwapo ito kay kio. Maputi, singkit ang mga malamlam nitong mga mata na kulay berde,tamang laki ng katawan,manipis at mapulang labi na animong sobrang lambot, may kakapalang kilay at perpektong mga panga, matangos na ilong at lalaking lalaki ang tindig. Ultimo kanyang pabango ay umaabot dito sa pwesto ko.

It all started with a kissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon