Y E D A M ' S
"Yedam hyung, ano 'to? Bakit mo sinusundan ex mo?" pagtatakang tanong ni Doyoung sa akin habang naglalakad kami.
"Oo nga hyung, akala ko ba nakapag-move-on ka na diyan." dagdag pa ni Junghwan.
"Obvious namang hindi pa." at agad kong sinamaan ng tingin si Jeongwoo.
"Nakapag-move-on naman na talaga ako no. Sadyang curious lang ako kung saan sila pupunta at anong gagawin nila magkasama." pero tinignan lang nila ako ng may bakas na pagdududa sa mga mukha nila.
Totoo naman yung sinasabi ko ah.
"Sino ba 'tong kasama niya? Kilala mo ba 'yan, hyung?"
"Hm.. Oo." matamlay kong sagot.
"After namin mag-break ni Gyuri.. Siya ang nakita kong kasa-kasama niya. Manliligaw daw ni Gyuri."
"Manliligaw?! Teka.. Ibig sabihin ba non, naging sila pagkatapos niyong dalawa ni noona?"
"Siya yung ipinalit sayo si Gyuri noona?"
"Oo, haha. Nung araw na nakita ko silang magkasama, kinausap ko pa si Gyuri. At ang sabi niya sakin, balak niya na daw sagutin ng 'oo' sa araw na 'yon si Jeongin na nanliligaw sa kanya."
"Pero kailan pa nanligaw sa kanya 'yang Jeongin? At saka, bakit naman ang bilis niya makahanap ng iba."
Itong mga tanong nila.. Wala ding pinagkaiba sa nga tinanong ko kay Gyuri noon na iniwasan niya lang sagutin.
"Ano ba kasing nangyari sa inyo hyung? Saan ba, sa tingin mo, nagkagulo ang lahat?"
Nagkagulo?
Saan nga ba?
Nandito nanaman si Gyuri, ang hilig niya talaga sa mga surprise na dates. Bigla-bigla na lang akong tatawagan at mag-aaya na lumabas daw kami magkasama.
Pero ayos lang, basta si Gyuri.
Hinihintay ko siya sa isang cafè na malapit sa school namin ngayon. Ang lakas ng ulan sa labas, may payong naman sigurong dala yung babaeng 'yon..
Narinig ko ang ingay ng chimes na nanggaling sa may pintuan nitong cafè, agad akong napatingin sa direksyon noon at nakita ang pilit na ngiti ng girlfriend ko.
BINABASA MO ANG
KING OF HEARTS 'ʸᵉᵈᵃᵐ
Cerita Pendek"I will break your heart as much as you broke mine." ✦ She chooses to stay even though he's trying so hard to break her just like what she did to him in the past. ✧ Bang Yedam. TreasureLand Series #6. Seoilteru 2020.