Dendrophilia
Dendrophile (n.); A person who loves trees and forests.
"Allykeith!" Sigaw ni Papa habang naka upo sa rocking chair nya na inalog ko bago bago lang.
Paralisado na ang mga paa ni papa kaya di na sya makatayo at makalakad ng maayos, pinagbabawalan din sya kumain ng beans kasi magpapalala daw yun ng karamdaman nya, nasa rocking chair lang sya pero di nya pinapa galaw para maka galaw galaw pa din sya kahit papano.
Gusto ko pumunta sa Kakahuyan ngayon, may narinig kasi akong bali balita sa mga kapitbahay namin na nagpunta sila mayor dun at ang mga tauhan nya na may dalang chainsaw.
Dumaan ako sa likod ng bahay para di ako makita nila Lola kung sakaling aalis ako, papagalitan lang naman nila ako kesyo di ko binabantayan si papa at kung ano ano pa.
Mula sa malayo naririning ko na may nag aaway at mga tunog ng pinuputol na troso. Last year pa binili nila Mayor ang loteng yun pero ngayon lang nila gagamitin, lumaki ako sa kakahuyang yun, doon ako naglalaro at nakikipaglaro kay Mon mon—isang puno na may markang buwan na pinangalanan ko.
Gusto kong maiyak ng makita ko na halos makalbo na ang kakahuyan at susunod na puputulin na nila si Mon mon, tumakbo ako dun at hinarang ang katawan ko para di maputol ni Manong Lito ang puno.
Kapitbahay namin si Manong Lito, tauhan sya ni mayor kaya di na ako magtataka na andito sya.
"Masama mag putol ng puno!" Sigaw ko na nag agaw ng pansin ni mayor at ng anak nya na si Lyle. Tumaas ang kilay nila pareho. Mag ama nga talaga sila. Magka mukhang-magkamukha.
Tinaas ni mayor ang kamay nya kaya natigil ang pag putol ng iba, Lumapit si Lyle at mayor saakin.
"At ano ang ginagawa ng nag iisang babaeng Villafuerte sa kakahuyan ko?" Naka sulat ang pagtataka sa mukha ng Mayor.
Huminga ako ng malalim at tumingin kay Lyle, sya ang nagturo saakin na mahalin ang kakayuhan, ang kalikasan at lalong lalo na ang punong si Mon mon, na inukitan nya ng buwan noong mga bata palang kami.
Tumingin ako sa mata ni Mayor bago sumagot.
"Masama po ang pagputol ng puno!" Sigaw ko na nag agaw ng pansin ni mayor at ng anak nya na si Lyle. Tumaas ang kilay nila pareho. Mag ama nga talaga sila. Magka mukhang-magkamukha.
Tinaas ni mayor ang kamay nya kaya natigil ang pag putol ng iba, Lumapit si Lyle at mayor saakin.
"At ano ang ginagawa ng nag iisang babaeng Villafuerte sa kakahuyan ko?" Naka sulat ang pagtataka sa mukha ng Mayor.
Huminga ako ng malalim at tumingin kay Lyle, sya ang nagturo saakin na mahalin ang kakayuhan, ang kalikasan at lalong lalo na ang punong si Mon mon, na inukitan nya ng buwan noong mga bata palang kami.
Tumingin ako sa mata ni Mayor bago sumagot.
"Masama po ang pagputol ng puno kahit sabihin nyo na sainyo ang loteng to, hindi ba kayo marunong tumingin sa paligid? nauubos na ang mga puno. Hindi ko po to sinasabi kasi nakeke alam ako, pero dahil mahal ko po ang mga puno at ang kakahuyang ito, dito po ako lumaki kaya kahit ang punong to lang po, wag nyong putulin." Pagkatapos kung sabihin yun ay humangin ng malakas at ngumiti ang mayor.
Tinapik nya ang balikat ni Lyle. sabat sabing;
"You picked a wonderful girl to share your future with, I'm proud of you." Nagtaka ako pero di ko pinansin yun dahil mas natpun ang pansin ko ng magsi ayos na ang mga nakahawak ng chainsaw at nag ready. Aalis na siguro sila.
"By tomorrow. itatanim natin ulit ang mga punong naputol, dadag dagan pa natin, Allykeith." Sabi ni Lyle sabay akbay saakin at sinama ako lumakad palayo.
"Dendrophile ladies like you should spread, kaya tayo na."
End.