World I

44 4 0
                                    

    Ipinanganak na mayroong sakit sa pag–iisip si Maya. Bata pa lang siya ay madalas siyang nakikitang mag–isa at tila ba kinakausap niya ang sarili kaya't naging tampulan siya ng tukso. Minsan pa nga'y nakikita nila itong gumagawa ng kakaiba. Para ngang may kahati pa siya sa pagkain niya dahil madalas niyang sinasabi sa magulang niya na para iyon sa kaibigan niya.

     Sa puntong iyon ay alam na ng magulang niya na may mali sa kanya ngunit sa kakulangan na rin sa pera ay parang sa panaginip na lang nila siya maipapagamot.

    Isang kahig, isang tuka lang ang pamumuhay nila na minsan pa nga ay hirap silang makakain ng tatlong pagkain sa isang araw. Kumakain lang sila tuwing umaga at gabi, kapag tanghali ay nagtitinda ng kakanin ang nanay ni Maya. Habang ang tatay naman niya ay nagsisibak ng kahoy na ibinebenta niya sa bayan. 

    Nang siya naman ay magdalaga, hindi pa rin mawala wala ang mga pangungutya at paninirang puri tungkol sa kanya. At dahil huli ang lugar nila sa agos ng teknolohiya, hindi na napatingnan ng magulang niya ang kalagayan niya hanggang sa unti unti itong lumalala. Kahit na gusto nilang mabuhay ang anak nila nang payapa ay mukhang mahihirapan sila.

    Isa pang balakid sa buhay nila ay nang magkasakit ang nanay ni Maya at tuluyang humina ang resistensya nito. Sa hirap ng buhay nila, napilitan silang ipa-ampon si Mae sa kakilala nila.

    Dahil sa siya'y laging mag–isa, nagkaroon siya ng sariling takbuhan ng problema. Ito ay ang dagat na ilang metro lang ang layo mula sa bahay nila. Kalmado lagi ang tubig at ang kulay asul nitong tubig ay nakakapagpadagdag ng ganda nito. Ang sariwang hangin na kadalasang nalalanghap niya ay isa sa mga gusto niya dito.

     Isang araw, habang naglalakad siya malapit sa dagat ay parang may tumatawag sa kanya mula sa tubig. Hinihikayat siya na lumusong sa pinakamalalim. Para sa kanya, ang boses na bumubulong sa kanya ay pamilyar kaya't hindi na siya nagdalawang isip na pumunta roon.

    Kapos man sa hangin, pinilit niya ang sarili niyang umahon hanggang sa bumigay na ang katawan niya. Tuluyan na siyang lumubog at pumasok ang tubig sa baga niya. Bago siya nawalan ng malay, may naaninag siyang babaeng nakangisi sa kanya na para bang tuwang tuwa sa paghihirap niya.

    Ito na siguro ang katapusan niya!

     Unti unting bumigat ang talukap niya at ipinikit na niya ang dalawang mata niya.

Distorted RealityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon