Ang lahat ng mga tao ay naghahanda para sa digmaan mula sa mga estudyante hanggang sa mga nakatataas. Lahat ay abala na kahit si Mae at hindi rin mapakali sa sarili niyang kwarto.
“DEL! Sino ba talaga ako? Naguguluhan na ako”
Napahilamos siya ng mukha sa inis na nararamdaman niya. Magdadalawang buwan pa lang siya doon ay may digmaan na agad na magaganap. Bukod pa doon ay kakabalik niya lang tapos malalaman niyang ganun pala ang isang kaibigan niya.
“Akala ko si Risa ang traydor at espiya dahil sa mga kinikilos niya!”
Alam na kasi ng mga kaibigan niya na si Danica ay isa sa mga kalaban. Hindi nila mapigilan ang galit na naramdaman nila maliban kay Mae na hindi man lang nagalit. Matagal na ba sila nitong pinapaikot?
“Del...”
Napangisi si Del nang tumalikod sa kaniya si Mae, tila ba tuwang tuwa ito sa nangyayari. Hindi nawawala ang ngiti niya sa labi at mas lalo lamang itong lumalaki. Pinagmamasdan niya lang si Mae na sinisira na ang mga bagay sa paligid niya.
Napatigil lang si Mae noong kumatok sa kwarto ang kaibigan niyang si Risa. Kahit na hindi nawala si Del ay parang hindi siya nakikita ni Risa.
“Anong nangyari dito?”
Nakakalat ang mga basag na salamin at mga sirang gamit. Sa gitna noon ay nakatayo mag-isa si Mae sa kabila ng mga ito.
“Wala yan”
Hindi na ulit siya tinanong ni Risa dahil hindi rin naman siya aamin.
“Mae, pasensya ka na sa mga nangyari nitong mga nakaraang araw. Mukhang namana ko ata sa Papa ko ang pagiging interrogator. Tumutulong din kasi ako sa kanila at minsan ay namomroblema na rin ako dahil may nakapasok na balita sa amin na may isang estudyante ang may itim na kapangyarihan. Mabuti na lang nahuli na si Danica”
Hindi alam ni Mae ang mararamdaman niya sa sitwasyong iyon, mukha kasing nagpapaliwanag lang si Risa para gumaan ang pakiramdam niya. Parang napilitan lang siyang humingi ng paumanhin sa mga inasal niya.
“Pasensya na talaga, Mae”
Tumango lang si Mae biglang tanda na tinatanggap niya ang paumanhin ni Risa. Kung kanina ay inis na inis si Mae sa mga nangyayari, ngayon naman ay blanko ang mukha niya. Mukha siyang manhid na sa lahat na kahit masakit ang ulo niya ay hindi niya ito nararamdaman.
“Oo nga pala! Bakit hindi ka nagsasanay sa mga oras na ito? Parang hindi pa kita nakitang ginamit mo ang kapangyarihan mo mula noong nagsasanay pa tayo. May problema ba sa kapangyarihan mo? Hindi mo ba makontrol?” . may halong pag-aalala sa boses ni Risa.
“Mag isa kasi akong nagsasanay”
Nagdahilan na lang si Mae sa kaibigan niya. Ayaw niyang mas dumami pa ang makakaalam ng sikreto niya.
“Dahil ba sa mahika mo? Kung iniisip mo na hindi ko pa alam ang tungkol sa kapangyarihan mo ay nagkakamali ka. Hindi ko naman sinasadyang marinig ang usapan niyo ni Francis”
Nakahanda si Mae na dumipensa kung may binabalak na umatake ni Risa. Kahit kababata at pinsan niya ang babaeng ito ay hindi niya mabasa ang iniisip nito. Hindi siya tulad nila Anne at Erica na mabilis lang niyang nababasa ang mga galaw.
BINABASA MO ANG
Distorted Reality
Aventura[ Update once a week ] Maya Martin can't distinguished reality from fantasy. She is torn between the two worlds; the imaginary and the reality. Many changes happened to Mae. Her mood and emotion change from time to time. Her thought become s...