World I . V

22 2 0
                                    

     Paulit ulit niyang binasa ito upang magkaroon pa siya ng ideya. Walang pangalan ang nakalagay dito ngunit may numerong nakalagay sa pinakababa. Maliit lang ang nakasulat na 4114931 sa bandang gilid ng liham. Kasama nito ay ang katagang 'Malapit ko ng matapos ang misyon. Maghintay lang kayo'. 

   Sinubukang alamin niya ang ibig sabihin ng mga numerong iyon pero hindi naman siya ganun kaalam. Sa dating lugar niya ay wala namang mga babasahin ang may ganitong tema. Hindi uso sa kanila ang mga kwentong detektib kung saan mayroong misteryong inaalam na ginagamitan ng codes.

      Pinilit hanapin ni Mae ang espiya sa mga kaibigan niya gamit ang kwintas pero bigo siya. Ang liham na binigay ni Del sa kanya ay nakatago kasama ang kwintas. Sa ilang araw na nagdaan ay naging madalas na rin ang paglapit sa kanya ni Francis at minsan pa nga ay nag-uusap na sila. Napag-alaman din ni Mae mula kay Francis na walong buwan siyang nawala sa mundong iyon. Matagal tagal na rin iyon para sa kanya.

    Francis, may gusto pa akong itanong sa'yo

    Lumingon si Mae sa likod niya dahil doon nakaupo si Francis. Iiikot niya pa sana ang inuupuan niya ngunit nagalit ang presidente ng klase nila kaya't umupo na lang siya ng patagilid. Kinakailangan niya pa ring lumingon para makausap ng maayos si Francis. 

   Ano yun?

    Kahit na naging malapit silang dalawa, hindi pa rin maiwasan ni Mae na mahiya. Wala naman kasi siyang maalala tungkol sa lalaki ito. Hindi rin kasi sigurado kung dati niya ba talaga itong kasintahan o hindi. Nakakahiya naman kung tatanungin niya mismo ang lalaki kung may relasyon ba sila.

   Kapag may kakilala ka na may itim na mahika, anong gagawin mo?

    Sinigurado ni Mae na walang ibang makakarinig ng tanong niya maliban kay Francis. Lalo na at nasa malapit niya lang ang kaibigan niya. Mahirap na kapag may ibang nakarinig sa pinag–uusapan nila. Parang isang malaking kasalanan para sa kanila ang mga ganitong usapin. Kapag may nakarinig sa kanila ay maaari silang makulong.

   Hindi lahat ng itim ang mahika ay masama. Tandaan mo yan, Mae. Nakita ko na lahat ng mga pinaghihinalaang espiya at hinuli. Lahat sila ay mga naging produkto lang ng eksperimento at ang iba ay mayroong sakit mula pagkabata kaya't naapektuhan ang mahika nila. Kung may kakilala man akong may itim na mahika, siguro ay tutulungan ko siya kung alam kong mabuti naman talaga siya

    Parang gustong magtatalon sa tuwa si Mae nang marinig niya ang sagot ni Francis. Mamayang uwian ay sasabihin niya ang sikreto niya tungkol sa kapangyarihan niya. Baka sakaling maprotektahan siya ng binata kapag nalaman na ng lahat na hindi talaga kuryente ang kapangyarihan niya.

    “May sasabihin ako saʼyo mamaya

    Yun na ang tapos ng kanilang usapan dahil dumating na ang guro nila para sa susunod na asignatura. Mabilis na lumipas ang oras at uwian na nila pero sa kasamaang palad, isa sa mga maglilinis ay si Mae. Tatlong tao lang ang naka–assign bawat araw na maglilinis sa kanilang silid aralin.

   Pasensya na Francis. Pwede antayin mo na lang ako? Okay lang kung mauuna ka na at hindi mo na ako maantay

   Taliwas sa iniisip ni Mae, pumayag si Francis na mag–antay sa kanya. Ilang minuto lang ang tinagal ng paglilinis nila dahil konti lang naman ang dumi. Pagkalabas na pagkalabas ni Mae ay hinatak niya na agad sa kung saan si Francis.

    Naalala mo ba yung huling pagsasanay natin?. panimula ni Mae sa kanilang usapan.

   “Naalala mo ba na hindi ako lumaban at iwas lang ako ng iwas sayo? Francis, hindi na ako magpapaligoy ligoy pa. Itim talaga ang mahika ko

Distorted RealityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon