Nakalipas ang mahigit limang araw at nawala pansamantala sa isip niya ang pangyayaring iyon. Para bang hindi ito naganap at isang panaginip lang. Patapos na rin ang araw ng pamamahinga niya dahil kailangan niya ng pumasok kinabukasan.
Martes bukas at yung din ang araw ng balik niya. Palibahasa'y hindi nila kailangan gumising ng maaga upang maghanda, nanatiling nakahilata lang si Mae sa kama. Kumakalam na nga ang sikmura niya sa gutom ngunit hindi siya gumawa ng makakain.
[Kumain ka na nga, kanina ko pa naririnig yung tiyan mo]
Halos ihampas na ni Danica ang papel niya para mapaalis si Mae sa pagkakahiga. Wala namang epekto ang kapangyarihan niya kay Mae at alam nilang dalawa iyon. Ngunit mas mabuti nang maging maingat, baka ang tao sa kabilang kwarto pa ang mahipnotismo niya.
“Marunong ka ba magluto, Danica? Kasi hindi ako marunong kaya hindi rin ako makakain”
Ang balak ni Danica na hampasin si Mae ay ginawa niya na nga. Silang dalawa lang kasi ang natira doon dahil nag-eensayo sa labas ang iba. Hindi ba niya alam ang pagkain sa tamang oras? O sanay na siyang magpagutom mula noong umalis siya?
[Kung wala kang problema sa lasa ng pagkain, ako magluluto]
Hindi naman kasi madalas magluto si Danica at kapag hindi man masarap ang luto niya ay kinakain niya pa rin. Sayang naman ang pagkain kung itatapon niya lang. Kawawa din naman ang pusa at aso kung doon' niya ipapakain.
“Marunong ka naman pala magluto”
'Basta wag kang magrereklamo kapag natikman mo'
Ang pinakaayaw ni Danica ay ang nagsasayang ng pagkain. Kayaʼt anuman ang kahihinatnan ng pagkaing gawa niya ay dapat maubos.
“Danica, sino pala yung Francis na sinasabi nila Erica kahapon”
[Ex mo]
Bago pa makapagsalita ulit si Mae ay umalis na si Danica upang makapagluto na. Simple lang naman niluto ni Danica, magpiprito lang naman siya ng itlog. Pero maraming ideya ang pumapasok sa isip niya.
'Isama ko na kaya yung ketchup sa itlog. Kakainin din naman'
Kinuha niya ang isang hot sauce at linagay sa itlog na hinahalo niya.
'Kailangan pa ba ng asin ito?'
Napakibit balikat si Danica at nilagyan ito ng isang kutsaritang asin. Nang matapos niyang maihalo ito ay iprinito niya kaagad ito. Tinikman niya ang sariling luto niya na ikina–simangot niya.
'Ah basta. Hindi naman ako ang kakain'
Napangiti siya sa naisip niya, tutal ginusto naman ng kaibigan niya iyon.
“Tapos ka na pala magluto”
Pumasok si Mae sa kusina ng kwarto nila. Mayroong sariling kusina ang bawat kwarto at may kanya kanyang cr. Halatang kakahilamos niya lang dahil basa pa ang mukha niya at tumutulo pa ang tubig. Mukha nga siyang bagong ligo sapagkat ang damit na suot niya ay may mga patak ng tubig.
[Kumain ka na]
Inilabas ulit ni Danica ang kwaderno niya at ginamit ito sa komunikasyon. Nang mabasa ito ni Mae ay umupo siya at tumikim sa luto ng kaibigan niya. Dahan dahan pa ang pagnguya niya na tila ba nilalasahan niya itong mabuti.
“Lason ba ginawa mo?”
[Nakakainsulto ka ah!]
Hindi naman kasi mahilig kumain ng maanghang si Mae kaya nasabi niya ito. Bukod pa dito ay nalalasahan niya ang alat ng luto. Gusto niya na sanang tumayo at uminom ng tubig pero nakahawak na sa balikat niya si Danica. May pwersa ang hawak ni Danica kaya't nahirapang tumayo si Mae.
BINABASA MO ANG
Distorted Reality
Aventura[ Update once a week ] Maya Martin can't distinguished reality from fantasy. She is torn between the two worlds; the imaginary and the reality. Many changes happened to Mae. Her mood and emotion change from time to time. Her thought become s...