Nagising si Maya sa amoy ng nabubulok na laman at amoy ng kung ano anong pagkain. Iminulat niya ang mata niya ngunit dilim pa rin ang nakikita niya. Mukhang may telang nakatali sa may mata niya. Kabado siya dahil hindi niya alam kung nasaan siya at kung sino ang may hawak sa kanya ngayon.
“Anong gagawin natin sa kanya?”
Base sa lalim ng boses nito, naisip ni Maya na baka mga tambay sa lugar nila ang dumakip sa kanya matapos niyang mahulog. O baka naman ay nakabalik na siya sa mundo ng pantasya. Nahuli lang siguro siya ng mga kalaban at yung kanina ay isa lang sa mga ilusyon.
“Hindi siya bampira, ngunit wala ring palatandaan na isa siyang hunter. Malamang ay isa lang siyang ordinaryong tao”
'Bampira? Hunter?' Mas lalo tuloy naguluhan si Maya. Parang kanina lang ay nasa mundo pa siya ng pantasya kung saan lahat ng tao ay may kapangyarihan. Tapos ngayon, isang ordinaryong tao na lang siya? Nasaang parte na ba siya ng mundo? Akala niya pa naman ay nakabalik na siya.
“Pakawalan niyo siya”
Nagkaroon pa ng pagtatalo ngunit mukhang may balak naman sila na pakawalan siya.
Nawala ang nakatali sa katawan niya pati na rin ang telang nakapiring sa mata niya. Medyo nahirapan si Maya na imulat ang mata niya dahil sa biglang lumiwanag ang paligid niya. Nakakaramdam na rin siya ng hilo at nasusuka dahil sa masasangsang na naaamoy niya kanina pa. Wala pa namang laman ang tiyan niya.
“Sino ka? Anong pangalan mo? Taga-saan ka? Anong alam mo sa organisasyon namin? SUMAGOT KA!”
Sunod sunod ang mga tanong na natanggap ni Maya. Pagdilat ng mata niya ay may anim na tao ang nakatayo sa harap niya, dalawang babae at apat na lalaki.
“Paano naman yan makakasagot, Klea kung pinaulanan mo na ng tanong?”
“Manahimik ka nga!”
Nagkaroon pa ng konting asaran bago nanahimik silang lahat. Imbis na gamitin ni Maya ang totoong pangalan niya ay iba ang ginamit niya.
“A-ako si M-mae Martin”. medyo nauutal siya marahil sa tagal niyang tuyo niyang lalamunan.
“May?”
“Mae”
Bakas ang pagtataka sa boses ng babaeng nagtanong kay Mae. Samantalang ang isang lalaki na nakikinig sa kanila ay may hawak na papel at pansulat.
“M-A-Y ba?”
Napatanong ang lalaki kay 'Klea', ang babaeng nagtatanong kay Mae, ngunit mahina lang ang boses nila kaya hindi narinig ni Maya. Napakibit balikat si Klea at itinuloy ang pagtatanong niya. Samantalang ang lalaki ay patuloy na iniisip kung bakit ganoon ang pangalan ng dalaga.
'Bakit naman siya pinangalanan ng May? Wala naman siya sa kalendaryo? Para tuloy siyang Mayo'
“Itigil mo nga ang pag-iisip mo ng kung ano-anong bagay na wala namang kabuluhan. Alam mong nababasa ko ang nasa isip mo, Rey”
Napasimangot ang lalaki sa binanggit na pangalan ng isa nilang kasama. Hindi naman kasi ito ang tunay niyang pangalan at isang palayaw lang na binigay ni Klea sa kanya. Inis na inis siya kapag naririnig niya ito dahil kapangalan ito ng isa sa mga sikat na hunter sa lugar na iyon.
BINABASA MO ANG
Distorted Reality
Adventure[ Update once a week ] Maya Martin can't distinguished reality from fantasy. She is torn between the two worlds; the imaginary and the reality. Many changes happened to Mae. Her mood and emotion change from time to time. Her thought become s...