World II . IV

12 1 0
                                    

      Hindi napansin ni Maya na kanina pa pala siya natagpuan ng mga ito. Inaantay lang siya na umalis sa kinalalagyan niya. Nakakaramdam na rin siya ng pangangalay sa binti niya sa tagal niyang naka-upo. 

     Ang tagal mo namang lumabas

     Bigla na lang may bumuhat kay Maya kaya't napasigaw siya sa gulat. Agad namang tinakpan ng lalaki ang bibig niya upang tumahimik. Ayaw nilang makatawag ng pansin sa mga bampirang kasalukuyang nakikipaglaban pa rin. Padami ng padami ang mga back up na dumadating at lahat ay may dala dalang malalakas na armas.

     Kinagat ni Maya ang kamay ng lalaki bago niya isinigaw ang pangalan ni Leonard. Aantayin niyang iligtas siya nito mula sa kamay ng mga kalaban. 

    MAY!

     Dumating nga si Leonard upang iligtas siya. Ngunit may mga hunter na pumigil sa kanya. Kumpara sa mga nasa loob, iba ang mga gamit nitong armas. Mas delikado!

     Buhat buhat pa rin si Maya ng mga kalaban at mukhang idadala siya sa kuta nila. Habang may pumipigil kay Leonard ay nagsimula ng umalis ang iba pati ang may hawak kay Maya. Nagpumiglas si Maya ngunit hindi pa rin siya binitawan ng mga ito.

      Bwisit! bwisit!

      Mabilis na tinalo ni Leonard ang mga kalaban niya at sinundan ang ibang nakatakas. Nagsisimula na rin kasing umatras sa laban ang ibang kalaban. May mga mantsa ng dugo sa damit niya at bukas pa ang mga sugat niya.

     Sa sobrang pokus niya kay Maya ay hindi niya napansin ang isang hunter na nakahanda ng bumaril. Tinamaan sa puso si Leonard ngunit hindi iyon nakapigil sa kanya. Mas lalo lang siyang nakaramdam ng galit.

     Ibalik niyo siya sa akin

     Malakas ang agos ng dugo mula sa pagkakatama ng bala sa kanya. Nanlalabo na ang mata niya ngunit pinipilit niya ang sarili niya na hindi ito ipikit. May ipinangako siya na ayaw niyang baliin.

     Hindi niyo siya kauri. Alam mo yan

     Ipinutok ulit ng hunter ang hawak niyang baril. Naka-iwas naman dito si Leonard ngunit hindi nq kinaya ng katawan niya ang pagod.

    Wag mo ng pilitin ang sarili mo dahil sa una pa lang ay wala ka ng pag–asa. Talo ka na sa labang ito

   A-anong gagawin niyo s-sa kanya?. tanong ni Leonard

    “Eksperimento

     Umalis na rin ito matapos niyang sipain ang tiyan ni Leonard. Kanina pa nanghihina ang katawan niya mula sa mga tinamo niya.

     Sinasabi niyong ang mga bampira ang walang awa, pero mas walang awa pa kayo. komento ni Leonard bago siya mawalan ng ulirat.

     Isang araw lang ang nakalipas bago nagkaroon ng malay si Leonard. Patuloy na hinanap ni Leonard si Maya kahit na hindi pa masyadong humihilom ang sugat niya. Labis niyang sinisisi ang sarili niya sa nangyaring iyon.  

    May... Nasaan ka na ba?

    “Rey, mas mabuting nandoon siya. Parehas naman silang mortal kaya mas ligtas siya doon. Itigil mo na ang paghahanap sa kanya. payo ng isa sa mga kasama ni Leonard.

      Naikuyom ni Leonard ang kamao niya ngunit hindi na nagsalita pa. Baka ay hindi niya pa mapigilan ang sarili niya kapag nagkataon. Kailangan niya muna sigurong magpahinga sandali, pwede hindi ibig sabihin nun na sumusuko na siya sa paghahanap kay May.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 13, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Distorted RealityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon