Prologue

471 31 110
                                    


Pagpasok ko pa lamang sa restaurant, agad nakuha ng napakapamilyar na mukha ang atensiyon ko. 

Pakiramdam ko bumilis ang tibok ng puso ko. Gusto ko siyang lapitan, yakapin at hagkan. Pero hindi  naman kasi gano'n kasimple at kadaling gawin iyon. 

"Wife," I uttered. Sapat lang ang tinig ko sa aking pandinig. Pinagsawa ko ang mga mata ko sa kanya. At sa isang iglap, animo'y napako ako sa kinatatayuan ko. Labis akong kinain ng matinding pananabik.

Tama nga ang ibinigay na impormasyon ng private investigator. Nandito nga siya, dito sa lugar na hindi ko inaasahan.

Nakatayo siya malapit sa counter, bahagya siyang nakayuko at may hawak na papel. She's wearing a red blouse tucked with a black skirt. There is a small rectangular name plate  pinned on the upper left part of her blouse. She looks decent. She's not as daring as before but she's still sexy in my eyes. Hindi naman siya baduy tingnan ngayon, sakto lang. Tama lang since nasa trabaho naman siya.

Nakita ko siyang bahagyang ngumiti habang kausap ang isang waitress. 

Parang sumikdo ang puso ko sa ngiti niyang iyon. Kasabay ng pagngiti ng labi niya ay ang  pagkislap ng mga mata niya. Bilugan ang mga mata niyang may malantik na pilik mata. Her eyes were shouting innocence, contrary of her real personality. May katangusan ang ilong niya. Makinis ang mukha at makipot ang labi niya. Katulad pa rin siya ng dati. The only difference is she looks simpler today.

"Mister, kung wala kang planong pumasok, huwag haharang-harang sa daan!" mataray na wika ng babae mula sa aking likuran.

Agad akong napalingon sa kanya. Isang babae ang nakatayo sa likuran ko, napusod  ang kanyang buhok  at may suot na salamin. Naka-lipstick din ito ng matingkad na pula na bumagay sa kulay niyang sakto lang ang kaputian. Sa tantiya ko nasa mid twenties ang edad niya. 

Natigilan ako sa pagsuri sa kanya nang umarko ang kilay niya. Lalo tuloy siyang nagmukhang masungit pero 'di ako nagpatinag . Sinamaan ko siya ng tingin bago ako naglakad patungo sa isang bakanteng mesa.

Nang muli kong ibalik ang tingin ko sa kinatatayuan ng aking asawa, nakatalikod na siya at naglalakad papasok sa isang pintuan.  Kung pwede ko lang siyang habulin, kanina ko pa sana ginawa pero ayoko namang gumawa ng eksena.

Four years have passed since she left me. 

But after all what she did, I still love her. I want her back. I badly want her back. I wanna fix our marriage. 

Martyr ba? Niloko niya ako. Nabuntis siya ng ibang lalake. Iniwan niya ako tapos ako itong gago, mahal na mahal pa rin siya.

Nakakabuwisit ba ang katangahan ko? Go on, judge me! Kahit buong mundo pa ang manghusga sa'kin, hindi mababago ang nararamdaman ko para sa kanya. Kahit gaano pa kabigat ang kasalanan niya, buong puso ko parin siyang tatanggapin. Dahil kung totoong nagmamahal ka, napakahirap magalit at napakadali lamang ang magpatawad.

Napabuntong-hininga na lang ako.

Ang tanong, after four years, may maaayos pa ba ako? O umaasa na lang ako sa wala? Kung anuman sa dalawa, ang mahalaga sa ngayon, makausap ko siya. After all, I am the legal husband. If we can't fix our marriage anymore then at least, we can have closure.

Closure! Iyon nga siguro ang kailangan ko.


Nag-order lang ako ng nag-order ng pagkain na halos 'di ko naman nagalaw. Since, hapon na rin naman, napagdesisyunan kong hintayin na lamang siya. Isinabay ko na rin ang pagbabasa ng  mga e-mails sa aking phone para hindi ako mabagot.

Mahigit dalawang oras rin bago bumukas ang pintuang pinasukan niya kanina. Nang makita kong siya ang lumabas mula sa pinto, awtomatiko akong napatayo at binulsa ang phone ko.

Nakita kong may kinausap siyang isang crew, pagkatapos ay lumabas na siya. 

Agad naman akong sumenyas  sa waiter para sa  bill ko.

Hinabol ko siya pero medyo nakalayo na siya kaya napagdesisyunan kong tawagin na lamang siya.

"Wife!"  I almost shouted so she can hear me. Nabigo ako dahil hindi siya lumingon.

Stupid! Hindi naman kasi wife ang pangalan niya.

"Lei!" I called her.

Lumingon siya. Tumigil ang tingin niya sa'kin. Parang tumigil rin ang ikot ng mundo ko, para akong kinapos ng hininga. Tinitigan niya ako ng ilang sandali pero  blangko ang expression ng mukha niya.

Ano yo'n? Bakit gano'n ? Hindi man lang siya nagulat? Wala man lang siyang naramdaman nang makita niya ang asawa niya?

Huminto ang isang taxi sa tapat niya. Walang anu-ano ay binuksan niya ito at 'di na ako tinapunan pa ng tingin.

Napakumpas na lamang ang kamay ko sa hangin. Matapos akong maghintay, gano'n lang pala ang mangyayari. Napapadyak akong umikot pero pagtalikod ko bumungad sa'kin ang nakatayong si miss sungit. Halos dalawang metro ang layo niya mula sa kinatatayuan ko pero hindi nakaligtas sa'kin ang nakaarko niyang kilay habang nakatingin sa'kin.

Mukhang nakita niya ang nangyari. Lalo tuloy nasira ang araw ko dahil sa ideyang iyon.

Sumimangot ako at saka humakbang upang lampasan siya. Ngunit naramdaman ko ang pagsunod ng titig niya. Lalo tuloy akong nainis kaya naman hindi na ako nakapagpigil upang lingunin siya kahit nalampasan ko na siya.

"Will you stop staring at me!" Call me rude, pero talagang naubos na ang pasensiya ko.

"Mister! Huwag kang assuming! Hindi ikaw ang tinititigan ko! Yo'ng ale doon oh," saad niyang ngumuso pa sa bandang likuran ko.

Agad ko namang liningon iyon. Totoo ngang may babae doon. May hawak itong kulay bughaw na mga rosas. 

"Nanggaling siya kanina roon," sunod niyang turan dahilan para bumalik ang atensiyon ko sa kanya. Awtomatiko ring sinundan ko ang tingin niya. Medyo malapit lang iyon sa kinatatayuan kanina ng asawa ko.

Nagsasabi ba siya ng totoo?

"Huwag assuming, ha? Kaya tayo nasasaktan dahil assume tayo ng assume!" sunod niyang turan bago naglakad palayo sa'kin. 

Napatanga na lamang ako. 

Mali nga bang umasa na pwede pa kami ni Alora? Masasaktan lang ba ulit ako?

Napatingin ako sa likuran ng papalayong si Miss sungit. 

Panahon na nga ba para mag-let go at ibaling na sa iba ang atensiyon ko?



--------

Disclaimer:

This is a work of fiction. Names, character, businesses, places, events and incidents are either the product of the author's imagination or used in a fictitious manners. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

No part of this story may be reproduced, distributed or transmitted in any form or means without the prior permission of the author.

PLAGIARISM IS A CRIME.

All rights reserved

amvernheart ©

My Stranger Legal WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon