Author's Note

62 2 0
                                    


Paano nabuo ang MY STRANGER LEGAL WIFE?


Una talagang pumasok sa isip ko ang ideya ng identity theft. And then unti-unti ko nang binuo ang plot. May unang version po ito pero napakasimple. Wala po 'yong mga twist about sa pagiging half-sister nina Alora at Leinarie. Sa unang version, wala rin ang mga characters na sina Richelle Ravina at Artheo Pueblo. Nabago lang talaga siya noong mag-revise ako. Supposed to be, magiging karibal dapat ni Alora  si Richelle kay Zeke then nagbago lang noong naisip kong sa original version ay may ibang babae si Kenneth.  So hayun, hanggang sa naging ganito ang takbo ng MSLW. In short, magulo talaga ang utak ko hahahha.

Pramis, hindi ko na siya babaguhin. Pero parang gusto ko siyang lagyan ng book 2. BAKA LANG. Hindi ko pa sure. May naiisip kasi akong pwede pang  twist pero nag-aalangan pa ako. Kung magkaroon man po, sana suportahan niyo parin ako katulad ng pagsuporta niyo sa kwentong  ito.

Bilang lamang sa darili ang alam kong sumuporta sa kwentong ito pero labis na akong nagpapasalamat. Sobra ko talaga kayong na-appreciate. Hindi ako mai-inspire na magpatuloy kundi dahil sa inyong  suporta.


Thank you pong muli. Mahal ko kayo.



My Stranger Legal WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon