Chapter 2

145 27 99
                                    


Alora's POV

It's already nine in the evening when we reach our destination.

Hindi ko maiwasang mamangha. It was a three story modern house. Sa pinakataas na parte ng bahay ay mapapansin ang bahaging walang bubong at may mga palamuting halaman roon. Dim ang ilaw sa parteng iyon kaya naman parang ang sarap lang tumambay roon kapag gabi. Sa second floor ay kapansin-pansin ang ilang bahagi nito na gawa sa salamin.

"Nasa loob po si sir, ma'am," saad ng sumundo sa'kin dahilan para mapatingin ako sa malaking pintuan na ilang hakbang lang ang layo sa'min.

Bigla tuloy akong nakaramdam ng kaba. Parang biglang nag-sink in sa'kin ang dahilan kung bakit ako nandito.

Iginala ko ang paningin ko. May mga palm trees at mga halaman sa labas. Maliwanag ang paligid dahil sa mga post lamp.

Hindi naman siguro ako mapapahamak dito. At tsaka, hindi naman mukhang nakakatakot ang paligid. In fact, parang nakaka-relax pa nga.

Hayyyy. Bahala na nga.

Humakbang ako papalapit sa pintuan.

Sinalubong ako ng dalawang babaeng nakasuot ng housemaid uniform.

"Good evening ,Ma'am" bati nila sa akin na yumuko pa.

I'm still wearing my office uniform. Hindi ko na nagawang magbihis dahil biglaan naman ang lahat. At tsaka, sandali lang naman ako siguro dito.

"Sumunod po kayo sa'min ma'am. Hinihintay po kayo ni sir," nakangiting saad ng isa sa kanila.

Inilabas ko ang lahat ng tapang at lakas ko. I need to be strong and face this.

Pagpasok namin sa malawak na living room. Bumungad sa'kin ang lalaking tumawag sa'kin kanina ng Lei.

Siya siguro si Zeke. What's his name again? Ahh-- Zeke Xavier Fuentares.

"Care to give me a hug, wife?" he said in a cold voice. He even spread his arms telling me he's open for a hug.

I can't see any emotion from his face. Hindi ko tuloy alam kung matatakot ba ako sa kanya kasi mukha naman siyang mabait. But knowing the fact that I'm on his territory, I can't stop my knees from trembling.

Naku Alora! Ano ba 'tong napasok mo?

" I-I am not your wife." Hindi ko alam kung saan ako humugot ng lakas para masabi iyon.

Aminin ko na kaya ang totoo. Pero paano? Kapag umamin ako, anong sunod na mangyayari?

"Well, you are my run-away wife who is legally married to me," he said while directly looking at me.

"Okay, what do you want from me?" I asked. Bakit kailangan niya akong ipasundo sa ganitong oras. Gusto ko ring palakpakan ang sarili dahil hindi ako nautal. At sa tono ko, pakiramdam ko sinapian ako ni Leina.

" I just wanna talk to you." Parang nakita kong lumambot ang expression ng mukha niya. 

"A-about what?"

"Let's talk about it while having a dinner."

"I already had my dinner," maagap kong saad. Totoo namang nag-dinner na ako, hindi ko nga lang natapos ang pagkain ko dahil sa revelation ni Leina.

"Just this time, join me for dinner," turan niya at saka naglakad na. Napabuntong-hininga na lang ako bago ko siya sundan. Mukha namang hindi siya papayag na tanggihan ko siya.

Humantong kami sa pool area. Agad nahagip ng mata ko ang nakahandang pandalawahang mesa. May mga pagkaing nakahain na rin.

Napatingin ako sa kanya nang ipaghila niya ako ng upuan bago siya umupo sa katapat kong upuan.

My Stranger Legal WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon