Chapter 4

100 21 42
                                    

Zeke's POV

"Good evening Ma'am, Sir,"sabay-sabay na bati sa amin ng mga katulong na sumalubong sa'min.

"Pakidala ang mga gamit ng asawa ko sa kwarto namin."

"Wait! Lilinawin ko lang. I don't want to share a room with you," asik niya sa'kin. 

Kanina lang maayos kaming nag-uusap pero ngayon mukhang balik na naman kami sa pagiging estranghero sa isa't-isa.

"Why not? We're husband and wife." At para namang bago sa kanya ang may makatabing lalaki sa kama.

"Sige, ipagpilitan mo 'yan then I'll just go home!" banta niya sa'kin.

Heto na naman kami. Mukhang kailangan ko na namang magpatalo.

I sighed.

"Okay, Stay in our room. I'll just stay in the guest room." Magpapatalo nalang ako kaysa naman umalis siya.

"You don't have to do that. I'll just use the guest room," saad niyang nagpatiuna na sa paglalakad paakyat. Sumunod naman sa kanya ang mga katulong na nagdala ng gamit niya.

Naiiling nalang ako habang tanaw ko siyang papalayo. Siya na naman ang nasunod. Lagi naman ganito, siya ang laging superior.

"Good evening, sir." Agad akong napalingon sa nagsalita. It was Artheo Pueblo, my most trusted men.

"Art!" Hindi ko pa pala siya napapasalamatan sa pagsundo niya sa asawa ko. Kahit sinasahuran ko siya, hindi matatawaran ng pera ang serbisyo at katapatan niya sa'kin.

"May qualified na po sa position ng CEO's secretary, sir."

Napatango ako. Mahigit three weeks na rin akong walang secretary matapos mag-resign ang dati kong secretary.

"Go signal niyo na lang po ang kailangan, sir. The HR will immediately hire her upon your approval."

"Let's discuss about her in the library. Follow me." 



Alora's POV

Maaga akong nagising. Nakakahiya naman kung feeling prinsesa ako dito samantalang hindi naman talaga ako ang asawa niya.

"Tulungan ko na po kayo sa pagluluto, manang," saad kong nakangiti.

"Naku, huwag na po, ma'am." Halatang nahihiya siya, bigla rin siyang naging conscious sa mga kilos niya.

"Sige na po, manang. Sanay naman po ako sa gawaing bahay," saad ko. Hindi ko siya lulubayan hanggang sa hindi siya pumayag.

"Kaya lang po ma'am, baka po magalit si sir kapag-----"

"Kapag 'di niyo po ako pinayagan manang, magtatampo po ako," saad ko bago pa niya matapos ang sasabihin niya.

Parang nataranta naman siya kaya sinamantala ko iyon para kunin ang apron na nakasabit sa gilid ng refrigerator. Hindi na rin siya umimik nang magsimula na akong kumilos.

Kinuha ko na ang bacon at ako na ang nagprito.

I was busy cooking when an arms encircled my waist. Sa gulat ko muntik ko ng ipalo sa kanya ang sandok na hawak ko buti nalang nagawa niyang pigilan ang kamay ko.

"Good morning, wife." He is hugging from my back. Ipinatong niya ang baba niya sa balikat ko.

"Alam mo bang na-miss kita ng sobra? I'm really happy you're back home," malambing niyang saad.

I sighed.

"Pwede ba, stop hugging me. Alis!"  sungit ko sa kanya. Ayoko lang sa ideyang niyayakap niya ako dahil akala niya ako si Leina.

My Stranger Legal WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon