Chapter 3

116 21 55
                                    

Alora's POV

Alas-singko pa lang ng umaga ay gising na ako. Hindi rin naman ako halos nakatulog dahil sa kakaisip sa sitwasyon ko ngayon. May anim na malalaking kwarto sa second floor pero sa unang tingin palang, alam ko na agad na ang kwartong tinulugan ko ang pinakamalaki. It must be the master's bedroom.


Ewan ko lang kung saan natulog si Zeke kagabi, hindi ko na rin naman siya nakita pagkatapos kong mag-shower at makapagpalit ng damit.

Nainis lang ako sa pantulog na binigay niya dahil sobrang ikli at nipis kaya naman ang ending nangialam ako sa closet niya. Buti na lang at may nahanap akong silk robe na hanggang tuhod ko ang haba.

Pagkabangon ko, agad akong naligo. Isinuot ko ang damit na suot ko kahapon. Nagising akong nakapatong iyon sa bedside table, nalabhan at ready to use na.

Nang bumaba ako ng hagdan, bumungad sa'kin si Zeke. He is wearing a grey three piece suit. Mukhang papasok din siya sa trabaho. Maaga din pala siyang nagising. Akala ko pa naman makakauwi na ako ng bahay bago pa siya magising.

"Ang aga-aga pero nakasimangot kana agad,"puna niya sa'kin. Wala siyang kangiti-ngiti pero magaan ang boses niya kaya naman hindi siya tunog-masungit.

Napanguso na lang ako.

"Come and join me for breakfast before I'll drop you to your work." Ilang sandali niya akong tinitigan bago nagpatiuna sa paglalakad.

Walang imik na lang akong sumunod psa kanya.

Hindi bale, konting tiis na lang at makakaalis na ako dito.

Ipinaghila pa niya ako ng upuan bago siya umupo sa tapat ko.

Gutom na rin ako kaya sumandok na ako ng kanin. At nang tumingin ako sa kanya, nakita kong nakaawang ang labi niya, mukhang nagulat siya sa ginawa ko.

Huli na nang maalala kong hindi pala kumakain ng kanin si Leina tuwing umaga. A slice of bread and cup of milk is enough for her. Oo tama, gatas, hindi siya umiinom ng kape.

"I need rice. You know, I will work the whole day," palusot ko na lang. 

Naku naman Alora, nakakarami kana nang katangahan. Isip-isip din pag may time, huh?

Nagkibit-balikat siya sa sinabi ko bago niya ibaling ang atensiyon niya sa plato niya.

" You told me last night that we will talk. But it seems that we only talk about useless things. Is that all what you want to say?" I opened up. Gusto ko ring matapos ito at makauwi na. At para na rin hindi na siya magpakita sa akin.

Tumingin siya sa akin.

" Actually, I want us to talk about our marriage."

"I want a divorce." Agaran akong nagsalita. Hindi ako bumitaw ng tingin sa kanya. Mabuti na yo'ng unahan ko siya.

"Pwede bang ako naman ang pagbigyan mo ngayon? Even just this time," saad niyang lumamlam ang tingin niya sa akin.

Hindi ako umimik.

"Give our marriage a chance."

Aalma sana ako kaso nagsalita ulit siya.

" Until now, I still can't decide on what to do. Give us a chance. Even just a month, stay with me. And if it doesn't work then I'll give the divorce that you want."

"After all the things that happened, you still can't decide?" Hindi ko napigilan ang sarili kong  boses sa pagtaas ng tono. Sobra na kasi ang pagkamartir ng lalaking ito.

Unbelievable 'tong taong 'to. Niloko na't lahat-lahat pero 'di pa rin makapag-decide. Ano yo'n? Patay na patay lang kay Leina? Sa kwento mismo ng kaibigan ko, masasabi ko na si Leina ang nagkamali. Kaya hindi ko rin gets kung ba't hindi pa niya ako pagbigyan sa divorce na hinihingi ko.

My Stranger Legal WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon