84

1K 40 0
                                    

Dear Diary,

           Hello? Ito nakasulat parin ako sa Diary kahit nahihirapan na ako. Sa loob ng ilang buwan na nasaktan at nagkasakit ako, masasabi kong... Hindi maganda ang nangyare saakin. Una, iniwan ako... Pangalawa, nawala yung tao na minahal ako... Pangatlo, nagsakit ako... Mukhang alam kona yung Pang-apat... Pang-apat, mamatay na ako... Alam kona man na doon na ako patungo eh... Sa sitwasyon ko, malabong mabuhay pa ako ng matagal...diba?

Tsaka hinihiling kona rin na kunin na ako... Kasi nahihirapan na talaga ako at mas lalo akong nahihirapan satwing makikita ko si Mama na umiiyak ng dahil saakin. Masakit para saakin na makita siyang ganon... Mama... Ayoko siyang iwan pero mukhang kailangan... Kasi wala ng dahilan para manatili pa ako sa mundo... Kahit na labanan ko ang sakit ko, sa huli ako parin yung talo...

Aasa paba akong tatagal ako? Kung alam kona talaga na mamamatay na ako. Hindi ko akalaing mangyayare saakin ito... Na hindi ko ginusto pero sadyang dumating sa buhay ko... Grade 8,16 years old... Ako nga pala si Peincess Lhera Loestra... Na nasaktan, nagmukmok, at mamamatay na....

Pero Minahal ako kahit tatlong taon ang agwat ko sakanila... Sa parehong tao na ang sinabi "I'm Inlove With a Young Girl... Like you"...may masaya parin palang nangyare saakin... Na kung saan, Nagmahal ako, Minahal ako... Pero anong malungkot don? Yung iniwan din ako sa dulo...

Akala ko magagaya ang love story ko sa mga napapanuod ko na... Puro Happy Ending... Pero naiba yung saakin, naging... Sad Ending... Full of Pain... Kailangan kona sigurong magpahinga... Bye...

-Peincess lhera

The Pain |EPISTOLARY| Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon