Chapter 1

200 2 4
                                    


Mahigpit ang pagka yakap ko sa dala dala kung backpack. May kaunting damit at isang litrato ang nasa loob nito at iba pang importanting gamit. May kaunting pera din akong dala sapat na para maka rating ng Manila.

Nasa waiting shade ako ngayon naghihintay ng bus. Pinalayas na kasi ako ni Tita sa bahay nila dahil masyado na daw akong pa bigat at mamatay tao.
Kasalanan ko bang bastos at walang galang ang asawa at anak niyang babae.? Pasalamat nga siya at binuhay ko pa yung mga yon eh at hindi tinulad sa iba na sa morge ang bagsak.

Kung tutuusin mas may pakinabang pa ako kisa sa pamilya niya. Pasalamat na lang sila at hindi ko sila pinatay lahat. Kahit naman minsan may konsensiya parin ako. Kaya nga ako lumayo eh dahil baka hindi ko mapigilan ang sarili ko at ma patay ko silang lahat.

Labing walong taon na ako at sa awa ng diyos naka pagtapos na ako ng senior high school dahil narin sa sariling sikap. College na ako ngayong pasukan kung pagpalarin akong maka pasok. Ang pagpasok ng koleheyo muna ang goal ko ngayon bago hanapin ang tunay kong mga magulang. Ngayong wala na akong matitirahan kailangan ko ng magbanat ng buto para narin may makain ako.

Hindi na ako magpapaapi sa kagaya nila tita ako yata si Angel Demonice Perez. At alam ko sa sarili ko na, I was born to kill those mother fucker who look down on me.

Kaya paghinto ng bus sa harap ko na magdadala sa akin patungo sa Manila huminga muna ako ng malalim bago umakyat at sa oras ng pagtung-tung ko ng bus alam ko sa sarili ko na dito na nagsisimula ang pagharap ko sa hamon ng buhay. Hindi pa man ako tuluyang maka upo ng may bumungo sa akin.

''Aray.''daing ko ang lakas ng pagka bunggo sa akin ng lalaking naka hoodie
na walang paki alam kung may na bunggo man o wala ni pag tingin nga sa akin ay hindi niya ginawa. Letse ang sarap niyang pugotan ng ulo at pa sagasaan ng bus.

''Excuse me.,pwesto ko yan.! At ako ang mas nauna sayo.''asar kung ani ng umupo siya sa upuang gusto ko.

Letsing lalaki naka headphone pala kaya hindi ako narinig. Kunti na lang talaga at mapupugutan ko na siya ng ulo. Tinapik ko ng bahagya ang balikat niya. At padabong naman niyang kinuha ang headphone sa tinga. Langya siya pa yung may ganang magalit. Kung itapon ko kaya siya sa labas ng bintana.? Susuntukin ko na sana siya ng magtaas siya ng tingin.

''Tsk. What do you want.?''na aasar niyang tanong sabay tanggal ng hoodie niya. Inferness kay Mr. Hambog may utsura. May matangos siyang ilong at may mahabang pilik mat at ang ganda ng kulay bughaw niyang mata. May matangos siyang ilong at mapupulang labi. For sure hindi siya pure Filipino siya yung tipong pang model ang dating yan yung tipo ng mga tinitilaan ng mga studyante sa skwelahan. Oh baka naman artista siya kaso nga lang walang modo.

Na balik lang ako sa realidad ng marinig ko ulit ang iritado niyang tinig.
''Excuse me.?'' Hindi lang yan magka salubong ang makapal niyang kilay at naka kunot pa ang noo niya. Na para bang kasalanan ko pang na istorbo ko siya.

Sumiklab ang asar ko sa kanya fuck mali to baka hindi ko na naman ma control ang sarili ko. ''Ako po ang naka pwesto diyan. At mas nauna ako sayo.''kalma kong saad mahirap na baka mapatay ko siya ng wala sa oras.

''I'm the one who's setting here so that's mean the seat is mine..!''masungit niyang sagot

''Tinulak mo ako.''punyetang lalaki napa ka walang modo.

Tumawa siya ng pagak yung nakaka insulto. Yong mayabang na tawa na kinaiinisan ko. Dahil para sa akin tinatapakan nila ang pagka tao ko. Tapos sinuot niya ulit ang headphone sa ulo niya na para bang wala na siyang balak makipag usap sa akin. Mabait akong tao pero pagsinagad mo ang pasensiya ko sa hukay ang bagsak mo.

Marahas kung hinaklas ang headphone niya na maging sanhi para masira ito. ''Ikaw na lalaking walang modo kinakausap pa kita. Kung gusto mo pang mabuhay umalis ka sa upuan ko.'' asar kung ani letse kunti na lang talaga ang natitira sa pasensiya ko.

Tears Of The Killer Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon