Cameele's POV
kinabukasan eh umuwi na din kami ni Kyle, hinatid niya ako sa bahay namin, tili at sigawan naman ang agad na sumalubong sa amin, kung sino yun? Mama ko lang naman pati Mama ni Venedicto.. Mukha silang teenager na nginitian ng mga crush nila kung makaasta sila, imagine with matching hampasan pa yan.. Talaga naman oh..
"so tell me anak, bakit kayo tumakas kagabi ni Kyle? Yieeee... Si Bebe ko dalaga na yiieee" tanong sakin ni Mama with matching sundot-sundot pa sa tagiliran ko, ako naman eh hindi ko alam ang isasagot ko, hindi ko pwedeng sabihin na kaya kami tumakas kagabi eh kasi nagplano kami, baka mamaya niyan bigla nalang kami niyan hilahin ni Kyle at sapilitang ipakasal, eeeww ayoko nga!!
Binalingan ko ng tingin si Mama na naghihintay pa din ng sagot kaya naman binalingan ko si Kyle at wari nanghihingi ng tulong kung anung magandang palusot..
"ahmm tita, ang totoo po niyan kaya kami tumakas kagabi ni Camel-- este Cameele eh ...ahmmm, natagusan po siya kagabi, eh ayun hinila niya ako papasama daw siyang bumili ng napkin-- aray!!" angal ni Kyle.. Langya yun!!! Anung natagusan?? The hell! Ayan tuloy nakurot ko siya.. Lumapit ako sa kanya at patagong bumulong..
"anu ka ba?!! Anu ba yang pinagsasabi mo??... He-he-he.. Ahh ag ibig pong sabihin ni Vene-- Kyle, eh nilagnat po siua kagabi kaya sinugod ko po siya sa ospital tapos binantayan ko po siya magdamag kaya ganun!! Hehehe diba Kyle?" tanong ko sa kanya at tinapunan siya ng UMOO-KA-KUNG-HINDI-PATAY-KA-SAKIN-LOOK!! .. Kaya naman
"hehe tama po yun.. Nagbibiro lang po ako kanina hehehe"
Mukha namang nasatisfied na sa sagot namin sina Mama kaya ngumiti na nalang sila, maya-maya pa eh dumating na si Daddy kasama yung tatay ni Kyle, at katulad kanina nagtanung sila kung saan kami pumunta kagabi, pero sina Mommy na ang sumagot kina Papa..
"so dahil nandito na kayo, sasabihin na namin yung dapat naming sabihin.. Cameele anak, nalulugi na ang Kompanya natin, kaya naman kinakailangan namin humanap ng bagong business partner, nalaman kasi namin na yung dati pala nating kapartner ang dahilan kung bakit nalulugi ang kumpanya natin, hindi ko akalain na ang tinuturing ko ng kapatid eh sisirain ang tiwalang binigay ko sa kanya, at sa panahon na yun, sakto naman na wala ng kapartner ang tito Cedric kaya naisip ko na sa kanila nalang tayo kakapit..sumang-ayon naman doon ang Tito Cedric mo, at para tuluyan na mag- merge ang dalawang kumpanya, kinakailangan na.... Magpakasal kayong dalawa"
Mahabang paliwanag ni Daddy, ngayon alam ko na..
Akala ko tapos na ang paliwanag ni Daddy pero hindi pala.
"pero huwag kayong mag-alala dahil isang taon limang buwan lang naman ang kontrata natin, kaya kapag natapos na itong kontrata na ito, eh pwede na kayong maghiwalay..." sabi ni Dad, nung narinig ko yung sinabi ni Dad na pwede pala kaming maghiwalay eh parang may naglitawan na mga anghel sa gilid ko at nagkantahan ng Gloria.. Haaayy heaven..
"Yun ay kung gusto nyo pang maghiwalay" mapanuksong sabi ni Dad, yung kaninang mga Anghel na kumakanta ng Gloria ay napalitan ng kantang Thriller ni Michael Jackson... Psshhh =___="oh and more thing pala.....
Simula bukas sa isang bahay na kayo titira" sabi ni Dad, eto naba yun? Aacting naba kami?!!. Nilingon ko si Kyle at kinindatan, mukha naman nagets niya iyon kaya patago din siyang tumango sa akin.. Okay this is it.. Lights, Camera, Action..
"Huh??!!!(lagay ng likod ng palad sa noo) Ano Dad?...p-p-paano na ako?? (hawak sa dibdib) paano na ang kinabukasan ko?!! oh no!! I can't live like this anymore?!! Why?.. Why is the world is so cruel to me?! Did I do something wrong?!! Huhuhuhu!! I can't live like this anymore!!" mahabang akting ko
"tama na Cameele, inulit mo lang yung sinabi mo eh" sabi naman ni Kyle kaya masamang tingin ang binigay ko sa kanya mukha namn siyang natakot sa ginawa ko kaya umakting siya na parang baliw na may hinahanap...
"p-p-patitirahin nyo kami sa iisang bahay?!!...hindi pwede!!! (tumalikod siya sa amin at lumuhod) Oh sheena!! Mahal ko.. Patawarin mo sana ako sa kasalanang gagawin ko sa iyo!! Pero pinapangako ko.. Babalikan kita mahal ko!!" akting naman niya with matching tulo luha pa.. Pshh! Mas magaling akong umakting kesa sa kanya!!..
"hoy Kyle tumayo kana jan, hindi ka sasagutin ng semento!" sabi ko sa kanya, tapos humarap ako kina Mommy nakaawang ang mga bunganga
"ahhmn..Mom, Dad, Tito at Tita...*sniff, sniff* sa ngalan ng kumpanya namin, we will make it happen..." sabi ko with matching tango-tango pa, naramdaman ko namang papalapit sa pwesto ko si Kyle kaya without breaking an eye contact with my mother eh nilamutak ko yung mukha ni Kyle at itinulak patalikod.. Pisti!! Aakting nanaman siya, madadaigan nanamn ako, nginitian ko nalang sila Mommy at sinabi nilang aalis na daw muna sila para daw tignan muna yung bahay na gagamitin na namin bukasKaya kaming dalawa nalang ni Kyle ang natira sa sala, maya-maya pa eh nagsalita na siya..
"Nice one Cameele, ang galing natin kanina ah!... High five!!" sabi niya tapos tinaas niya yung kamay ko para makipaghigh-five sa halip na high-five eh sinapok ko siya sa mukha at tinarayan...
"yan ang nababagay sayo!! Spotlight stealer!! Hmpp!" tapos iniwan siyang nakanganga at nakaupo sa sofa habang hawak-hawak yung pisngi niyang nasaktan...~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
[A/N: so what do you think guys?? Leave a comment para naman malaman ko ang mga feedback niyo, dont forget to vote too ah.. yun lang po maraming salamat!! Lavyouol!! <3<3<3
BINABASA MO ANG
finally Im all yours Baby (Cameele and Kyle) [YGA:SIDESTORY]
Short StoryCameele Go and Kyle Venedict Mendez Ang dalawa na mahilig mag away, magasaran, magbarahan,,, pero in the end nagkakabati pa rin, mung baliw lang diba??, pero paano kung isang araw, eh gigising nalang sila na kaylangan na pala nilang magpakasal?? paa...