New things

5 0 0
                                        

It has been a week since that dinner I had with Baekhyun's parents and ever since, hindi na ako nagparamdam sa kanya. It's not that I am mad at him, but I have realized that being with him is dangerous.

"Anak, your phone is ringing. Sinong nanliligaw sa iyo?" My papa kidded. Napatingin naman ako sa cellphone ko at nakita kong si Baekhyun ang tumatawag. "Never mind that pa, it's just a prank call. I have to go pa," I kissed his cheeks.

"Alam ko ang araw ngayon, please, don't do anything that would hurt me. I can't lose my daughter," I bit my lower lip and heaved a sigh. I looked at him and smiled. "You won't lose me, pa. I love you," at bago pa niya ako mapigilan ay lumabas na ako ng bahay.

"Daan muna tayo sa sementeryo," I told my driver. Ever since that day, hindi na ako nagdrive pang muli. Napahawak ako sa may tiyan, hindi ko alam pero parang ang sakit.

Bumili muna ako ng angel's trumpet nang makakita ako ng flower shop.

Nang makarating kami ay agad akong bumaba at pumunta sa mausoleum ng mga de Guzman. Nakakain naman ako pero parang nawawalan ako ng lakas. Napahawak ako sa sinapupunan ko.

"Hi," kinakapos kong sabi habang nakatingin sa puntod niya. Agad kong inilagay ang bulaklak at nagmamadaling umalis. Hindi ko kaya, hindi ko pa rin kaya.

"Take me to the office, fast." I was holding in my sobs.

Hindi ko pa rin matanggap hanggang ngayon ang nangyari sa akin. If my mom hadn't left us, that won't happen to me. Hindi sana mawawala ang anak namin ni Jongdae. Hindi sana ako makukunan. Kung hindi lang iyon nangyari, sigurado akong isa na kaming pamilya ni Jongdae.

If it weren't for my mom.

Nang makarating ako ay sinalubong ako agad ng secretary ko.

"Where's my coffee?" Tanong ko sa kanya. Ibinigay naman niya agad sa akin ang kapeng hinihingi ko. "My schedule?" I asked as we walked towards the elevator. Agad naman nagsilabasan ang mga empleyado sa elevator.

"You," tawag ko sa isa sa kanila. "I'll reduce your salary, your lipstick doesn't suit you." Napasinghap siya at agad na pinunasan ang labi niya.

Pumasok na kami sa elevator at pinindot naman na niya ang 23rd floor. "You have an 11 am meeting with Mr. Cruz for the expansion in Cebu. And then, the Japanese investors is your 12 noon. It will be in the Japanese restaurant in the fifth floor, and you'll have a video conference with Mr. Clemence this 3pm. All of the papers are already at your desk, Miss."

"Thanks Petra," and I went inside my office. Agad ko naman inasikaso ang mga papeles na nasa lamesa ko na.

Wala pang 30 minutes ay kumatok si Petra sa pinto ko.

"Um, excuse me miss, but someone's here to see you," she was actually trembling, not just her voice but her whole body. I arched my brows, I have told her na hindi ako tatanggap ng mga bisita ngayon.

"Who the fuck is barging in my office without my invitation?" I asked coldly. Agad akong binalot ng galit nang makita ko ang taong bumisita sa akin.

"What are you doing here?"

"Ate," napatayo ako para kalmahin ang sarili ko. What, dahil ba sa hindi nakahingi ng pera ang babaeng iyon ay pinadala niya ang bastarda niya?

"I am an only child, wala akong kapatid. Kaya don't call me ate as if you're related to me." I am gritting my teeth, who the hell does she think?

"Ate, kailangan ni mama ng pera para sa operasyon niya. Please, para naman ito kay mama," she's crying already. Napangisi ako, I don't do charity. Nagising na ako.

Make You MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon