THREE .ೃ࿐

177 10 0
                                    

🌙 JIHOON

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

🌙 JIHOON


      Init.

      Busina ng mga nagtutunugan na sasakyan na tila atat na atat makaalis sa kanilang kinapu-pwestuhan.

      Traffic na halos bihira nang umusad.

      Siksikan na tao sa jeep.

       Ilan lang 'yan sa mga bagay na kinaiinisan ni Jihoon sa tuwing magko-commute s'ya. Sabado ngayon pero grabe pa rin ang siksikan ng mga kotse sa daan. Sa totoo lang araw araw ang traffic. Hindi mo na nga mararason sa iba na dahilan ng pagka-late mo ay dahil sa hindi umuusad na traffic sa Katipunan. Dahil kung gusto mo makarating nang maaga then dapat mag laan ka ng isang oras. Kung ang meet up ay 9 am dapat nakaalis ka na by 7 or 8 am dahil legit na mahuhuli ka talaga. Napabuntong hininga na lang si Jihoon.

       Mukhang sobrang late na talaga s'ya.

      Kung hindi ba naman siya tinawagan ng mommy n'ya para sunduin si Jeongwoo ay hindi si Jihoon mahuhuli sa call time. Kung hindi rin nasiraan yung gulong ng kotse n'ya ay malamang nasa meeting place na sana siya. Kung saan saan na napunta yung mga pinagsisisihan ni Jihoon para lang mapagaan ang loob ng sarili. Dahil iniisip n'ya pa lang yung itsura ng mga tropa nito na kanina pa naghahantay sa YG Bros Cafe ay tanging nginig at kaba na lang ang nararamdaman n'ya.

       May group meeting kasi sila mamaya dahil globally competitive mga tropa n'ya. Kahit next month pa ang pasahan ay kailangan na nilang gawin nang mas maaga para wala ng problema. It just so happened lang na pati ba naman sa weekend ay kailangan nilang magsipag.

       Usapan nila 10 am ang call time pero heto at 11 am na ngunit nagko-commute pa rin s'ya. Knowing his friends, 'di nila paglalagpasin yung halos dalawang oras na pagka-late ni Jihoon.


       Ramdam ni Jihoon na 12 noon na s'ya makakarating dahil sa hindi talaga umuusad yung mga sasakyan sa kalsada. Kanina pa nga sunod sunod na nag ba-vibrate yung phone n'ya dahil sa notifications na probably ay kinukulit na s'ya kung asaang lugar na ito nakarating. Kanina pa ni Jihoon pilit na hindi pinapansin yung flooded messages pero bigla rin sumagi sa isipan niya si Aran.

        Sa totoo lang hindi naman takot si Jihoon sa mga tropa niya. Ang kinatatakutan n'ya ay si Aran, ang long time best friend n'ya. Si Aran din yung leader sa group project nila sa Accountancy na supposedly ay dapat nasimulan na kanina pero dahil wala pa si Jihoon kaya hindi tuloy sila makapagsimula.


        Jihoon already knew that Aran would possibly be the first one to get furious. Nakita ni Jihoon sa notifications ang mga message ni Aran pero wala s'yang lakas ng loob na buksan iyon dahil batid n'ya na isang malaking sermon ang bubungad sa kanya. Sapat na kay Jihoon na mamaya pagdating sa coffeeshop yung sermon para isang bagsakan na lang.


CLOSER .  ᵖᵃʳᵏ ʲⁱʰᵒᵒⁿTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon