NINETEEN .ೃ࿐

88 5 0
                                    

🌙 ARIELLE

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

🌙 ARIELLE




      "Oh, I see. You two knew each other na pala?"

      Tanong ni Tita Ericka nang nakangiti habang nakatingin sa aming dalawa ni Jihoon.


      I shook my head in disagreement."Not really po tita." I said while forming a thin smile on my face.


      Sinipa ako ni Jihoon sa baba ng table at binigyan ako ng tingin na parang hindi sang-ayon sa sinabi ko.


      "Really?" Curious naman na tanong ni mommy.


      Sinipa ko rin sa baba ng table si Jihoon para um-agree sa sinabi ko.


      "Hindi po kasi kami classmates that's why I only know her name. Sikat po si Arielle sa school kasi she's competitive especially sa mga interschool competition. Pero PERSONALLY HINDI PO KAMI CLOSE." Sagot ni Jihoon na tila may pag emphasize pa na hindi kami close.


       Halatang inaasar ako ng mokong.


     "Kaya nga po nagulat ako na anak niyo po si Jihoon tita. Kilala ko lang din po yung name niya kasi part po siya ng student council atsaka ng varsity ng school. Actually last month ko lang po nalaman na same strand kami ni Jihoon."


      I chortle a laugh as I said those words. Ako naman ngayon yung sinipa ni Jihoon. Parang hindi rin makapaniwala sa narinig niya habang binibigyan ako ng tingin na parang hindi makapaniwala sa mga salita na lumalabas sa bibig ko. Inirapan ko lang s'ya at nagfocus uli ako sa pagkain.


      Actually, may point naman ako. Last month ko lang nalaman na nag e-exist si Jihoon. Kung hindi dahil sa nawawala kong i.d ay hindi ko malalaman na nasa katabing section ko lang siya at same strand pa kami. Nalaman ko lang din na part siya ng student council dahil kina Hyunsuk at Jaehyuk. Kung matagal ko nang kilala si Jihoon ay matagal na rin sana akong may happy crush, 'diba?


        Char!


       "Anyways, now that I've mentioned it. Arielle si Park Jihoon na yung magiging tutor mo sa Accountancy."


       My mom smiled at me; na parang normal lang na sabihin na tutor ko ang anak ng best friend niya.


       Ofcourse, sino ba naman ako para magwala at gumawa nang malaking scene dito sa hapag kainan? Tumango na lang ako at pilit na ngumiti.


CLOSER .  ᵖᵃʳᵏ ʲⁱʰᵒᵒⁿTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon