TWO .ೃ࿐

201 8 0
                                    

🌙 ARIELLE

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

🌙 ARIELLE



'Write an analysis on the Case of Nokia. Look at your syllabus for the full details. Deadline is on July 22 (Tuesday).

Format: Arial, 11, 1 margin, justified'



          Napatulala na lang si Arielle sa nakasulat sa whiteboard nila. Another requirement na naman. Parang hindi na talaga n'ya kaya. Kakatapos lang ng pasahan ay may pa-requirement uli. Nawala na ang atensyon ni Arielle sa discussion ni Ms. Nakka tungkol sa pagkakaiba ng morals at ng ethics dahil iniisip nito kung saang oras n'ya dapat ipapasok yung pag gawa sa case analysis n'ya na 'yan. Sinilip ni Arielle ang to-do list nito na nakasulat sa kaniyang pinaka iniingat-ingatan na bullet journal.



             Nakakalula.


            Tapik ni Jaehyuk ang gumising sa ulirat ni Arielle. Tiningnan s'ya ni Arielle nang masama pero isinawalang bahala lamang ito ni Jae at bumulong, "Natapos mo na ba yung sa survey? After lunch daw 'yon ipapasa."


             Awit.


            Hindi pa nga pala nasisimulan ni Arielle sagutan yung survey questions na natanggap nito kaninang homeroom. Dahan dahan na hinalukay ni  Arielle ang mga papers sa ilalim ng desk n'ya while making sure Ms. Nakka won't notice that she's literally not listening to her discussion.



           Iniabot ni Jae yung extra n'ya na survey questionnaire para 'di na raw si Arielle maghalungkat pa. Knowing Arielle, apparently, ay kung saan saan n'ya lang ito inipit sa tambak nitong papers sa ilalim ng desk n'ya.



          Mabilis na sinagutan nito yung questionnaire. Check na lang s'ya ng check. Arielle knew that what she's doing isn't helpful but she couldn't care less. Ano nga ba ang magagawa n'ya? Wala na siyang oras para basahin pa isa isa nang maayos yung survey knowing na nagkaklase sila. Sigurado ay mapapatayo na naman s'ya ni Ms. Nakka kapag nalaman nito na nasa iba ang atensyon n'ya.




           Sakto na pagkapatos n'ya magsagot ay biglang nag-ring ang bell. Laking tuwa ni Arielle dahil nakaabot s'ya.




          "Well, I am saved by the bell." Pagyayabang nito habang inabot ang questionnaire kay Jaehyuk. She gave him a smug face. "Ano lunch natin?"



         "Nag c-crave ako ng sinigang." Honest na sagot ni Hyunsuk na halatang gutom na gutom at drain na drain na kahit tanghali pa lang.



            "Okay, Sinigang it is!"



             Iniabot ni Jaehyuk kay Arielle yung survey questionnaires while Hyunsuk was on his seat observing them. "Lodi, ikaw nakatoka ngayon. Ibigay mo na 'to kay Saman." Jaehyuk smirked, itinaas ang kanang kilay at halatang inaasar si Arielle.


CLOSER .  ᵖᵃʳᵏ ʲⁱʰᵒᵒⁿTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon