CHAPTER 9

29 22 0
                                    


"MISS FERNANDO!"


Napatayo agad ako at napailing. Kanina pa kasi ako tulala dahil tatlong araw ng cold sa 'kin si Rico. I mean hinahatid at sundo niya pa rin ako, kumakain pa rin naman kami at tinutulungan niya pa rin ako sa school works kaya lang ako ang lagi niyang pinapakwento. Hindi rin siya nagsasalita kapag hindi ako nagtatanong, madalas ding seryoso ang mukha niya.


"Yes Ma'am?" gulat na tanong ko. Napatingin ang ilang kaklase ko sa'kin na parang naninibago sa 'kin.


"Kanina ka pa tulala, nakikinig ka ba sa discussion ko?" masungit na tanong sa 'kin ni Ma'am at nagbubuklat na sa libro niya, mukhang naghahanap ng itatanong sa'kin. Shems!


Nag advance reading naman yata ako kanina diba? Yata? Patay!


"O-Opo Ma'am" mahina kong sagot. Sinenyasan ako nila Lian at Hazel na parang tinatakot na ako. Si Ma'am kasi 'yong tipong namamahiya ng studyante kahit matalino ka or hindi. Aissh! Si Rico kasi!


"Hmm? Give me the seven classification of Essay WITH explanation" nakangising sabi sa'kin ni Ma'am at napasinghap 'yong iba kong kaklase.


"Diba ididisscuss palang niya 'yon?"


"Nasa types palang siya kanina ah?"


"Halatang hinahamon niya si Tori!"


"Mukhang gusto siyang ipahiya"


Napakagat ako sa labi nang marinig ko ang bulong-bulungan nila samantalang si Ma'am ay nakangisi pa rin sa'kin na para bang hinihintay niya ako mapahiya.


"Uhm." Pagsisimula ko. Think Tori! Lesson niyo na 'to no'ng Junior High! "The seven classification of essay are Reflective, Cri-Critical, Editorial, Nature, Scientific, Narrative and uhmm.. Speculative!" Napakapit ako sa likod ng upuan na nasa harap ko pagkatapos kong sabihin 'yon. Napataas ang kilay niya bago niya ito tiningnan sa libro niya bahagyang nanlaki ang mga mata niya pero agad niyang binalik ang masungit na tingin sa'kin at sinuri ako.


"Explain." Napalunok ako sa pagkakatingin niya sa 'kin.


Pinaliwanag ko 'yon isa-isa sa abot ng natatandaan ko. Medyo nautal pa ako dahil kinakabahan ako, idagdag mo pa ang tinginan ng classmates ko habang nagsasalita ako. Nakita ko ang pagtango ni Ma'am pagkatapos kong magsalita.


"Alright. Very good. No doubt at ikaw ang rank one sa klase. You may take your seat" sabi niya.


Napaupo ako agad at medyo ngumiti kay Ma'am na nakataas pa rin ang kilay na nakatingin sa 'kin.


Nakahinga lang ako ng maluwag ng natapos na ang klase ni Ma'am at lunch break na. Agad na lumapit sa'kin si Lian at Hazel habang dala ang baunan nila.

You're my Answered Prayer [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon