"Uhh.. sure"
Napanganga ako nang ngumiti si Max at tiningnan ang mga na hiwa ko na. Napangiwi siya kaya kinabahan ako.
"Not enough. Masyadong matakaw ang mga 'yon. Do you have fish fillet or salmon?" tanong niya sa 'kin agad naman akong napatingin sa Freezer at napahinga ng malalim dahil merong fish fillet doon. May advantage rin pala ang pagbili ng sobra nung mga Kupal.
"Fish fillet meron." sabi ko at inilabas 'yon. Ngumiti siya sa'kin at pumunta siya kung nasaan ang mga condiments. Nagkibit balikat na lang ako at umupo na para maghiwa ng tokwa. Umupo rin siya sa harapan ko kaya para hindi awkward ay kinausap ko siya.
"So.. marunong ka palang magluto?" panimulang tanong ko. Tumango lang siya habang nag memeasure siya ng kung ano-ano. Ba't ba ang tipid nitong sumagot?
"Paano? Nag-aral kang magluto?" tanong ko ulit. Kumunot ang noo niya kaya nahiya ako bigla. Baka ayaw niya ng maingay?
"Not really. Madalas ko lang panoorin si Mama magluto." napatingin ako sa kaniya dahil iba 'yong accent na ginamit niya sa word na 'mama'. Napatingin siya sa'kin at tumawa "I'm Chinese" sabi niya na para bang hindi obvious. Haler! Mukha at katawan pa lang halata na!
"Duh! Nagulat lang ako, minsan lang kasi ako makarinig ng mga ganyan ang accent!" sabi ko at tumawa lang siya.
Nagkwentuhan lang kami habang nagluluto buti na lang at sinagot niya ang mga tanong ko kahit maikli lang. Minsan ay nagtatawanan pa kami dahil kinuwento ko sa kaniya kung gaano ako nagwala noong una ako natalsikan ng mainit na mantika.
"Grabe talaga! Grade four or five yata ako no'n. Pinag prito ako ng Lola ko ng Fried Chicken kasi nag lalaba pa siya non e lunchtime na. Si Ate Lina kasi, yung pinsan ko ay busy naman sa paglilinis sa bahay tapos yung mga kapatid ko noon ay maliit pa. Sila Mama at Papa naman busy sa pag asikaso ng papers para sa pagpunta sa Dubai. " pagkukwento ko habang nag-gigisa na ako ng bawang at sibuyas, siya naman ay hinihintay kumulo ang sauce na ginagawa niya at nakatingin lang sa 'kin habang nakangiti.
"Tapos ang instruction sa 'kin ni Lola, painitin ko raw yung mantika bago ko ilagay yung mga manok. Edi naghintay ako ng mga fifteen minutes yata yun? Ewan kasi busy rin akong magbasa ng libro. Sumampa ako ro'n sa maliit na bangko, kasi nga hindi ko abot kay—"
"Hahaha!" pagtawa niya kaya sinamaan ko siya ng tingin, umubo ubo pa siya "Pfft! Continue" pigil tawa niya na sabi sakin kaya inirapan ko siya.
"Ayun nga! Dahil maliit ako noon! I mean hanggang ngayon. Psh! Kailangan ko pang tumuntong tapos ayun nilagay ko na yung isang leg ng manok, di kamay ha! Tapos pag hulog ko tumalsik ang mantika sa kamay at braso ko. Sis! Grabe ang iyak ko! Kalahating araw yata akong nag concert! Plus nahulog pa ako sa bangkitong pinatungan ko!" pagkwe-kwento ko na may actions pa. Siya naman ay hindi na napigilan ang tawa. Sa halip na mapikon ay nakitawa na lang din ako dahil ang shunga ko talaga.
Napatigil kami sa pagtawa ng may malakas na umubo sa likod namin. Nakita ko ang seryosong mukha ni Rico na nakatingin sa 'min. Natawa namang lumingon si Max sa kaniya.
BINABASA MO ANG
You're my Answered Prayer [EDITING]
Genç KurguTori believes that crying will not change anything, it will not solve your problems and it is a waste of time not until she met Alberto Justin. A guy that has an intimidating aura that Tori thought they won't get along. Alberto Justin made her reali...