"Tita, the food is ready. I made a reservation." May inabot siya kay Mama na parang card.
Hanggang sa pagbalik namin sa hotel ay tahimik lang siya. Unang bumaba sila Mama para maglunch samantalang kami ay nagpa-iwan dahil kinailangan kong maligo ulit. Pinanood niya lang akong gamutin ang sarili kong sugat at sila Mama lang ang kinakausap niya. Bigla akong naguilty kaya naman bago kami lumabas ng kwarto ay malambing ko siyang nilapitan.
"Sorry na, love." Nagpacute ako sa harapan niya at sinubukan siyang patawanin. "Bati na tayo.." nag-peace sign pa ako at ngumuso. Napabuntong hininga siya at ngumiti.
"Damn like I can resist that cuteness." Hinalikan niya ako sa labi at tiningnan muli ang mga sugat ko. "Masakit ba?" nag-aalalang tanong niya.
"Mahapdi lang pero kering-keri!" humawak ako sa kamay niya at hinila na siya palabas ng room. "Kain na tayo marami pa tayong pupuntahan!" excited na sabi ko.
Natuloy ang North Batan tour naming. Ang pinaka-tumatak sa akin ay ang Valugan Boulder Beach, Basco Lighthouse at Naidi Hills, Vayang Rolling Hills at ang St. Dominic Church. Nakapagsimba pa kami ro'n. Nag-enjoy rin ang mga kapatid ko. Karamihan ng pictures ay nasa camera ni Alberto Justin dahil busy ako pagmasdan ang paligid. Kaunti lang din ang na ig story ko dahil gusto kong makita ang ganda ng batanes gamit ang mga mata ko.
Kinabukasan ay pinagbigyan kami ng panahon dahil hindi nagtagal ang ulan noong umaga. Ngayon ang itinerary ay South Batan tour naman. Mas maraming lugar ang pupuntahan kaya naman whole day kaming mamasyal. Nag Uunahan kaming magkakapatid umakyat baba sa Chawa view deck dahil may hagdanan doon kung saan tanaw mo ang dagat. Nagpunta rin kami sa House of Dakay kung saan gawa sa bato ang bahay na iyon, katulad noong nasa airport. May mga nakausap din kaming mga matatandang naninirahan sa mga bahay na iyon. Nakapagsuot din kami nila mama ng vakul, iyon ang headdress na ginagamit nila para tag-init. Nakapunta rin kami sa Maydangeb White Beach. Hindi kami nakapag-swimming dahil sobrang lamig kaya paa lamang ang binasa namin.
"Sayang hindi tayo nakapag-swimming." Nanghihinayang na sabi ni Junavi.
"Try mo sipunin ka diyan hindi ka makakasali sa competition mo." Asar sa kaniya ni Jacob.
"Ma oh si Kuya!" sumbong naman ng kapatid ko.
"Hay nako! Picturan niyo na lang ako rito para mai-upload ko sa facebook!" hindi pinansin ni Mama ang sumbong sa kaniya ni Junavi at nag pakuha na lang ng litrato kay Linda. Binelatan ni Jacob si Junavi kaya inis siyang hinampas nito.
"Tumigil nga kayo, moment ko 'to." Yumuko ako at nagkunwaring hinawakan ang buhangin pero hinihintay ko lang talaga na umagos ang alon para mabasa ko sila.
"Ate 'yong cellphone!" reklamo ni Linda at agad pinunasan ang phone niya.
Nagtawanan lang kami at nag basaan na, si Alberto Justin ay kinunan lang kami at si Mama na todo ang posing at hindi kami pinapansin na para bang give-up na siya sa pagsuway sa 'min. Si Junavi ang pinaka nabasa dahil pinagtulungan namin siya. Reklamo siya nang reklamo, paiyak na nga pero pinipigilan niya dahil alam niyang aasarin namin siya.
"Ayoko na maging bunso!" pag-iinarte niya kaya nag tawanan kami at lalo siyang nainis.
Sa Homoron Blue Lagoon naman ay si Alberto Justin na ang napagtripan namin. Noong siya na kasi ang pipicturan sa mga bato ay tinulak namin siya sa tubig. Nag-alala pa ako na baka bato rin ang kalaglagan niya pero buti na lang ay hindi.
"Tara sulat tayo!" hinila ko si Alberto Justin sa parang mini library rito sa San Carlos Borromeo Church. Sa maliit na library ay nakalagay ang "Blank books" na tinatawag kung saan pwedeng magsulat ang mga bumibisita sa simbahan. Kahit ano raw ang pwedeng isulat, messages or intentions.
BINABASA MO ANG
You're my Answered Prayer [EDITING]
Teen FictionTori believes that crying will not change anything, it will not solve your problems and it is a waste of time not until she met Alberto Justin. A guy that has an intimidating aura that Tori thought they won't get along. Alberto Justin made her reali...