Spin the Bottle

22 2 0
                                    


"Guys ayan na, ayan naaaaa" malakas sigaw ng mga taong naiwan ngayon dito  sa classroom. Anim lang kaming maglalaro ang iba naman ay nakikinood lang.

Thursday kase ngayon kaya may vacant na
3hrs after lunch ang iba ay nasa palibot ng campus ngayon.

Halos lahat ata sila natapatan na ako nalang ang hindi kaya nung pumihit ang bote malapit sakin sinipa ito ni Kaye ang president at top 2 namin para tumuro sakin.

"Hala ang daya naman non kay Frida dapat yan eh!" angil ko napaka dadaya talaga nitong mga to.

"Ano ba yan Bea ang kj mo naman kanina ka pa hindi natatapatan eh" sulsol ni Ced kalalaking tao napaka sayang pagiging gwapo neto kung sakali.

"Okay sige na, sige na ako na" pag sang ayon ko nalang ano pa bang magagawa ko nakatapat na sakin pati ayaw kong maging kj ngayon lang naman to.

"Truth or Dare?" tanong ni Kaye

"Truth" walang alinlangan kong sagot ayaw ko mag dare, kanina nag dare si Ced  pinag twerk ba naman nila.

Nag bulungan sila at parang bang nag tuturuan pa kung sinong mag tatanong.

"Ako may tanong ako kaso baka maoffend ka eh kaya wag nalang" nag aalinlangan pang sabi ni Anne matagal ko na syang classmate pero hindi kami madalas nag usap kaya nacucurious ako sa itatanong nya.

"Ano ba yon? Sabihin mo na hindi ako maoffend promise" casual kong sabi

"Hindi wag na HAHAHA" sabi nya na may mapaklang tawa

"Sabihin mo na sis ano ba kase yon? para malinaw na ano ba yon, kung virgin pa ba ako? ano? HAHAHA" wala namang kaso sakin ang ganong tanong liberated akong tao.

"Oo nga Anne sabihin mo na" nakangiting sabi ni Frida feeling ko may alam sya sa itatanong ni Anne wala, feel ko lang.

"Hmm ano kase, bakit... bakit ka ganan?" napakunot ang noo ko sa tanong nya

"Huh? anong bakit ka ganan?" naguguluhan kong tanong

"Ganan, masyado kang pabibo sa klase at ayaw mong malalamangan ka!" luh? bakit parang galit?

"Ha Ha Haha" awkward kong tawa nagulat kase ako masyado sa tanong nya.

"Ano, kala ko dika maoffend?"

'really, Anne?' sa isip isip ko.

Tumingin ako sa iba ko pang kasama natamaan ng tingin ko si Frida na kaibigan ko na nakatingin lang sakin na parang sinasabi na sagutin ko na at sya na ang bahala kung may mangyare man

Si Kaye na president at top 2 namin mukang gustong gusto ang tanong ni Anne hindi na ako nasupresa kase alam kong may tagong galit din ang isang to sakin kada tamang sagot ko sa tanong ng teacher nakakatanggap ako ng masamang tingin galing sa kanya.

Kapag naman ako ang highest score sa mga quiz or exam lalapit agad sya sakin at icocompare ang papel naming dalawa pero never akong nag salita about don kase para sakin that's normal pero ngayon parang alam ko na same din siguro sa issue ni Anne.

Siguro kase I'm the valedictorian noong elem na alam kong gusto ni Anne na makuha at ngayon si Kaye naman. Pero, wag naman sana kase friends ko sila. Mali kapatid na turing ko sa kanila eh.

Si Ced naman parang wala lang sa kanya kase lalaki sya at usapang babae to. Pero alam ko namang makikisali na yan kapag may pisikalan na, na mangyare pero wag naman sana kase ayaw ko din non.

Ang mga tao naman sa paligid nakatingin lang sila samin dahil sa biglang pag tahimik at para bang nag aantay sila sa magiging sagot ko.

"Anne, yang pagiging pabibo na sinasabi mo hindi ko alam. I just wanna share my knowledge to others by answering some questions in the class and sometimes volunteering to help some of our classmates na alam mong nahihirapan and yung ayaw kong mag patalo? Sa anong paraan ba? Oo, Alam ko sa sarili ko na competitive ako pero sa pag kakatanda ko naman wala akong nasabi o nagawa na makakasakit sa inyo pero kung meron man? sorry, kung ganon hindi ko talaga sinasadya" nginitian ko sila at akmang tatayo papunta sanang CR nang magsalita si Frida.

"Anne, Kaye, alam kong matagal na kayong may lihim na inis kay Bea dahil akala nyo hinaharangan nya kayo o inuungusan hindi ganon yon kilala ko sya. Kaya sana alam nyo din yon pero kung hindi sana wag inggit ang pairalin nyo kase ako din makakalaban nyo. Nasa iisang section lang tayo we should treat each other as a family kaya sana maging maayos na tungo nyo sa kanya pati hindi na tayo mga bata kahit anong taas ng grades ang makuha nyo kung wala kayong respect sa ibang tao at sarili mo lang lagi ang inaatupag nyo o yang inggit sa katawan nyo wala ding silbi yong grades nyo. Kaya ayusin nyo buhay nyo."

Ngumiti ako sa kanya at nilabi ang salitang "thank you" I really appreciated it.

Ngumiti ako sa kanya at nilabi ang salitang "thank you" I really appreciated it

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


Compilation of One Shot StoriesWhere stories live. Discover now