Para sa friendship

7 2 0
                                    

"Katherine hatid na kita sa inyo" rinig kong alok ng kaibigan kong si Angelo sa kasintahan nyang si Katherine

"Angelo naman, alam mong ayaw pa ni papa na mag boyfriend ako. Baka makita ka nya tiyak na mapapagalitan ako, tayo o di kaya mas malala pag hiwalayin nya tayo kaya wag na, kaya ko umuwi mag isa" Tanggi nito sa kaibigan ko

"Hindi naman nya mahahalata na girlfriend kita kase isasama natin si Zed pati hanggang labas nyo lang ako promise" turo nya sakin "Hindi ba Zed sasama ka?" habang may ngiting hindi ako makakatangging at tumataas taas pa ang kilay

Alam kong kapag ganito ang kaibigan ko wala na akong ligtas kaya wala akong nagawa kung hindi ang pumayag "Oo naman sasamahan ko kayo" napipilitan mang sumang ayon nagawa ko parang ngumiti sa mga ito

Matagal na kaming magkaibigan ni Angelo kaya kung may mga ganitong bagay na alam ko namang kaya ko gawin ginagawa ko kase alam kong ganito din naman sya kung ako ang mangangailangan nang tulong parang magkapatid na nga ang turingan madalas sa kalokohan magkasama pero syempre kapag nagkakagipitan na rin

"Pati hindi naman ako natatakot sa papa mo mahal kita kaya ipaglalaban kita pag nagkataon" dagdag yabang pa ni Angelo ang tapang huh

Lakas talaga neto sa mga babae palibhasa may ipagyayabang pero mas gwapo ako hindi lang talaga ako mahilig sa babae STUDY FIRST

"Ano pa nga bang magagawa ko? Magagawa ko bang tanggihan ang gwapo kong boyfriend" napangiwi ako sa banggit na iyon ni Katherine na alam kong ikinangiti ni Angelo alam na alam talaga ng kaibigan nya kung pano bobolahin ang mga babae at ngayon nadamay pa ako sa kalandian nya as usual...

Naglakad na lang kami pauwi galing sa school hindi naman kase kalayuan dito ang bahay naming tatlo pati mas gusto daw nitong dalawa na maglakad para daw masulit nila ang pagiging magkasama nila

Nakakawit ang braso ni Katherine sa braso ni Angelo at hawak ni Angelo ang mga libro ni Katherine nauuna sila sakin kaya hindi ko masyado rinig ang kanilang pinag uusapan pero kita ko ang likot ni Katherine na alam kong dahil sa kinikilig ito

Ano pa nga ba ang pag uusapan ng mga magjowa sa ganitong sitwasyon edi kung ilan ang gusto nilang anak, kung saan sila ikakasal at marami pang iba tungkol sa future daw nilang hindi naman matutupad

Malapit na kami sa bahay nila Katherine at wala pa atang balak bumitaw ang mga ito sa isa't isa nang biglang bumukas ang gate nila at niluwa nito ang tatay ni Katherine!

Potaaaaaa! Agad kong sinipa si Angelo para makuha ko ang atensyon nito "Ano ba?!" sigaw nito sakin ngunit nginuso ko lamang ang gate nila Katherine kung saan nakatayo ang ama nito

Nang lumingon si Angelo doon kita ko ang gulat sa muka nito kaya agad naghiwalay ang mga ito hindi ko alam kung matatawa ako o kakabahan sa maaari nyang sapitin 'yan landi pa' sabi ko utak ko

Tumigil kami sa harap ng gate nila Katherine at pinagmasdan ko ang tatay nito nakakatakot ang laki ng katawan baka isang suntok lang nito samin mawalan na kami agad ng malay

"Katherine sino yang mga kasama mo? Boyfriend mo ba ang isa dyan?" ang lalim ng boses nito nakakatakot

"Ahhh papa hindi classmates ko lang sila parehas gumawa po kaming project tapos hinatid nila ako kase pagabi na po" paliwanag ni Katherine

"Totoo ba yon iho?" tanong nito kay Angelo "Pero bakit hawak mo ang mga libro nya? Nililigawan mo ba ang anak ko? At ikaw Katherine sabi ko sayo bawal pa ang boyfriend, boyfriend na yan hanggang sa makatapos ka" Dagdag pa nito tanong at panenermon na talagang nagpakaba sakin

"A-aa hindi po sir" nauutal na sagot ni Angelo sabay abot nito kay Katherine ng mga libro "Sige na sis una na kami! Sayo din po sir" dagdag ni Angelo sa malambot na boses pagkatapos ay umuko ito sa tatay ni Katherine at tinapik pa ako nito para sabihing umalis na kami

Kala ko ba hindi ito takot sa papa ni Katherine tae puro yabang lang kaya wala akong nagawa kung hindi "Y-yes sir una na po kami at magandang gabi po, sayo rin sis see yah tommorla byiee" Sabi ko rin malambot na boses naunang lumakad si Angelo at kumekembot pa kaya wala akong nagawa kung hindi ang lumakad na rin at syempre kumembot na rin ako para effective potangena para sa pagkakaibigan!

Kala ko ba hindi ito takot sa papa ni Katherine tae puro yabang lang kaya wala akong nagawa kung hindi "Y-yes sir una na po kami at magandang gabi po, sayo rin sis see yah tommorla byiee" Sabi ko rin malambot na boses naunang lumakad si Angelo at ...

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
Compilation of One Shot StoriesWhere stories live. Discover now