"Ako si Pirena ha? sabunutan ko umagaw" pag babanta ni Jerico
"Ako naman si Alena bagay sa ganda ko nakakalunod" pag angkin naman ni Bryan
"So, ako si Danaya?" masayang tanong ni Rodnick
"Oo sis bagay sayo muka ka kaseng lamang lupa hahahaha" pang aasar ni Jerico
"Hiyang hiya naman sayo Pirena, bagay din naman sayo ah sunog kana kase kahit wala pang brilyante" pagtatanggol ni Bryan kay Rodnick
"Abaaa! Mali ka ata ng kinakampihan mo! Eh muka ka namang lamang dagat. Alena, Alena baka balyena hahaha" may katabaan kase si Bryan kaya di naka iwas sa mapang matang si Jerico
Napatawa na rin ako sa mga sinasabi nila masaya talaga sa classroom kapag may nga baklang classmates kahit simpleng asaran lang laugh trip talaga.
"Anong tinatawa tawa mo dyan? Pasalamat ka ikaw si Amihan ang aming kapatid na reyna" baling sakin ni Rodnick
"Edi, salamat hahaha" pag sunod ko
"Wow reyna, ganda ka sis?" pang ookray ni Bryan
"Oo bakit angal?"
"Confident with the heart I like it" wika ni Jerico
"Sanaol reyna" inis na sali ni Daven sa usapan
"Shut up Imaw" natatawang kong sabi
Kaya hindi nanaman naiwasan ang pang aasar ng iba pang bakla kay Daven wala nanaman akong nagawa kundi makitawa.
"Ewan ko sa inyo ready na ba kayo? Saulo nyo na mga lines nyo mamaya? Tayo na ata ang sunod ahh" pag papaalala ko sa kanila may roleplay kase kami sa MAPEH comedy na topic namin. Encantadia naisip ko kase mga bakla nga nagkataon ang mga kasama ko.
"Opkorss!" sabay sabay nilang sabi
"Ano pang inaangay nyo?" tanong ko
"Arat naaa!" sabayang pag bigkas ata talaga to at kampon pa ni zeinab
Matatapos na ang play namin kaya kinukurot kurot na ako ni Rodnick para sa sasabihin ko
"Nahihiya ako bat ba kase sinali to sa script?" pasimple kong bulong
"Arte mo sis sabihin mo nalang" ano pa nga ba kahit kinakabahan ako go na to sis
Humakbang ako pauna at itinaas ng onte ang isang kamay "Brilyante ng hangin iyong tangayin si crush patungo sakin" at ang isang epal kong kaklase nilapit yung electric fan kay Lemuel yung crush ko sa room! Ang iba naman pinay payan sya gamit ang notebook, libro at kung ano ano pa.
"Aking balintataw iyong sabihin kung sino ang napupusuan ng aming reyna Amihan" banggit ni Bryan at tumingin sakin nang may halong pang aasar
"Leeee~muel, Leeeee~muel..." kanta ng ibang mga bakla sa tono nung uuuuuu-waaa sa Encantadia mga bano talaga
Tumingin sakin si Lemuel na parang nagtatanong kung bakit sya tae mabubuko ako neto eh hindi talaga katiwa-tiwala mga muka ng mga baklang to kaya iniwas ko nalang ang paningin ko sa kanya nakakahiya!
Pinihit ko ang katawan ko paharap sa pinto para sana umalis na grabeng kahihiyan to pero nung malapit na ako sa pinto may humawak sa braso ko
"Mahal kong reyna saan ang inyong tungo?" kumurap kurap ako dahil baka nililinlang lamang ako ng aking mga mata si Lemuel ba talaga tong nasa harapan ko at 'mahal kong reyna' nang maalala ko umiinit ang aking pisngi sa pinag halong kilig at kahihiyan.
"Natulala ka ata reyna dapat na ba kitang halikan para ikaw ay mahimas masan?" naririnig ko ang tilian ng mga kaklase ko sa gilid ngunit mas nanaig an ingay ng kumakawala kong puso kaya wala sa sariling tumango tango.
Nang ilalapit na nya ang muka nya sa muka ko agad akong pumikit dream come true na to mga sis
"Okay class settle down good job sa group nyo Lyka" malakas na sigaw ni teacher na syang nag pabalik sakin sa reyalidad epal na teacher talaga to!
"Fuck, sayang I wanna taste those sexy lips of yours right now, baby." mahina nyang bulong sakin sa nakakapang akit na boses na talagang nag paestatwa sakin.
Bumalik na sya sa upuan niya pero nanatiling nasa akin pa rin ang tingin nya kaya nang umayos na ako bumalik na rin ako sa upuan ko di kalayuan sa kanya.
Ramdam ko pa rin ang mainit nyang tingin sakin ngunit wala akong lakas para salubingin ito.
"Ang sabi ko COMEDY hindi ba? Bakit parang ROMANCE ata ang naging kinalabasan? Pero magaling, magaling... next group please"
Nag patuloy ang play at nagawi ang tingin ko kay Lemuel ngumiti sya sakin at lumabing "Later, baby"
Grabe ang kabog ng dibdib ko at hindi na nakapag focus pa sa mga nasa paligid ko ang tanging nasa isip ko nalang ay ang mapupulang labi ni Lemuel.
YOU ARE READING
Compilation of One Shot Stories
Historia CortaStories with different themes, it depends on my mood while writing. Enjoy!