Chapter 2

31 2 0
                                    

Chapter 2:

"MAMA!" pasigaw kong tawag sa kanya pagkarating na pagkarating ko sa bahay. Akalain niyo ba yun? Who on earth will leave their daughter alone in the hospital? Ni hindi man lang nagpaalam sa akin. It hurts, you know.

I even searched the whole hospital para lang mahanap siya. Nagpabalik-balik ako sa garden, sa chapel, sa lobby at sa rooftop. Pati morgue ng hospital ay pinuntahan ko, hoping na makikita ko siya but no, the heck! I thought I had to look for every hospital room pa eh, but luckily para sa mga taong walang utak na katulad ko.

Nakasalubong ko si Dra. Farncisco and asked her, where my mom is. Kung pwede sana, the exact location including the longitude and latitude number. And she said it.Though hindi kasama ang exact location sa globo but still, natukoy niya na ang isang taong walang humpay kong hinahanap sa hospital ay umuwi na pala ng bahay.

Stupid me, eh?!

Nakita ko siyang pababa na ng hagdan kaya I put my hands on my waist at pinamaywangan siya. "Bakit mo ako iniwan sa hospital?" nagpout pa ako sa kanya.

Oo na, aminado na akong may kasalanan din naman ako dahil masyado akong nawili kay Perseid the guy at talagang inintriga ko pa si Nurse Anne about sa condition niya. I even plan to ask Doctor Ariel about the real state including the do's and dont's pero pinigilan ako ni Nurse Anne at sinabing baka hinahanap na ako ni Mama.

Siyempre, bilang taong na-love at first sight, pakiramdam ko kay Perseid na lang umiikot ang mundo ko nung panahon na iyon. Nakalimutan ko tuloy si Mama.

Ngumiti lang sakin si Mama ng tipid at napansin kong namumula ang mga mata niya. "Ang tagal mo kasi, kanina pa kasi kita hinihintay sa office ni Dra. pero ang tagal mo kaya nauna na ako. Tignan mo kung hindi ako umuwi baka hanggang ngayon wala pa rin tayong sinaing. Alam mo namang tamad ang ate mo diba?!" What?

Ang tamad talaga ni Ate. Cassiopea is the name of my older sister. Bratinela, maarte, masungit and all but definitely not a flirt. Lahat na ng negative adjective pwede niyong ipang-describe kay Ate, witch, bitch at itchy pwede. But not a flirt or whore. I know my sister. Suplada't tamad lang siya pero hindi siya malandi.

Bakit ko alam? Dahil pareho kaming NBSB. Hahaha!

"Why of all the people, kailangan mukha mo muna ang makita ko?" speaking of the devil. Napatawa na lang si Mama sa inakto ni Ate at pumunta na sa kusina, siguro para maghanda na ng hapunan dahil alam kong parating na rin si Papa.

"Why of all the goddesses of Greek and Rome, good and bad, none of them give you a blessing to have such a lovely and pretty face? Are they that selfish?" Pailing-iling pa ako sa kanya habang nakangisi at maglalakad na sana papunta ng kusina nang marinig ko ang sagot niya.

"Maybe because they already knew that I don't need one. Pretty on my own." Ngumiti siya sakin ng napakatamis bago dumiretso sa kusina para umupo na at hintayin si Mama na hainan siya ng pagkain.

Grabe talaga ang babaeng ito. Ginawa pang katulong si Mama.

Exchange OrgansTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon