Chapter 5
Sometimes, even if it will take us forever, we are willing to wait. With the what if's in our hands, we still hold to the possibilities. The possibility of them coming back... but will he really come back?!
Tae, teka nga... Bakit ang drama ko ngayon? Erase. Erase. Erase. Dapat ganito 'yan eh.
"Lintek na!!! Perseid!!! WALA KA BANG PLANONG GUMISING?!" sigaw ko sa harap ng tenga niya habang siya ay mahimbing na natutulog sa hospital bed na ito for a week now. "ABA!! NAKUHA MO NA ANG KIDNEY KO!!! BIGAY MO PUSO MO, HOYYY!!!" lalo pa akong lumapit sa tenga niya at hindi alintana para sa akin ang mga kasama ko dito sa kwarto.
Si Mama, si Doctor Ariel at si Mommy, ang mommy ni Perseid.
"WAG KANG MADAYAAA! TUMUPAD KA SA USAPANNN!!" hinawakan ko pa ang tenga niya at hinatak ito para mas magkaroon ako ng access sa pandinig niya pero useless.
"Ahehehe... Daughter-in-law!" tawag sakin ni Mommy, sabi ko sa inyo eh. Tanggap na ako ng family niya. Though, hindi ko pa nakikita ang iba niyang relative pero okay na rin ito. Atleast, kasal na lang ang iniintay ko. "Hinay-hinay naman baka mabingi ang future husband mo." namula naman daw ako sa sinabi ni Mommy kaya ngumiti ako sa kanya at umupo sa upuan sa tabi ng kama ni Perseid.
Pero lintek na! Nab-bwisit na talaga ako. Noong isang araw pa akong gising pagkatapos ng operation tapos siya, one week na! Sobra na iyan sa palugit! Lagpas na sa napag-usapan namin.
Sabi ni Doctor Ariel, hayaan lang daw kasi bumabawi ang katawan. Dahil nakakapagod daw ang operation. Bakit? Hindi ba napagod din ako?! Pero bakit mas nauna pa akong nagising?! Tinatakbuhan ata ni Perseid ang responsibilidad niya sa akin at sa magiging anak namin.
Aba! Kahit na wala pa talaga, alam kong darating tayo doon. Papahabain lang ang prusisyon pero laging sa simbahan ang tuloy!
Teka nga, dapat na ba akong bumili ng mittens?! Ay! Wag muna pala. Wedding gown muna.
Kumuha ako ng papel sa may gilid ng drawer atsaka ballpen na rin. Tama! Gagawa na lang ako ng plano para sa magiging pamilya namin. Gagawa ako ng checklist.
Uhmm, ano ba muna?! Magpapakasal ba muna kami o mag-aanak na muna?! Bwisit na Perseid kasi ito eh, ayaw akong tulungan mag-isip. Ang hirap pa man din. Kasal ba muna o anak?
"Ma!" tawag ko kay Mama na kausap ngayon ni Mommy. "Ano po bang mas mainam kasal muna o anak agad?" tinaas-taas ko pa ang kilay ko at hindi mawala ang nakakalokong ngiti sa mukha ko.
Nasamid si Mama at nalaglag ang panga ni Mommy. Bakit? May mali ba sa sinabi ko?
"D-dapat kasal muna." sabi ni Doctor Ariel. Tumingin ako sa kanya at napasimangot.
"Hindi ba pangit yun? Dapat anakan muna ako ni Perseid bago pakasalan para may habol ako. Kapag kasal kasi agad baka makipag-annul siya sakin edi nganga na ako. Kapag may anak na kami, wala siyang takas!" Nakita ko ang pagkalaglag ng panga nilang lahat kasabay ng pamumula ng mukha ni Mama. Bakit ba? Sa gusto ko walang kawala si Perseid eh.
"Tama! Mag-aanak muna ako!" sabi ko pero bago ko pa man maisulat ang bagay na iyon sa check list ko. May tumama nang sapatos sa ulo. "Aray!" kinapa ko ang ulo ko at tinignan kung may bukol ba doon? At shit. ang sakit! Naiiyak ako sa sobrang sakit. Yung heels pa yata ang tumama kaya talagang masakit. Feeling ko magdudugo sa sobrang sakit.
Nakakaiyak talaga! Ang sakit.
Hindi ko alam na tumutulo na pala ang luha ko sa sobrang sakit ng pagkakatama ng heels na iyon sa ulo ko. Nakita kong dadaluhan na sana nila ako pero agad kong pinunasan ang mga luha ko at bumaling kay Perseid.
"Babe, ilang anak ba?!" tanong ko habang tumutulo ang luha ko. "2? Hindi ba masyadong konti yan? 12 kaya para may kasama kang magbasketball tapos 9 na babae tapos ipapangalan ko sa member ng Girl's Generation?" lumapit pa ako sa bibig niya para kunwari mas marinig ang mga sasabihin niya. "Ah... okay sayo?! So bale, 12 plus 9 equals to 21. Sige. 21 na anak. 12 na lalaki, 9 na babae." pero katulad ng kanina bago ko pa man mailagay ang mga iyon sa papel ay may tumama nanaman na sapatos sa likod naman ng ulo ko.
Lumingon ako sa diretso nila Mama at Mommy habang hawak ko ang ulo kong nararamdaman kong may umaagos nang likido pero hindi ko iyon pinansin. Hinarap ko si Mama at Mommy tsaka sumigaw! "MASAKIT HA?! ANO BANG PROBLEMA?!"
Umiiyak na talaga ako ngayon . Sobrang sakit ng pagkakabato ng sapatos tapos may heels pa. Yung heels pa mismo ang tumatama sa akin. Umiiyak na talaga ako.
"Masama ba ang magfamily planning?" tulo ang luha ko habang nagsusumamo sa kanila. Takte! Nahihilo na ako. Nararamdaman kong hindi ko na macontain ang mga likidong lumalabas sa ulo ko. Feeling ko mauubusan ako ng dugo.
Ang sakit!
Hawak ko pa rin ang ulo kong dumudugo habang nakatingin kila Mama at kay Mommy. Gulat naman ang mukha ni Doctor Ariel sa naging sagot ko.
Bakit ba?! Aprubado naman ng simbahan ang Family Planning ah. Ayaw ng simbahan sa condoms at hindi naman effective ang Birth Control.
"D-dugo! Dumudugo ang ulo mo." napalingon ako sa pinanggalingan ng salita at nakita kong nakaupo si Perseid at nakasandal sa head board ng kama habang takot na takot na itinuturo ang ulo ko.
Pero labis akong natutuwa dahil gising na siya!
Samahan ng NBSB, I am already signing out. May boyfriend na ako.
"BABE!" sigaw ko at akmang yayakapin siya pero nakaramdam ako ng hilo at bago pa man ako makalapit sa kama niya upang mayakap siya ay nagdilim na ang paligid at hindi ko na naramdaman ang sarili ko.
Everything just went black.
**********
To be continued...
Alam kong bitin ang chapter na ito pero kasi sana maintindihan niyo. Nasa ilalim ako ng Writer's Block plus ang daming requirements sa school. Naiiyak na ako T_T
Pero sana pumasa ako sa PUP *cross finger*

BINABASA MO ANG
Exchange Organs
Fiksi UmumHe's sick. He needs kidney in order to prolong his life. So she gives her kidney in exchange of his love, in exchange of his heart. But what if, she'll need his heart, the literal heart. Is he willing to give his heart for her? Or he'll just let her...