Chapter 4

47 2 0
                                    

Chapter 4:

"Why won't you guys believe me that I am really having a boyfriend?!" halos isigaw ko na ang katagang yan dito sa loob ng cafeteria pero parang bingi ang mga kausap ko at patuloy lang sa panguya ng kanilang burger. 

At konti na lang ay mauubos na rin ang pasensya ko sa kanila. Tingin ba nila na napaka-pangit ko na talaga at wala talaga akong pag-asang magkaboyfriend kaya ganyan ang reaksiyon nila?

"Wala ka naman talagang boyfriend." sabi ni Ainnah habang pinupunasan ng tissue ang bibig niya dahil may kumalat na ketchup.

"Ni wala ngang naligaw sayo eh." this time si Kari naman ang sumagot habang ngumunguya pa rin ng burger niyang halos kalahati na.

"Nag-iilusyon ka lang!" napa-gasp ako sa sinabi ni Tyra. Grabe! Ang hard nila. Hindi ba talaga kapani-paniwala na boyfriend ko na si Perseid.

Oo na, hindi ko pa siya boyfriend pero soon-to-be na rin. Kumbaga sa sinehan, inaantay ko lang ang showing bago ako manood. Ganoon ang status namin ni Perseid pero naniniwala akong magiging boyfriend ko siya. Aba' siya pa ba ang tatanggi sa offer ko? Kidney is equals to his life. Kapag tinanggihan niya ang kidney ko, edi parang tinanggihan na rin niya ang buhay niya. And hopefully, hindi naman siguro siya tanga para tumanggi.

Atsaka kahit pa hindi ko pa boyfriend si Perseid, malapit na rin yun. Kasi nga diba, sabi ni Mama bukas na ang operation, mawawalan na ako ng kidney bukas at gagaling na si Perseid. At sa wakas ay hindi na ako member ng Samahan ng mga NBSB.

"Makikita niyo, ipapakilala ko siya sa inyo, at tutulo talaga ang laway niyo." binatuhan lang nila ako ng isang bored look at pinagpatuloy na ang kanilang pagkain.

Napabuntong hininga ako. 

Bakit ba ganito ang tao? Kailangan muna ng ebidensya bago maniwala. Di bale, malapit-lapit na rin ang expiration date ng ID ko sa Samahan ng mga NBSB at hindi na ulit ako magre-renew ng panibago.

Perseid, Perseid, Perseid, bilisan mo ang pagpapagaling para matapos na ang pagiging NBSB ko.

********

Kinabukasan ay hindi ako pumasok sa school para sa operation. Umaga pa lang ay nagising na ako kaagad at nagluto. Gumawa ng chores at nagsaing na rin. Nakaligo na rin ako kaagad at niyaya ko na sila Papa at Mama. Pati pala si Ate ay hindi rin pumasok dahil titignan daw niya kung makalaglag panty daw ba talaga si Perseid.

Ewan ko ba pero excite talaga ako. Excite na kinakabahan. Ikaw ba naman ang tanggalan ng laman loob hindi ka ba kakabahan?! Pero nae-excite ako kasi magkikita ulit kami ni Perseid. Nakakatuwa.

Nandito na kami ngayon sa tapat ng pinto ng kwarto ni Perseid. Kasama namin ngayon si Doctor Ariel at si Dra. Francisco, para kausapin si Perseid sa mga conditions at sa mangyayari.

Noong pagpasok palang namin ng opisina ni Dra. Francisco at sinabi ni Mama yung plano halos hampasin ako ni Dra. ng clipboard niya dahil sa kabaliwan ko. Sabi ni Dra. para daw akong tanga dahil sa gagawin ko pero wala rin naman siyang nagawa kasi pinilit ko talaga ang gusto ko.

Exchange OrgansTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon