Chapter 1

57 2 0
                                    

Chapter 1:

May mga panahon talaga na kailangan na nating sumuko. Sumuko sa mga pagsubok, sumuko sa pagmamahal at sumuko sa mga paghihirap. Pero sa sitwasyon ko, isa lang ang susukuan ko. At iyon ay ang pagiging NBSB ko.

Nakngputapete naman kasi, kahit isa sa ilang milyong lalaki sa mundong ito, wala man lang nagkamaling manligaw sa akin. Oo na meron, yung tambay sa kanto, yung si Totong baliw na laging nanghihingi ng piso sakin, at yung lasing na laging umiinom sa tindahan ni Aling Tina pero other than that, wala na talagang nagkamaling manligaw sakin.

Hindi naman ako pangit. Well, sabi ni mama. Pero hindi din naman daw ako maganda, sabi ni ate. So anong itsura ko? Hindi maganda, hindi rin naman pangit. Ano 'to, undefined?

"Kahit pa gago yung lintek na ex ko na 'yun. Tangina, mahal na mahal ko yun."

"Tsk. tsk. tsk. Move on na 'dre. Walang mapapala ang pagre-reminisce. Iiyak ka lang."

"Oh. Shit! Si Matt oh, shit! shit! shit! Ang gwapo niya talaga."

Napa-roll eyes na lang ako sa tatlo kong kaibigan. Yung isang hindi makamove on sa ex ay si Ainnah, yung nagsabi naman na magmove on na lang daw ay si Tyra at si Kari naman yung may crush kay Matt. At oo, tama kayo, may lovelife silang lahat. Kahit pa sabihin nating broken hearted si Ainnah, still in love pa rin siya sa ex niya.

"Bakit ang tahimik mo?" napatingin ako kay Tyra na binunggo pa yung braso ko para lang makuha niya ang atensyon ko.

"And what do you want me to say? Na inlove pa rin ako sa ex ko pero magmo-move on ako kasi ang gwapo ni Matt." I rolled my eyes once again at oo, pinagsama ko talaga lahat ng sinabi nila. Jeez, I don't want to be sarcastic but I just can't help it.

"Hahaha, ang bitter mo."

"Wala kasing lovelife."

"Hayaan mo, balang araw may madadapa din."

"Kaibigan ko talaga kayo eh no." naparoll eyes nanaman ako dahil sa inakto nilang tatlo. Kailangang ipamukha sakin na NBSB ako at wala ni isang tao ang madapa o kaya naman ang mauntog at marealize na mahal nila ako? Psh.

Nauna na ako sa paglalakad palabas ng Campus at oo, ito ang kauna-unahang kwentong mababasa niyo na nagsimula sa uwian.

"Nagmamadali? May date?" rinig kong lintanya ni Ainnah.

"Hahaha! Ang tanong, may makikipagdate kaya." tinanggal ko ang sapatos ko at binato ko kay Tyra na ngayon ay humahagalpak ng tawa kasama si Kari.

"Tangina niyo. Kapag ako nagkaboyfriend. Who you kayo sakin."

Pero dahil sa sinabi ko, lalo lang lumakas ang tawanan nila at talagang napahawak pa sila sa tiyan nila at parang isang baliw. Pinagtitinginan na kami ng lower years pero tuloy pa rin sila sa tawanan.

Exchange OrgansTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon