Chapter 3:
*I wanna drive you into the corner
And kiss you without a sound.*
"You make me so hot, make me wanna drop." masaya kong sinusuklay-suklay ang mahaba at itim kong buhok habang sinasabayan ang stereo ko na tumutugtog ng kanta ni Avril Lavigne.
*You're so ridiculous
I can barely stop.*
"You make me wanna scream. You're so fabulous. You're so good to me, baby, baby." Masaya ako ngayong araw na ito dahil alam kong mamaya ay ia-announce na nila Papa at Mama na pumapayag na sila sa planong kong ialay sa mahal na mahal kong si Perseid ang aking kidney.
Jusme, hindi ko talaga inakala na malo-love at first sight ako ng walang pasabi. Hindi man lang nagtext o kaya nagtweet si Kupido na papanain niya ang puso ko para naman kahit papano nakapag-prepare ako. Hindi yung biglaan, ayan tuloy, sapul na sapul ako.
Pakiramdam ko nga kapag naaalala ko yung mukha niya feeling ko literal na lumilipad ako kasabay ng paglipad ng utak ko at pagkampay ng pakpak ng puso ko. Drama ba?! Hindi ko inexpect eh.
Parang once upon a time, there was a lonely NBSB girl who went to a hospital to visit her friends and there she met his prince and they live happily ever after. Ganyan ka-PBB Teens ang nararamdaman ko ngayon eh. Parang kahapon lang, inaasar pa ako ng mga kaibigan ko tapos ngayon mawawalan na ako ng kidney.
Masyadong over-whelming na hindi ko maintindihan. Pero mas nangingibabaw yung saya sa puso ko, kasi alam ko na ako yung magiging susi para mabuhay pa si Perseid... kahit na ang hihingiin kong kapalit ay ang puso niya. Okay na 'yun, atleast nga bubuhayin ko siya eh.
Pagkababa ko ng hagdan ay seryosong hapag na ang bumungad sa akin. Si Papa at Mama, ay mukhang malungkot at pinagsakluban ng langit tapos si Ate naman ay namumula ang mata which is very unusual kasi hindi naman umiiyak si Ate. Para sa kanya, tears is a sign of weakness and she hates being weak. So, what's with them?
Dahan-dahan akong lumapit sa pwesto ko at umupo. Nanatiling malungkot si Papa at Mama pero si Ate biglang nagpunas ng luha.
"Damn, wala na bang ibang magpapaiyak sa akin kundi ang sibuyas na 'yan?" napatanga ako dahil sa sinabi niya at doon ko lang napansin ang newly sliced onions na nasa table. Sa harap pa mismo niya, kaya asar na asar siya.
I know my Ate, she hates sibuyas for all of her life. She never liked the way it taste and of course, the way it makes her cry. Kaya ayan, greatest enemy niya ang sibuyas at mukhang inaasar siya ni Papa at Mama dahil talagang nasa harap niya pa nilagay.
"Bakit mukhang may lamay?" tanong ko sa kanila, pero dahil si Ate ang may ganang sumagot ngayon kaya siya na ang sumagot.
"Bakit hindi mo itanong sa sibuyas na 'yan?" inirapan niya pa ako bago kumuha ng sandok at nagsandok na ng kanin niya. Ni hindi man lang inantay sila Papa at Mama na kumuha at talagang inunahan na niya. Ang bait talaga ng Ate ko. Buti hindi ako nagmana.

BINABASA MO ANG
Exchange Organs
Aktuelle LiteraturHe's sick. He needs kidney in order to prolong his life. So she gives her kidney in exchange of his love, in exchange of his heart. But what if, she'll need his heart, the literal heart. Is he willing to give his heart for her? Or he'll just let her...