CHAPTER 5

58 3 0
                                    


Grabe ang laki dito sa Field pinalilibutan ito ng mga design.
Pagpasok mo palang ay bubungad sayo ang Neon na kulay ng ilaw.

Napasigaw ako dahil may biglang tumapik sa balikat ko.

"Ayy taee!!" Tili ko at tinignan ko kung sino yun.
Pamilyar sakin ang mukha niya kaso di ko na kilala dahil sa maskara nya.

'Actually lahat na nandito ay naka maskara'

Dahan dahan niyang tinangal ang maskara nya at bumungad sakin ang napaka gwapong si Nerd boy or should I say si Kage!

"Kage!" Manghang sabi ko.

"Yes! Hazel haha" natatawang aniya.

Di mo talaga aakalain na si Kage ang kaharap mo ngayon dahil sa dating lalaki na naka suot ng makapal na salamin ay hindi na ngayon.
Yung lalaki na baduy manamit naging gwapo siya dahil sa suot nyang tuxedo

'Grabe! Macho pala ang Nerd nato!'

"How did you know na ako toh?" Tanong ko sa kanya dahil nga kasi nakamaskara ako.

"Remember! Sabay tayong bumili sa Dress at high heels mo" sabi nya sakin na nakangisi at labas ang dimple nya kahit medyo madilim dto.

'Ayy gaga ka selp!'

Wahaha naka high heels pala ako ngayon mga 3 inches lang siguro toh.
Di kasi ako mahilig sa matataas na heels.

"Sabi ko nga kage eh! Grabe! Ang gwapo mo ngayon huh!" Pagpuri ko sa kanya.

"Thanks! Ikaw din naman ah. You're so Gorgeous with your dress" papuri nya sakin pabalik at sinuot uli ang maskara nya.

"C'mon punta na tayo doon" aya ko sa kanya at pumunta kami sa lamesa at kumuha ng pagkain.

Nagsimula na kaming kumain at tinitignan ang mga estudyanteng mga paparating din.

"Grabe! Ang ganda nila noh" wala sa sariling bulong ko.

'Halatang pang mayaman!'

"Pero mas maganda ka talaga ngayon" Sabi ni Kage.

'Nambola na naman ang Nerdo'

Tumawa nalang ako.
Naiilang ako sa kanya sa totoo lang.

"SO GOOD EVE STUDENTS!! NOW! WE HAVE A SPECIAL GUEST FOR OUR ACQUAINTANCE PARTY!"
Sigaw ng Emcee sa Microphone

"Wahaha sino?"
"Gwapo ba?"
"Sino?"
"Sabihin mona"
Sigaw ng mga estudyante.

"PLSS LET US WELCOME MR. KEITH KRAEUS!! HE IS THE SON OF THE OWNER OF THE HOTELS HERE IN OUR COUNTRY! AND AT HIS EARLY AGE HE HAD OWN THE MALL HERE BESIDE OUR SCHOOL" Sigaw ng Emcee at biglang lumabas ang isang bulto ng lalaking naka poker face.
Ang GWAPOOO nya as in!
Pramis! Gwapo talaga siya!

'Putcha! Gwapo sana wala nga lang reaksyon haha baka bato siya gais'

"Waaaaahhh ang gwapo!"
"Pota! Nalaglag panty ko"
"He so hot!"
"Ahh he's mine!!"
"Kyyaahhh"
"Papa keithhh" Sigaw ng mga estudyanteng nandito sa Field kaya napatakip ako sa tenga ko.

"Grabe ang ingay noh" Sabi sakin ni Kage.

'Aba! Buhay pa pala ang isang toh haha'

"Oo nga ehh pota!" Inis na sabi ko.

"LET WE START THE TRUE PARTY! PICK UP YOUR PARTNER AND DANCE WITH HIM/HER" Sigaw ng Emcee.

Nag patugtog naman ang Dj ng Solemn na kanta.
Di ko alam ang title nun eh..

Agad na tumayo sa Kage at nilahad nya ang kamay nya sakin

"May i have this Dance?" Tanong nya sakin na nakalahad parin ang kamay.

'Nako baka nanglay na ang isang toh'

Tinangap ko ang kamay nya at agad akong nakatayo.
Naka maskara parin kaming lahat ahh maliban sa Special Guest daw.

Nag simula na kaming sumayaw.
Nakahawak sa bewang ko si Kage at nakasukbit naman ang kamay ko sa batok nya.

Pagkatapos ng kanta ay may kasunod pa haha.
Sasayaw na sana ulit kami ni kage nang biglang....

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Sasayaw sana ulit kami ni Kage nang may biglang dumating na pamilyar na lalaki.

Yumuko ito at inilahad nya ang kamay nya sa harap ko.
Tinignan ko si Kage ngunit pag tango lang ang sagot nya.

"Aantayin kta doon" sabi nya sakin at tinuro ang lamesa.

Kaya tinangap ko yung kamay na nakalahad.
Di ko mawari kung sino yun dahil naka maskara siya.
Ngunit pamilyar ang kaniyang tindig.

Nag simula na kami mag sayaw ngunit wala parin akong narinig na salita sa kanya.

"Woi pepe kaba? Sino ka po?" Tanong ko sa kanya sa kalagitnaan ng pag sasayaw namin.

"Ows you forgot me Easly" Nakangising sagot nya.

"Luh bakit nya kasama si Baby David"
"Who's that girl?!!"
"I'm sure pag lalaruan lang siya ni David"
"Look at her! Pathetic!" Rinig kong bulong bulongan ng mga estudyante dto.

'Putcha! Si David pala toh haha'

"Owws David haha!" Natatawang saad ko.

Nang matapos ang sayaw ay inihatid nya ako sa table namin at bumulong.

"You look so gorgeous" Bulong nya sakin at umalis.

'Naol marunong magbiro! Wag kang Aasa selp na gaganda ka haha'

Tinignan ko si Kage patuloy lang siya sa pag inom ng kanyang wine.
Kaya sinita ko ito.

"Woi baka malasing ka!" Sita ko sa kanya.

"Haha hindi ahh, hindi ako nalalasing sa Wine" sabi nya sakin at tumango nalang ako.

Tinignan ko nalang ang mga estudyanteng nag sasayawan.

Grabe ang ganda nila. It's too obvious na mamahalin ang mga damit nila.
Walang wala ako.

Naramdaman kong may tumitigtig talaga sakin kaya tinignan ko si Kage ngunit patuloy lang to sa pag inom.

Kaya nilibot ko ang mata ko sa paligid at nahagip ko dalawang pares ng mata na nakatitig sakin.
At umiigting ang panga, Napaka dilim ng kanyang awra.

'Luh anong ginawa ko dito kay Mr.Keith! Mama help!'

Umiwas nalang ako ng tingin at baka mamatay na sa titig nya.
Grabe! Mas lalo siyang gumwapo pag galit haha.

'Teka! Bat ba siya galit? Baka indi pede ang panget dito kaya nagalit siya huhu sorna!'

"Woi Kage! Punta muna ako Cr!" Pag papaalam ko sa kanya.

"Gusto mo samahan ki--Aray!" Di ko siya pinatapos dahil binatukan ko na agad ito.

"Asa!" Inis na sabi ko sa kanya.
At tumawa naman siya!

'Ang ang gwapo ng Nerdo na ito pag tumawa haha'

Inirapan ko nalang siya at umalis.
Dali dali akong pumunta sa Banyo at nag salamin.
Tinangal ko mask ko dahil naiinitan ako nito.

Nang may biglang pumasok na grupo ng mga kababaehan.

"Owss girls! Look who's here?" Mataray na sabi nya.

'Sila yung grupo na tinawag kaming 'Ugly Creature' haha'

"Ayaw ko nang away Charry" Sabi ko sa kanya.
At akmang tatalikod na nang bigla nyang hinila ang buhok ko.

"I'm not done talking to you" Sabi niya sakin at binitawan ang pag kakahila sa buhok ko at Binalik ako sa dating pwesto.

'Putcha! Usto nyo pala physical na sakitan ehh!'

'Kalma selp! Wag mong patulan baka mawala pa scholarship mo'

"Hoi Ugly! Kahit mag paganda ka man walang mag babago sa itsura mo!" Sabi nya sakin at sinampal.

'Wag mong patulan selp! Inhale! Exhale!'

"Ano ba Charry!" Inis na sabi ko sa kanya.

'Kunting kunti nalang papatulan ko ang bastardang ito.'

"You Hazel! You seduce Blake kaya siya nakipag sayaw sayo!" Malditang saad ni Charry.

'Putcha! Yun ang kinagagalit niya eh halos wala nga akong pakialam doon!'

"Ano bang sinasabi mo?!" Inis na tanong ko sa kanya.

"Well, nag maang maangan ang Nerdy!" Aniya.

"Putcha! Kahit sayong sayo na si Blake! At kahit lunukin mo pa siya para mabusog ka! Ala akong paki alam!" Inis na sabi ko.

'Putcha pahamak talaga tong si Blake!'

Akmang aalis na ako ngunit bigla siyang mag salita sanhi upang lahat ng dugo ko sa buong katawan ko ay napunta sa ulo.

"Well I'm sure your mother is a whore! Sabi kasi nila Like Mothe like Daughter kaya di na ako mag tataka na Ganyan ka kaexpert when it comes to 'SEDUCE'
You daughter of bitch!" mahabang aniya.

'Idamay mona lahat wag lang pamilya ko'

Kaya hinarap ko ulit siya nang may blangkong mukha.
Kailan ko kumalma.

"Ayusin mo ang tabas ng Dila mo Charry dahil kapag di ko nagustuhan ang naririnig ko galing sa marumi mong bibig sisiguraduhin ko ikaw mismo ang kakain sa sariling Dila mo" Mahabang lintaya ko.
At di ko na sila pinatapos at umalis na!
Baka makasapak ako eh.

A/N: wahaha tenkyu mga bebs sa pag motivate sakin haha.
Kaya nga hinahabaan ko ud ko eh dahil mahar kayo ni Author haha.
Follow the RBP mga bebs! Mwah

That Nerd Is Mine (His Obsession)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon