Unang Kabanata

33 0 0
                                    

Bumaba ako sa hagdan na humihikab pa rin kahit tapos na akong maligo. Dumiretso ako sa kusina at nakita ko si mama na nagluluto. Nilingon niya ako at nilapag ang niluto sa mesa.

"Gising ka na pala. Kumain ka na."

Sakto namang pumasok si Kuya Kai at Ate Via sa kusina.

"Stelle, pumunta pala si Eve dito kahapon pero natutulog ka kasi kaya di ka na niya ginising." Sabi sa'kin ni Ate Via habang hinihiwalay ang dilaw na parte ng itlog sa puti.

"Bakit daw?"

"Eh gala daw eh. Since natutulog ka, si Fara nalang daw isasama niya."

Gala na naman. Pinaglihi yata kay dora tong si Eve eh.

"Bilisan niyo na parating na yata tatay niyo. Nagcarwash lang yun sa kanto."

Naglalakad ako sa hallway ng may sadyang bumangga sa balikat ko.

"Hey yow!"

"Hey yow ka dyan. Ang sakit ah!"

Lumapit siya sa'kin sabay hawak sa balikat ko na tinanggal ko naman agad. Tinaasan ko siya ng kilay. Tsansing tong lalaking to.

"Ang arte neto. Sabay na tayo."

Wala naman akong choice. Magkatabi lang ang classroom namin kaya iisa lang talaga dadaanan namin.

Nauna na akong maglakad sa kanya. Nakalingon ako sa dulong parte ng kiosk nang may marinig akong malakas na tawanan. Nakita ko si Stan na tumatawa kasama ang mga barkada niya.

Mas naging firm pa tingnan ang kanyang panga dahil sa pagtawa. Litaw na litaw rin ang mapuputi niyang ngipin. Ang ganda pa ng pagkakatangos ng ilong. Very masculine. He's also very neat. Good boy na good boy tingnan.

Well, I started admiring him last June. Transferee siya galing sa kabilang bayan. He is good-looking at mukha pang mabait kaya siguro he gained a lot friends in a very short span of time.

"Stelle!"

"Oh?"

Kakalabas lang ng first period teacher namin na di pumapalyang magbigay samin ng homework araw-araw.

"Kanina pa kita tinatawag." Nakapameywang na sabi ni Eve.

"Oh?"

"Anong 'oh'? Tinatanong kita kung nakapasa ka na ba ng tula?"

"Nakapasa na ako kahapon."

"Nakapasa ka na rin sa project natin sa math?"

"Tapos na."

"Eh yung PowerPoint presentation mo sa Science, tapos na?"

"Tapos na. Diba nasabi ko na sayo? At saka nung nakaraang linggo pa deadline nun ah? Di ka nakagawa?"

"Gagawa pa lang. Pinagbigyan ako ni Ma'am Calungsad hanggang biyernes."

"Sabi ko sayo last week gawin mo na yung PowerPoint presentation sa Science. Di ka nakinig kaya ngayon natambakan ka na ng mga gagawin." Ewan ko ba sa babaeng ito. Wala siyang ginawa last week. Gala lang gala edi tambak siya ngayon. Hayst.

"Tulungan mo naman ako oh. Kahit sa tula lang tutal magaling ka naman sa Filipino diba?"

Tinaasan ko siya ng kilay. Lumapit siya sa'kin at sinukbit ang braso niya sa braso ko.

"Pleaseeeeeee."

Bumuntong hininga ako at tumango.

"Sige. Mamaya pupunta nalang ako sa bahay niyo."

"Yay! Thank you! Thank you! Pero ako nalang ang pupunta sa inyo tutal ako naman humingi ng pabor."

"Hindi na. Ako na ang pupunta sa inyo." Tanggi ko sa kanya. Ayaw ko sa bahay gumawa, di ko feel.

Our school's kiosk looks very busy. May mga nag-aaral, nagtatawanan, nagchichikahan, at kumakain.

We occupied the table sa gitnang banda ng kiosk. Mas paborito kasi ng mga students ang mga table sa bandang gilid. Since maraming tao we have no choice settle ourselves here.

"Sama ka samin mamaya Lex?"

"Sige ba! San ba kay-"

"Di siya pwedeng sumama. Manggugulo lang yan dun. Marami-rami pa ang gagawin mo. Kaya dapat nating bilisan ang paggawa sa tula diba?"

"Promise hindi ako manggu-"

Tinignan ko siya ng masama kaya napatigil siya. Anong 'di manggugulo' neknek niya. Sa daldal niyang yan. Tsaka baka nakalimutan niya yung pagbangga sa'kin kanina. Masakit yun ah.

Nagbubulungan ang dalawa kaya di ko nalang sila pinakialaman.

Nilabas ko ang notebook ko para gawin ang assignment ko na binigay samin kaninang umaga. I need to do this early dahil may gagawin pa kami mamaya ni Eve. Sinimulan ko na itong sagutin.

I stop writing when I felt someone staring at me. Nilingon ko ito at nahuli ko ang isang lalaki na lagpas kaluluwa kung tumitig.

A grade-11 student. Kaklase yata to o kaibigan ni Stan. Parang nakita ko tong kasama niya. Pamilyar siya sa'kin eh.

Nakita kong tumikhim siya at nilihis ang titig sa'kin. I roam my eyes and finally nakita ko si Stan. Magka-table lang sila. I smiled at tinuon na ang atensyon sa ginagawa.

Hindi pa ako nakakatagal dun ay natigil ako at napalingon ulit sa table nila Stan dahil sa lakas ng hiyawan at tuksuhan. Actually hindi lang ako ang natigilan at napalingon halos lahat yata ng students sa kiosk.

Isang babae ang nakita kong pulang-pula ang pisngi at nakayuko ang nasa harap ng lalaki. Yung lalaking nahuli kong nakatitig sa'kin kanina.

Looks like she confessed.

Well I can't blame her. Gwapo nga rin naman yung lalaki. Moreno, matangos ang ilong at in fairness ang ganda ng jawline niya ha. Mukhang malakas sex appeal. May hikaw rin siya sa left ear niya that really makes him more attractive. Pwede pala yun? Akala ko bawal ng ganun sa school. Nevertheless his overall appearance look rough and strict. Para siyang badboy pero in a mature way.

Matapos niyang suwayin ang mga kaibigan niyang nanunukso ay kinakausap na niya yung babae. Sa dami naming nanunuod sa kanila, nagmumukha kaming nanunuod ng isang high-grossing film.

Dahan-dahang tumango ang babae at umalis nalang. Mukhang basted. Well di na masyadong bago yan. Those batch of grade-11 are humoured heartbreakers. Marami rin naman talagang magaganda at gwapo sa kanila.

Tinutukso pa yung lalaki ng mga kabarkada niya. Napalingon ako sa crush ko ngumingisi rin. Napabaling ako ulit sa lalaki at nahuli naman siyang nakatingin sa'kin.

Napalingon ako sa likod ko dahil baka assuming lang ako. Nakita ko ang isang grade 10 student na maganda at maputi. Tsaka famous din siya. Madalas makuwento ni Alexandro.

Hayst. Assuming nga ako.

Destined For SomeoneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon