Naramdaman ko ang pamumula ng pisngi ko dahil sa hiya. Tutok na tutok pa man din ako sa kanya nung nakatitig siya. Malamang nahalata niya yon. Sorry naman, eh malay ko bang di pala ako ang tinititigan niya. Tss. Parang tanga lang.
Pinilit ko nalang kalimutan yun. At mas tinuon ang sarili sa pagsagot ng takdang aralin. Kaya lang, dahil na rin sa kanya ingay ng paligid, di rin ako nakapag-concentrate.
Nilingon ko ang dalawang kasama na nag-uusap. Tawa pa ng tawa tong si Eve, di man lang inisip kung may gagawin pa siya.
"Hoy!" Sigaw ko sa kanya. Tumatawa pa siyang bumaling sa'kin.
"Gawin no na mga assignments mo para projects nalang yung gagawin natin sa bahay niyo mamaya." Paalala ko sa kanya. Tumango naman siya at sinimulan nang kunin ang mga gamit niya.
Dumating si Fara na may mga dalang libro. Inilapag niya yun sa mesa at umupo sa tabi ko. Tinanggal niya ang kanyang salamin. Ipinatong ang siko sa mesa at hinilamos ang palad sa mukha.
Ano na naman nangyari dito? Lately, pansin kong mukha siyang laging pagod. Minsan naman nakikita kong tulala.
"Problema mo?" Kunot-noo ko siyang tinignan.
Nilingon niya ako at pagod na ngumiti.
"Wala, pagod lang." Sabay subsob ng ulo niya sa mesa.
"Para saan 'tong mga libro?"
"RSPC. Editorial."
Di ko nalang ulit siya tinanong at hinayaan nalang magpahinga. Mukhang pagod na pagod eh.
Kaya ayaw ko sumali sa school paper na yan. Pagod lang sa isip dulot niyan. Don't get me wrong ha, honor student ako peri I'm not into journalism o ano bang tawag diyan. Mas bet ko physical activities.
Nang tumunog ang bell hudyat na tapos ba ang lunchtime at nagmadali na kaming bumalik sa classroom.
Ginising ko si Fara ngunit sinabihan niya lang ako na dun nalang daw muna siya. Wala raw kasi first period teacher nila sa hapon.
Muli akong napasilip sa orasan na nasa harap. 3:17 na. Dapat eksaktong 3 yung labas namin ng room. Nagtext pa si Cali na parang bad mood daw si Coach at nasan na raw ako.
Wala na akong maintindihan sa mga sinasabi ni Sir, kakabantay ko sa oras.
"Okay. Class dismiss."
Pagkasabing pagkasabi nun ni Sir ay kumaripas na agad ako ng takbo. Inunahan ko pa siya sa paglabas sa pinto. Bahala na kung magalit siya. Hihingi nalang ako ng tawad bukas.
Narinig ko rin ang tawag ni Eve pero di ko na siya nilingon sa pagmamadali. Alam naman niyang may training kami ngayon.
Dumiretso ako sa pinakamalapit na restroom at mabilis na nagbihis ng jersey at sport cycling. Pinalitan ko rin ang suot na school shoes ng rubber shoes at napagdesisyunan na sa gymnasium na magsuot ng knee pads at elbow pads.
Tumakbo ako ulit papuntang gym. Nadatnan ko si Arianne, teammate ko, na nasa gilid.
Mahina kong binangga ang braso niya. At dinama ang hingal.
"Ba't nandiyan ka pa?" Bulong ko habang tinitignan si Coach na pinapagalitan ang iba naming teammates. Mukhang bad mood nga si Coach.
Bumuka ang bibig ni Arianne para sumagot pero naunahan siya ni Coach.
"Sanchez! Hinihintay ka niyan ni Borromeo. Pareho kayong late! Benteng ikot sa oval bago kayo pumasok dito sa gym!" Sigaw ni Coach sa'min.
Napangiwi ako sa lakas ng boses ni Coach kahit malayo ako sa kanya.
Ngayon na nga lang ako na late, nataon pa na bad mood si Coach.
"Anong tinutunganga niyo diyan? Kilos na! Bilis!" Sigaw niya ulit.
Dali-dali kaming lumabas ni Arianne.
Kakatakbo ko lang kanina eh. Tapos ngayon, tatakbo na naman?
Teka nga. Eh nasa loob naman si Coach so walang magbabantay sa'min.
Ngumisi ako't bumaling kay Arianne. Pero agad ding nawala ang ngiti ko nang makita kung sino kausap niya.
Bigla akong naging conscious sa mukha ko. Malamang haggard ako. Grabeng pagmamadali pa naman ang ginawa ko.
Kinuha ko ang panyo at mabilis na pinunasan ang pawis sa mukha.
Bumaling siya sa'kin kaya binaba ko agad ang panyo at pinasok sa bulsa.
"Hi. Stan nga pala. Ako yung inatasan ni Coach Sebastian na magbilang sa mga lapses niyo." Pagpapakilala niya at naglahad ng kamay.
"Uh.Stelle." I said and reach for his hand.
I can't help but notice how soft his hand is. I stared at his face. This is the first time I able to reach him this close. Gosh! What a handsome creature.
I snapped when I heard Arianne clearing her throat. I stared at her. Ngayon lang to eh!
"Let's start?" Arianne asked, raising her brows.
Stan smiled again. "Alright. I'll stay there with my friends." Turo niya sa isang banda ng bleachers, di kalayuan.
Napalingon ako roon. Nakita ko si moreno guy kasama ng ilan nilang kaibigan na lalaki.Wala ba silang klase? Ginagawa lang yata nilang tambayan tong skwelahan.
I caught him staring at me–I mean our side. May sinasabi sa kanya yung isang lalaki na chinito pero tumango-tango lang siya at nanatiling nakatitig sa'min.
I look at my back baka kasi nasa likod ko na naman yung Grade 10 student na maganda. Pero wala naman.
Nagsimula na kami para matapos na to at makapagtraining na kami sa gym. And I just neglected the feeling of someone staring.
Maybe habbit niya yan o mannerism. I don't know but someone should tell him that it's rude to stare.
In the middle of our run, nakaramdam ako ng sakit sa right side ng puson ko. Nagpatuloy pa rin ako kasi di pa naman masyadong masakit.
Biglang may parang pumitik doon at nakaramdam ulit ng sakit. Napaluhod ako dahil sa panginginig ng tuhod ko.
Agad naman akong natulungan ni Arianne na makatayo. Ngunit napaupo ulit dahil sa pamamanhid ng right knee ko.
"Hey! Ok ka lang?" Rinig ko ang tanong ni Stan pero di ko na siya nasagot dahil sa sakit na nararamdaman.
Ipinikit ko na lang ang mga mata ko dahil nahihilo na rin ako. Dala yata ng sakit pati na rin ng init.
May mga narinig pa akong mga nagtanong. May mga bulungan din akong narinig sa paligid.
Wala bang may balak na tumulong sa'kin? Because their words are the least that I need right now. Kailangan ko ng taong magdadala sa'kin kahit sa clinic lang.
I tried to stand pero kahit gumalaw lang kaunti ang paa ko, I felt the devious pain again.
Bumilis ang tibok ng puso. Mas naramdaman pa ang pagkahilo at ang sakit ng puson.
Nagitla ako ng maramdaman ang pag-angat mula sa lupa. Ang bilis ng kabog ng dibdib ng taong bumuhat sa'kin.
Mas lumakas pa ang narinig kong bulungan.
Nahihirapan din akong huminga sa lakas ng tibok ng puso ko.
Dahan-dahang humina ang mga bulungan. I get dizzy even more. I feel it. I know anytime I will lost consciousness.
But before I lost it, I heard someone shouted 'Jai!'.
★★★
BINABASA MO ANG
Destined For Someone
RomanceDS #1 "You tricked me. And I was fool enough to believed all your lies. I really thought that I was destined for you. To realized that it was just a dream- a nightmare to be exact. Still I believed I'm destined for someone. Too bad that, that someon...