Ikaapat na Kabanata

13 0 0
                                    

"Ma!" at dali-dali siyang pinuntahan.

Ini-angat ko ang kamay niya. Marahang nakatingin sa dugo na umaagos dito.

"Sandali lang po." saad ko.

Binitawan ko ang kamay niya at mabilis na pumasok ng bahay. Dumerecho ako sa kwarto ni ate Via. Malinis yun sa katawan kaya't nasisiguro kong may alcohol at cotton yun. Matapos makuha ang mga panlinis ng sugat ay binalikan ko si Mama.

Kinuha ko ang kamay nito at maingat na nilinisan. Matapos linisan ay inangat ko ang tingin sa kanya.

"Ma? Napano tong sugat mo?" di matago sa boses ko ang pag-aalala.

Ngumiti sa Mama pero pansin ko ang panginginig ng labi niya.

"Naku, anak... ah... wala lang yan. Hindi ko masyado nakontrol yung... ano... paghawak ng  kutsilyo kaya ayun, natusok. Kinukuha ko kasi yung mga bagong tubo na caladium para ilipat sana sa... uh... ibang paso."

Nakakunot ang noo ko habang nakatingin ako kay mama na nauutal magsalita.

Madalas kasi talaga siyang masugatan kapag may inaasikaso siya sa mga pananim niya. Kutsilyo kasi talaga ginagamit niya kahit delikado. Mas madali daw kasi. Kaya medyo sanay na ako na nasusugatan siya.

Pero ngayon...

Parang may iba eh. Ewan ko ba.

Baka dahil nauutal siyang magsalita kanina? Which is weird, because honestly, talakera talaga yang nanay ko. Kaya niya akong sermunan na parang nagra-rap.

"Ganun po ba? Mas mag-ingat lang po kayo sa susunod, ha?"

Tumango-tango naman si mama.

"Nagmeryenda ka na ba?" tanong niya sa'kin.

"Hindi pa po."

"Halika. Pasok tayo sa loob. May nabili ako kaninang kalamay."

Tumango ako sa kanya. Nauna siyang naglakad habang nasa likod niya ako, nakasunod sa kanya.

Nang makapasok kami sa kusina ay siya ring pagpasok ni Kuya Kai.

"Ma!"

Malalaki ang mga hakbang ni Kuya at nakatuon lang ang paningin kay mama. Halata rin ang hingal nito. Napansin ko ang pasa niya sa kanang bahagi ng labi. Mapupula rin ang mga mata nito. Na parang...

Na parang galing sa iyak?

Pero imposible. Kasi hindi ko pa kailanman nakitang umiyak si Kuya. Kahit anong away yata gawin mo sa kanya, eh wala siyang pakialam. Masyado siyang walang pakialam sa mundo.

Nakita kong umawang ang bibig niya para magsalita pero naunahan ko siya.

"Kuya? Anong nangyari sayo?"

Nakita kong nagulat siya. Di niya yata ako nakita kanina kahit na mas matangkad naman ako kay mama. Masyadong nakatuon ang atensyon niya kay mama kanina. Na mukhang may sasabihin siyang importante.

Napa-upo siya sa isang upuan at mukhang kinakalma ang sarili. Kinuha ko rin ang isang upuan at itinabi sa kanya.

"Kukunin ko lang yung mga panglinis sa sugat." sabi ni mama at nagmadaling bumalik sa likod bahay. Naiwan yata namin yun kanina.

Nanatili akong nakatingin kay Kuya.

"Napa-away ka ba?"

Di niya ako pinansin. Sa halip ay sinandal ang likod sa upuan. Ginalaw-galaw ang kanyang panga at kinapa ang sugat sa labi. Na medyo namamaga.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 27, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Destined For SomeoneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon