0010

1.4K 81 20
                                    

=====================
SOMETHING'S SCARED INSIDE MY HEART
=====================

Mabilis na nakarating kami ni Samantha dito sa bahay na binigay sa amin ni Camilla. Iniwan ko na rin ang babae na 'yon doon sa resort nila Nicko dahil mukhang nag-eenjoy naman siyang kasama ang kaibigan ko.

"Dito ba tayo titira babes kapag naghiwalay na kayo ni Camilla? Excited na ako."

Nilingon ko si Samantha pagkatapos ko i-parking ng kotse ko, ngunit imbes na sumagot ay natigilan ako dahil sa biglang pagbukas ng pinto at niluwa no'n ang magulang ko. Parehong napahinto sila pagkakita sa amin ni Samantha. Alam ko na ang nasa isipan nila at malamang sermon na naman ako nito.

Hindi ka pa sanay Kobe Herrera?

"Hintayin mo muna ako dito sa labas, mag ikot-ikot ka na muna dito. Kakausapin ko lang sila mama." Paalam ko kay Samantha.

"What's wrong? Any problem?" Nag-alalang tanong niya.

"I can handle this." Seryosong sagot ko at tumango lang siya. Pumasok ulit si mama at papa sa loob at alam ko na ang ibig sabihin no'n. Mahinang napabuga ako ng hangin bago tuluyang pumasok sa loob.

"Hindi ka ba makapaghintay na matapos ang usapan natin? Hindi mo na talaga ako nirerespeto bilang ama mo. Dinala mo pa talaga mismo ang babae mo na 'yan sa bahay niyong mag-asawa? Habang nandoon ang asawa mo natutulog na sa paghihintay sa'yo."

Tahimik na tiningnan ko lang si papa at hindi ko inaasahan na mauuna pa sa akin si, Camilla. Seryosong nakaupo si papa sa sopa katabi si mama na seryosong nakatingin lang sa akin.

"Kung ayaw niyong gawin ko ito sa inyo, ilayo niyo si Camilla sa akin. Kahit pa anong gawin niyo hindi ko tatanggapin bilang asawa ang babae na 'yo--"

"Sigurado ka ba anak?"

Natigilan ako sa sagot ni mama at kunot noon akonh napatingin sa kaniya, habang ang aking ama ay kitang-kita ang pagtitimpi sa mukha nito.

"Kailangan niyo pa bang itanong 'yan sa akin Ma? Alam niyo naman ang sagot ko." Asar na akmang tatalikod na ako dahil sa walang kuwentang usapan na 'yon.

"Kung gano'n kapag lumabas ka ngayon sa pinto na 'yan, asahan mo na hinding-hindi mo na talaga makikita ang asawa mo. Kahit lumuha ka pa ng dugo o lumuhod ka pa sa harapan namin, hinding-hindi namin sasabihin sa'yo kung saan namin itatago si, Camilla."

Hindi ko alam pero bigla akong nakaramdam ng kaba dahil sa narinig ko. Tila ba bumigat ang talampakan ng paa ko dahil sa sinabi ni mama.

Shit! Bakit ba pati magulang ko kontrolado mo? Ano bang meron kang babae ka?

Asar na nagngingitngit sa galit ang dibdib ko lalo na ng hindi ko namalayan na lumabas na pala ng pinto ang mga magulang ko. Naaasar ako ngayon dahil pakiramdam ko natalo ako sa sitwasyon na ito. Pero hindi ko alam kung bakit bigla akong kinabahan, anong ibig sabihin no'n?

Hindi 'yan mangyayari dahil hinding-hindi ko magugustuhan ang babae na 'yon.

Bumukas naman ang pinto at ang nakangiting si Samantha ang nakita ko, lumapit agad ito sa akin at akmang yayakap ngunit agad ko itong iniiwas sa akin na kinagulat niya.

"Badtrip? I'm sure, galit na naman ang papa mo. Hayaan mo na kapag magkasama na tayo wala ng makikialam sa atin."

Tumango lang ako sa kaniya pero hindi ko naramdaman sa sarili ko na siya ang makakasama ko sa buhay ko bilang asawa at hindi ko alam kung bakit ang gulo ng isip ko ngayon.

"Wait, i forgot sa kotse mo 'yung mga pinamili natin. Hindi ba may pool dito? Tara mag-swimming tayo then shot tayo." Masayang sabi nito.

Dumiretso naman ako sa kusina at tinungo ang ref at kumuha ng ice tube. Pumunta na ako agad sa pool at sinindihan ko ang sound system, pero hininaan ko lang dahil tulog pala si Camilla.

Still Loving You - Kobe & Camilla (R-18) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon